Chapter 30

1.2K 22 1
                                    

30


"Gago, seryoso ka ba, kayo na ulit?!" iyon agad ang unang tanong sa akin ng mga kaibigan ko pagpasok na pagpasok ko pa lang ng townhouse.

I slept at Azarel's place, and he drove me home. Babalik din naman siya dito mamaya pagkatapos ng trabaho niya.

"Sml," nakanguso kong tugon sa kanila, nagpipigil ng ngiti.

"Ano'ng sml?!" nakapamewang na tanong ni Clai.

"Sorry marupok lang,"

As expected, kanya-kanya na silang kurot sa tagiliran ko.

"Tang inang karupukan naman 'yan, sumasagad hanggang buto!" puna ni Mags habang natatawa akong pinagmamasdan. "Parang kagabi lang ang tigas mo kung magsabing, 'hindi na ako babalik sa kanya', ah!"

"Mods, ano ka ba, matatag lang naman matris ng bruhang 'yan 'pag hindi nakikita si Papa Az," si Claiborn habang tinuturo ako gamit ang nguso niya.

I just laughed at them as we went into our living room. Nagsiksikan kaming lahat sa isang couch dahil lahat sila halatang abang na abang sa chismis at ayaw may mahiwalay. Actually, kanina pa nagchachat mga 'to sa GC namin pero dahil alam ko namang kukulitin pa rin naman nila ako pagkauwi, hindi na ako nagreply.

"But seriously, Juliet, we may be disappointed by what Azarel has done to you before... but we cannot deny the fact that he's worthy of another chance."

Napatingin ako kay Saffron dahil sa sinabi niyang iyon. I don't know why, but my heart fluttered knowing that they really know and understand me. Alam nilang si Azarel lang ang makakapagkumpleto sa'kin. Alam nilang sa kanya lang ako mabubuo ulit... at sasaya talaga.

"Iyong pagkakamali niyong dalawa noon, we hope those will serve as lessons for you to handle your relationship more assertively now," Mags advised, and I quickly nodded in agreement.

"Ikaw rin bruha ka... if something happens to you that you know could affect your relationship with Azarel, communicate immediately with him. Isa rin siguro sa naging problema niyo noon, nagkulang kayo ng communication sa isa't isa," si Claiborn naman. "Lakas mo kasing mag-conclude dati na baka 'di ka paniwalaan ni Azarel! Ayon, nangyari tuloy! Stop attracting negative energy para 'di rin mausog relasyon niyong dalawa, okay?!"

Napangiti ako sa mga pangaral ng kaibigan ko. When I looked at Ishmael, because she was the only one who hadn't spoken yet, she just gave me a genuine smile. Kita ko pa ang paglabas ng mga dimples niya bago ako yakapin.

"As long as you're happy, I'm going to support you, Juliet," bulong niya, tama lang para marinig ko. Hinahagod pa niya ang likod ko non kaya mas lalong lumambot ang puso ko sa tinuran niya. "I've been praying for your happiness since day one, so if that means giving Azarel a chance to prove himself to you again, I'm in... Basta't 'wag ka lang ulit niyang sasaktan."

I looked at my friends one by one and pulled them into a group hug. They were one of the reasons why I managed to endure all the pain, heaviness, and sadness I felt when Azarel and I broke up. At masaya ako dahil hanggang ngayon... alam kong kasama ko pa rin sila sa kahit anong laban man ng buhay ang harapin ko.

That day, we just watched Netflix in my room. Mga bandang alas sais ng gabi, nagtext na si Azarel na nasa labas na siya ng townhouse kaya tumayo agad ako para sunduin siya.

I welcomed him with a warm smile and with a warm hug. Gago, namiss ko 'to!

"You missed me?" he asked, laughing while returning my hug, as if he could read my mind.

Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon