"LOPEZ, Claire Anne R. With Honors."
Umakyat ako sa stage kasama ang aking mga magulang. Binigay sa'kin ng isang guro ang aking highschool diploma na agad kong tinanggap. Tinapik ni Mama ang braso ko at tinuro ang photographer na s'yang kukuha ng picture namin. Ngumiti ako at tumingin sa bilog na salamin ng camera.
Click!
Pagkatapos ng isang pitik ay lumipat na ang photographer sa katabi ko na kasunod nitong kukuhanan ng litrato. Sumunod naman ako sa isang katabi ko at mga magulang nito na bababa na ng stage.
"Congrats, anak."
Tumingin ako kay Papa. Parang tuluyang natanggal ang mistulang tinik sa aking dibdib nang marinig 'yon. Hindi man s'ya nakatingin sa'kin, alam kong hindi ako nagkamali ng pandinig. Akala ko tuluyan ko ng winasak ang loob ng aking ama kasabay ng pagwasak ko ng mga pangarap n'ya para sa'kin. Pero ngayon...
Bago ako makapagpasalamat sa mga taong nagpa-aral sa akin ay pumunta na sila siguro sa kanilang pwesto kanina habang ako ay tuluyang naglakad papunta sa aking upuan. Dahil hindi pa tapos ang program, hindi pa kami pwedeng umalis.
May kung anong tuwa akong naramdaman nang makabalik sa aking pwesto at ipatong sa aking kandungan ang papel na kapalit ng dalawang taon kong paghihirap. Pero nawala ang ngiti sa aking mga labi nang mapagtanto ang mangyayari pagkatapos ng seremonyang ito. Napalitan ang galak na naramdaman ko ng kaba, at bumalik sa aking alaala ang mga naganap nitong mga nakaraang linggo.
Naging tahimik at mailap sa akin ang aking mga kaklase at ramdam kong marami silang sinasabi 'pag hindi nila ako kaharap. At dahil halos palagi akong hinahatid ni Clark papuntang school simula nung araw na 'yon, at marami ng nakakita sa amin, hindi ko na naipagtanggol ang aking sarili. Para saan pa ba? Naipakalat na siguro nila sa mga gc nila ang video nung araw na mahimatay ako. Gumawa na rin siguro sila ng iba't-ibang kwento tungkol sa'kin. Hindi man totoo, mapapagod lang ako kaya hinayaan ko na lang.
Medyo naging mailap din sila Mama at Papa sa akin. Sa tuwing kakain kami ng hapunan ay walang nagsasalita sa aming tatlo. Kung walang TV'ng nakabukas ay baka matagal na akong nabingi sa sobrang katahimikan sa bahay. Minsan ay pinupuntahan ako ni Mama para kausapin, tanungin kung ayos lang ako... at tuparin ang pangako n'ya kay Clark.
Hindi naman ako pinilit kumbinsihin ni Mama. Sa katunayan, pagkatapos n'yang ilabas ang opinyon n'ya na makakabuti sa akin na payagan ko si Clark na paninindigan "kami" ay choice ko pa rin naman daw ang masusunod. Bahala na raw ako sa gusto kong gawin at malaki na raw ako para malaman ang tama at mali.
Sa kabila ng mahinahon n'yang pagsasalita, mas lalo lang akong nakonsesnya. Sa isip ko ay parang mas mabuti kung magalit s'ya sa'kin. Iyon kasi ang kalimitang reaksyon ng mga magulang kapag nalaman na maagang nabuntis ang kanilang anak. Pakiramdam ko ay pinipigilan lang n'ya ang galit n'ya sa'kin dahil buntis ako. O kaya gusto na n'ya akong sumama kay Clark at tuluyan ng umalis sa buhay nila-
"Uhm, Claire..."
Naputol ang masalimuot kong pag-iisip nang tapikin ako ni Hannah sa balikat. Siya ang katabi ko ngayon.
"Kinausap kasi ako ng boyfriend mo kanina. Nung nag-cr ako. Ano, hindi ko kasi masyadong naintindihan sinabi n'ya haha... Pero parang kakausapin ka ata? Ayun s'ya, 'di ba?" tinuro ni Hannah ang pwesto sa likuran kung saan maraming mga magulang ang nakatayo. Nahagilap agad ng mga mata ko ang isang matangkad na lalaki na pinagtitinginan ng mga kalapit n'ya. Nakatitig s'ya sa'kin na parang kanina pa n'ya ako pinapanood. Napalunok ako nang makaramdam ng kaba at kilabot sa katawan, lalo na nang patuloy lang s'yang nakatitig na parang hinihintay akong lumapit sa kanya.
"S-sige, salamat..." nilagay ko ang mga gamit ko sa dala kong bag at pinabantayan iyon kay Hannah.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya. Nang makita n'ya ako ay may binanggit s'ya bago maglakad papunta sa parking lot nitong school. Kahit nagtataka ay sumunod na lang ako. Mabuti na lang at busy ang mga magulang at estudyante sa panonood ng graduation at 'yung ibang natapos na ay busy naman sa pagpipicture. Sila Mama at Papa, hindi ko kasi alam kung saan sila umupo, pero sana hindi nila ako nakitang sumunod kay Clark.
BINABASA MO ANG
Clark's Obsession
Genel KurguWhat will you do if your secret admirer suddenly became a stalker? Or should you be asking yourself... "Was he like that from the start?" Contains mature content that is unsuitable for children, and for some adults as well. Reader discretion is advi...