Warning: The following chapter contains mature content that is unsuitable for children, and for some adults as well. Reader discretion is advised.
.
TINULAK ko agad ang pinto ng kotse pagkatapos n'yang sabihin iyon at mabilis na naglakad papunta sa'min. Kahit mabilis ang tibok ng puso dahil sa kaba at medyo masakit pa rin ang katawan, pinilit kong maglakad nang tuwid.
Nagtaka ako nang wala akong naririnig na pag-ugong ng kotse kaya lumingon ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil nandoon pa rin 'yung kotse n'ya. Hindi ko man kita sa loob ay sigurado ako na pinapanood n'ya akong maglakad palayo.
Bakit hindi pa s'ya umaalis?
Natakot ako sa posibilidad na bumaba s'ya ng kotse at sumunod sa'kin kaya kahit mahirap ay nilakad-takbo ko na ang daan papunta sa bahay. Halos maiyak ako sa tuwa nang makarating na ako dito sa'min. Tumingin muna ako sa paligid at wala namang tao. Ayokong kung ano-anong sabihin nila sa'kin dahil umuwi lang ako ng ganitong oras. Nang makumpirmang wala ay huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto.
Kinagat ko ang aking labi nang marinig ang boses ni Mama. Parang kanina pa n'ya ako hinihintay dahil kita kong bukas ang liwanag sa siwang sa ilalim ng pintuan. Napayuko ako dahil hindi ko alam kung paano ko s'ya titingnan ngayon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
Nang bumukas ang pinto ay nag-angat naman ako agad ng tingin. Kitang-kita ko ang pinaghalong pag-aalala at pagpanatag ng kanyang loob.
"Claire, anak! Jusko, kanina ka pa namin hinihintay ng Papa mo! Saan ka ba galing, bakit 'di mo kami tinext man lang? Akala namin kung napaano ka na," bungad n'ya sa'kin. Napansin ko sa likod n'ya si Papa na mukhang nag-aalala pa rin.
"N-na-lowbat po ako. S-sorry po." Napayuko nanaman ako. Pero ngayon, pati mga luha ay bumagsak mula sa mga mata ko.
Pinag-alala ko sila. Tapos ngayon, nagawa ko pang magsinungaling. Feeling ko ansama-sama kong anak.
"Oh s'ya, pumasok ka na." naramdaman ko ang pag-alalay ni Mama sa aking balikat para papasukin ako sa loob. Naging mahinahon at malamyos ang tono ng kanyang boses. Baka napansin n'yang umiiyak ako.
"Kumain ka na ba, Claire?" narinig ko naman ang boses ni Papa. Katulad ni Mama ay mahinahon din s'ya. Mabilis kong pinunasan ang aking mga pisngi habang nakayuko bago mag-angat ng tingin para sumagot.
"Opo, k-kumain na po ako."
"May nangyari ba sa'yo, anak?"
Nang marinig ko iyon mula kay Papa ay parang gusto ko na lang umiyak at magsumbong sa kanila ni Mama. Pero maniniwala ba sila sa'kin? Paano kung sisihin nila 'ko? Pa'no kung sabihin nila na gumagawa lang ako ng kwento para lumiban sa klase? Pa'no kung... kamuhian nila 'ko?
"Wala naman po. Akyat na po ako sa taas, Ma, Pa." paalam ko at naglakad papunta sa hagdanan.
Hindi ko kayang makitang galit sila sa'kin. At mas lalong hindi ko kayang makita na pinandidirihan nila ako. Maigi na 'tong wala silang alam. Wala silang iisipin, wala silang sasabihin... Ayokong guluhin ang tahimik at payapa naming pamumuhay. Tutal ako lang naman ang nakakaalam nito, kailangan ko lang magpanggap na parang walang nangyari.
.
.
"T-TAMA na..." tinulak ko s'ya sa dibdib dahil sumasakit na ang mga hita't binti ko. Akala ko ay aabutin lang 'to ng ilang minuto pero parang kalahating oras na ay hindi pa rin s'ya tumitigil. Mahapdi na din ang pagkakababae ko. Ganito ba talaga kasakit 'yon? Bakit parang sobra-sobra naman?
"P-pagod na 'ko..." akmang itutulak ko ulit s'ya nang pinagsiklop n'ya ang mga kamay namin at pinagsiksikan n'ya ang kanyang ulo sa aking leeg. Napapikit ako nang maramdaman na bumibilis nanaman ang paggalaw n'ya. Ayoko na, sobrang sakit na.
"Just one more... One more..." bumaon ang mga kuko ko sa likod ng kanyang mga kamay nang maging mariin naman ang kanyang pagpasok sa loob. May natatamaan s'ya sa loob ko na nagbibigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam. Kinagat ko na lang ang aking labi upang pigilan ang sarili kong mag-ingay.
"Claire..."
At muli, naramdaman ko nanaman iyon na lumalabas mula sa kanya. Nagsagawa pa s'ya ng ilang ulos hanggang sa tuluyan na s'yang bumagsak sa ibabaw ko. Hindi naman n'ya binibigatan ang sarili, pero dikit na dikit pa rin ang aming mga katawan. Dahil doon ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Pareho kaming pawisan at naghahabol ng hininga. Pinakawalan na ni Clark ang mga kamay ko, pero wala na akong lakas para igalaw ang mga iyon at itulak s'ya. Pumikit na lang ako at nagwalang-kibo, tahimik na nagdarasal na sana ito na ang huli dahil hindi ko na talaga kaya.
Sumiksik nanaman s'ya sa may leeg ko at hinalik-halikan ako doon. Akala ko'y magsisimula nanaman s'yang gumalaw, kaya laking pasasalamat ko nang hindi ko naramdaman ang panunumbalik ng kanyang lakas. Pero pagkatapos ng ilang halik, lumapit s'ya sa may tenga ko at bumulong.
"You're mine now."
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa aking pinto.
"Claire, bangon na! Aalis na kami ng Papa mo!" sigaw ni Mama mula sa labas. Kahit antok pa ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa ibabaw ng bedside table ko para i-check ang oras.
Punong-puno ang notifications ko ng mga pagbati sa kaarawan ko. Inaantok pa ako kaya hindi ko muna tiningnan at nireplyan ang mga messages nila. Babalik na sana ako sa pagtulog nang mawala ang antok dahil sa "new message" mula sa isang unregistered number. Pinindot ko agad ito at binasa.
I'm back.
Muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone dahil biglang nanginig ang mga kamay ko.
Happy birthday :)
.
.
(Third Person POV)
"WHY isn't she answering my calls?" aniya habang nakatingin sa labas ng bintana. Sumenyas s'ya sa driver na patakbuhin na ang sasakyan.
"Baka nagtatampo? Ngayon mo lang ata tinext eh. Oh baka naman may iba ng kausap." at tumawa ang babaeng nakaupo sa driver's seat.
"I believe you already know what to do when that happens," galit na anas nito. Ngumisi naman ang babae nang marinig iyon at pinatakbo na ang kotse.
Napapikit si Clark dahil sa pagod mula sa mahabang byahe at sama ng loob. Ilang linggo na rin s'yang hindi makatulog nang maayos. Araw-araw, hindi s'ya mapakali dahil malayo ang pagitan nila ng dalaga.
Binigyan n'ya ito ng kaunting panahon para sa sarili nito. Bukod sa naging busy s'ya sa New York, alam n'yang nabigla ito sa kanyang ginawa. Pero pinagsisihan na n'ya ito ngayon dahil sa sinabi ni Gil.
"Boss."
"What?"
"Hindi naman sa binibigyan kita ng false hope... Pero mukhang success 'yung plano natin. Invited ako, ha?"
Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ni hindi n'ya namalayan na malawak na ang kanyang ngiti. Sa isip-isip n'ya pa ay hindi na talaga ito makakatanggi sa gusto n'yang mangyari.
Binaling n'ya ang tingin sa hawak n'yang velvet box. Kulay pula ito. Just like her favorite color.
"Pero pa'no kung 'di pumayag, Boss? Ano'ng gagawin mo?" pang-aasar ni Gil sa kanya. Umiling s'ya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa maliit na kahon.
"Don't worry. She'll definitely say yes."

BINABASA MO ANG
Clark's Obsession
Narrativa generaleWhat will you do if your secret admirer suddenly became a stalker? Or should you be asking yourself... "Was he like that from the start?" Contains mature content that is unsuitable for children, and for some adults as well. Reader discretion is advi...