Chapter 5

1K 31 1
                                    

A/N: I decided that Claire should not call Clark "Kuya" and treat him with respect due to a change of heart. Minor changes lang naman, but I feel like I should still tell my readers. Belated happy new year nga po pala sa inyo :>

.

MALAMIG ang paligid nang bumalik ang aking kamalayan. Iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid. Iba na ang aking suot. At dahil sa suot ko ngayon, alam kong nasa hospital ako. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit mukhang hotel room ang kwartong kinalalagyan ko sa sobrang linis at sosyal tingnan.

Nabigyan naman ng kasagutan ang aking tanong nang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalake. Ang isa ay nakasuot ng lab gown habang ang isa naman ay nasa likod nito.

"You're overreacting. I told you, she's fine." Tumingin ang doktor sa akin at magkahalong gulat at galak kanyang naging ekspreyon nang makita ako.

"Look, she's awake already," nakangiting balita nito sa lalakeng nasa likod. Nagmamadali namang tinulak nung lalake ang doktor sa tabi at halos tumakbo na papalapit sa'kin. Umatras ako nang bahagya mula sa aking pagkakahiga.

"Claire, are you feeling alright?" halos lumuhod na s'ya para lang magpantay kami. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang bughaw na mga mata. Hindi ako nakaimik agad. Bukod sa hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi rin ako pamilyar sa pag-aalala ng ibang tao para sa'kin. Nakaramdam ako ng kaunting tuwa pero agad naman naglaho 'yon nang maalala lahat ng ginawa n'ya sa'kin.

"She's obviously fine. Right, Miss Lopez?"

Napatingin kami sa doktor.

"O-opo, Doc."

Tumayo si Clark at umupo sa may paanan ko. Hindi n'ya inaalis ang tingin n'ya sa'kin. Tumingin na lang ako kay Doc dahil hindi ko s'ya kayang makita.

"Get out. I want to talk to Claire." Kinabahan ako nang marinig 'yon.

Tumawa nang bahagya ang doktor habang umiiling. Bumaling s'ya kay Clark at tinapik ang balikat nito.

"She can leave now. She was probably just very surprised to see you. Just make sure to tell her, alright? I know you want to tell her yourself." Kumindat si Doc kay Clark pagkatapos ay tumingin sa'kin. Nagtaka ako nang makita ang mapait na ngiti mula sa mga labi n'ya na mabilis na napalitan ng mabait na ekspreyon. Kumaway s'ya bago naglakad palabas ng room.

At ngayon ay kaming dalawa na lang ang nandito... Tumindig ang balahibo ko sa braso nang may humawak sa kamay ko.

"Thank you, Claire..." nilaro-laro ng kanyang hinlalaki ang likod ng palad ko. Mas lalo akong naguluhan.

"P-para saan?"

Bago pa n'ya maibuka ang kanyang bibig ay biglang lumagabong ang pinto at pumasok sila Mama at Papa. Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Clark. Lumapit si Mama sa'kin habang si Papa naman ay nagpalipat-lipat ang tingin kay Clark at sa'kin.

"Anak, ayos ka lang ba? Bakit ka naospital? Kumain ka ba ng agahan, tanghalian? May sakit ka ba?"

"A-ayos lang po 'ko..." hindi ko masagot nang maayos si Mama dahil pinagmamasdan ko si Papa na nakikipagtitigan na kay Clark. Kinakabahan ako. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong makipag-away si Papa. Natatakot ako sa posibleng mangyari, sa posibleng malaman nila...

"Sino 'to?" at tumingin muli si Papa sa'kin. Mas natakot ako dahil sa tingin na binibigay n'ya sa'kin. Tingin na nanghihingi ng sagot. At 'yung sagot ay dapat tumama sa kung ano man ang gusto n'yang marinig.

Buti na lang dahil biglang humarap si Mama kay Papa at nabigyan ako ng sandaling panahon para makapag-isip ng sasabihin ko.

"S'ya siguro ang nagdala kay Claire natin sa hospital at nag-text sa'kin. Hijo, can you speak Tagalog?" pagkausap ni Mama kay Clark.

Clark's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon