20
"Come on, guys! Let's rock the night! Canceled ang mga KJ dito!" one of the guys shouted, making my guests go even wilder.
Everyone seemed to be having fun. Pati mga blockmates ko na 'di ko naman ine-expect na pupunta ay narito rin. Tama nga si Saff. Ang laki ng yate nila na kahit marami kami, 'di pa rin kami nagsisiksikan dito sa bar area.
Pinisil ko ang kamay ni Azarel na nakapatong sa may hita ko. His forehead was also leaning on my shoulder, and he looked so tired. Halatang kulang siya sa tulog dahil kanina pa pupungas-pungas iyong mga mata niya.
"Ayaw mo bang matulog muna sa kuwarto natin?" I asked him.
Mabilis siyang umiling sa alok ko. "No, baby. I'm fine. We'll finish your birthday party..."
Tumango ako sa kanya at hinayaan na lang siyang isandal 'yong ulo niya sa balikat ko. His friends were also here. Nakita kong nasa iisang mesa sila, umiinom, habang pinapalibutan na ng mga talandi kong kaklase.
"Pst, mods!"
I turned to see who was calling me. Hindi nga ako nagkamali, si Claiborn iyon. Naka-krus ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng dibdib at nakataas pa ang isang kilay.
"Oh? Napano ka?"
"Sino 'yon?" nguso niya sa direksyon ng mga kaibigan ni Azarel. "Ayun, oh. 'Yong babaeng chinita na kangitian ni Laszlo."
"'Di ko alam pangalan. Pero sa pagkakatanda ko, 'yan ang class rep ng section namin, 'tsaka matalino." I wiggled my brows at her, making her frown.
"Tang ina neto, 'di ka nakakatulong sa pag-build up ko ng lakas ng loob magpakilala, hoy!"
"Ina mo rin, nakita mo lang sa personal, ulol na ulol ka na ulit diyan!"
Humalakhak siya, "Beh, sino ba kasing 'di mauulol sa pagmumukha na 'yan?!"
"Oh sige nga, 'pag nahalikan mo ngayon, I'll cover your allowance for a week!" hamon ko sa kanya.
I saw her eyes light up with delight after hearing my challenge. Agaran niyang inayos ang sarili at nakangising humarap sa'kin, "Sure. Easy money tawag diyan,"
"Dapat maga labi mo, ha!"
"Gusto mo paduguin ko pa, eh." she rolled her eyes and flipped her hair before turning her back to me.
May multo pa ng ngiti sa mga labi ko nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone ni Azarel. Nakahawak iyon sa isa niyang kamay at wala naman sana akong balak tingnan kung sino iyong nag-text... pero kusa kong nakita iyon sa lock screen niya.
Aster:
Where the fuck are you? Tito Lauren's been looking for you kanina pa!
Kumunot ang noo ko. Hinahanap siya ng Daddy niya? Bakit?
Hindi ba siya nagpaalam na pupunta siya rito?
I was still asking consecutive questions in my head when his phone beeped for another message.
Aster:
God, Azarel! Do you want Tito to punch you again for disobeying him?! I told you to break up with that girl already! Since you started dating her, haven't you noticed? Your relationship with your family has become a mess!
Huh?
Ano raw?
Pinagsasabi ng depunggal na 'to?
BINABASA MO ANG
Corrupting His Innocence (Innocence Series #1)
RomanceInnocence Series #1 (COMPLETED): Azarel Alarcon is a type of guy that every woman would die to ask for but he never commits himself to someone because apparently, he's busy becoming a lawyer. However, when he met this badass woman namely Juliet Aro...