Prologue

1.9K 34 12
                                    

Why do you want me to stop giving you letters? Did I do something wrong? Do you not love me anymore? Give me another chance. You know how much I love you, right? I promise I'll be better-

"Ano 'yan?"

Hindi ko na natapos basahin ang sulat nang may magsalita sa likod ko. Agad kong sinarhan ang pinto ng locker ko at hinarap si Naia, ang class president ng 12 ABM-A na section namin.

"A-ano... notes ko lang."

Bumaba ang tingin n'ya sa kamay ko. Doon ko lang na-realize na hawak ko pala ang sulat na binigay sa'kin ni "Clark".

"Eh ano 'yan?" turo n'ya sa hawak ko.

"Wala 'to. Ano... basura lang na nakalimutan kong itapon," palusot ko.

Hindi ko alam kung kapani-paniwala ba 'yon, pero mas lalong hindi ko alam kung bakit parang biglang naging interesado sa'kin si Naia. Sa kabuuan ng buwang ito, nahuhuli ko s'yang nakatingin sa'kin at katulad ngayon, minsan ay bigla na lang s'yang susulpot at kakausapin ako.

Naisip ko nga na baka si Naia si "Clark" at 'yun ang napili n'yang alyas. Pero sa isang sulat, nakalagay doon na malungkot daw si Clark dahil magkaiba kami ng school. 'Yun din daw ang dahilan kung bakit sa sulat n'ya lang ako nakakausap.

"Claire-"

Krrring!

Hindi na natuloy ni Naia ang sasabihin n'ya nang tumunog ang school bell. Binulsa ko na agad ang sulat sa aking palda at ni-lock ang locker ko. Pagkalingon ko, tumatakbo na s'ya papunta sa room namin. Ambilis naman no'n. Hindi man lang ako hinintay.

.

.

HINDI ako makapag-focus sa klase. Iniisip ko kung tama ba ang ginawa ko. Nag-iwan kasi ako ng sulat sa locker ko last week na gusto ko na'ng tumigil s'ya sa pagpapadala ng sulat sa'kin. Tapos ngayon natanggap ko na ang tugon n'ya... para akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.

Nagsimula s'yang magbigay ng sulat noong June kung kailan nagsimula ang klase. Noong una, nakakakilig naman ang mga sulat n'ya. Para n'ya akong nililigawan at nilalambing. Palagi n'yang sinasabi kung gaano ako kaganda... Kung paano s'ya nahulog sa mga ngiti ko at sa mga kabaitan na ginagawa ko raw sa mga tao at hayop sa paligid ko.

Palagi n'ya rin akong pinapaalalahanan na mag-ingat ako, kumain at matulog sa tamang oras... 'Yung mga sulat n'ya din ang nagco-comfort sa'kin tuwing malungkot ako at may problema.

Pero habang tumatagal, nagiging... Ano ba'ng tamang word para doon? Creepy? Nakaramdam ako ng takot last month lang. Unti-unti ko nang napapansin na para n'ya pala akong pinagmamasdan sa malayo.

First week of February. Sinabi n'ya sa isang sulat na alam n'yang mahilig ako sa red velvet dahil 'yun daw ang palagi kong pinipiling flavor ng milk tea. Hindi ako kailanman nag-post online ng mga pagkain at inuming binibili ko. Pero pinalampas ko iyon baka naman napansin n'ya lang na mahilig ako sa pula sa mga posts ko.

Second week of February, Valentine's day. Wala sa bahay noon sina Mama at Papa dahil nag-date sila sa labas. May nagpadala sa bahay ng red velvet cake, milk tea, pulang teddy bear, at bouquet ng red roses na may sulat n'ya. Hindi ako naglalagay ng address sa social media account ko, kaya 'di ko alam kung paano n'ya nalaman iyon. Tinanggap ko pa rin naman dahil nahiya ako kay Kuyang delivery rider, pero tinapon ko lahat ng binigay n'ya maliban sa cake at milktea. Nakakapanghinayang kasi.

Pagkatapos no'n, hindi ko na binasa ang mga sulat n'ya. Tinapon ko na lahat pati 'yung mga love letters n'ya dati. Pero last week, nakita ko na nagbabanta s'yang pupuntahan n'ya ako. Doon ko na naisipan na pakiusapan s'yang itigil na 'to.

Clark's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon