Chapter 1

1.9K 39 7
                                    

"YES, Claire... It's me."

Mas matanda s'ya sa'kin? Akala ko... Bago ko pa maproseso na s'ya talaga si Clark, naramdaman ang pag-andar nitong kotse.

"T-teka, saan n'yo 'ko dadalhin?!"

Tiningnan ko ang itsura sa labas ng mga bintana nitong kotse at nakita na unti-unti na kaming lumalayo sa school.

Parang bigla akong nag-palpitate sa sobrang kaba tsaka 'di na ako makahinga nang maayos. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang gusto na nitong kumawala! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot.

Sa sobrang panic, hinalungkat ko ang bag ko sa likuran sa pag-asang makita ang cellphone ko. Hindi ko alam kung dahil ba naiiyak, kinakabahan, o nanginginig ako kaya 'di ko mahanap... Shit, nasa'n na ba 'yon?!

Napatigil lang ako nang may humawak nang marahan sa nanginginig kong kamay. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nag-aalala n'yang mukha.

"Calm down, Claire... Haven't you received my letter?"

"Ano'ng letter-"

Ah! 'Yung letter kanina! Saan ko ba nilagay 'yon? Sumulpot si Naia tapos... Tapos... Nilagay ko sa...

Sa bulsa ng palda ko!

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya at kinuha ang letter sa aking bulsa. Nangingingig man, pinilit kong ayusin ang nakuyumos na papel at basahin kung saan ako tumigil kanina.

-and I'll be good to you. I want us to talk and fix this so I'll have someone to pick you up after your class. Maybe I'll string along too. But if I can't make it, she will bring you to my place. I'll see you either way. We'll talk and work things out between us. I love you, Claire. I won't let you get rid of me that easily.

Kinuyumos ko itong letter at binato sa pagmumukha n'yang taliwas sa kanyang pag-uugali! Mas lalo akong nainis nang makita ang pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi.

"Hindi ako sasama sa'yo dahil hindi naman kita kilala! This is kidnapping! Let me go!" nag-English ako para mas lalo n'yang maintindihan.

"Aren't you glad to see me?" at nagpaawa pa s'ya!

"No! I already told you, 'di ba?! Tigilan mo na 'ko! I'm going home," mariin na pahayag ko.

"If that's what you want..."

Na-guilty naman ako nang tumamlay s'ya at yumuko. Masyado ba akong naging harsh? Hindi ko naman sinasadyang pagtaasan s'ya ng boses eh. Pero kailangan ko na kasing umuwi.

"Stop the car," ani Clark.

Ilang segundo lang, huminto ang kotse sa may pinakamalapit na sidewalk. Ganu'n na lang 'yon? Napapaisip tuloy ako kung kinidnap n'ya ba talaga ako o gusto n'ya lang ako kausapin... Pero bahala na! Kailangan ko nang makaalis rito.

Tumalikod ako kay Clark at lumapit sa may pinto ng kotse. Nang ambang bubuksan ko na ang pinto ay may yumakap sa'kin mula sa likod. Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo.

"Hmmph!" pinilit kong magpumiglas, alisin ang kamay n'ya, at buksan ang pinto... Pero unti-unti akong nanghina at nahilo sa matamis na amoy.

"You really think I'll let you go, Claire?" bulong nito at marahang tumawa- mahina ngunit mapanganib at nakakapanindig-balahibo.

"Mmhhh..." wala na akong nagawa kundi umiyak at manghina habang unti-unting nawawalan ng malay.

"You smell good..."

Iyon ang huli kong narinig, kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking pisngi at pagpikit ng aking mga mata.

.

Clark's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon