Chapter 4

959 28 0
                                    

"HAPPY birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" pagkanta ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng aming room.

"Happy birthday, Claire! How old are you na?" sabay-sabay pa ang kanilang pagsasalita tapos dinagdagan pa nila ng "na" sa dulo kaya nagtunog "conyo" sila. Natatawa na lang akong umiling.

"Eighteen."

Ewan ko kung bakit sila naghiyawan. May kung ano-ano silang sinasabi. Na kesyo pwede na raw akong makulong. Na magpainom daw ako tutal hindi na ako minor. Hindi ko na alam 'yung iba pa dahil nagsabay-sabay na sila. Pumunta na lang ako sa aking upuan.

"Happy birthday, Claire," bati ng katabi ko, si Lia.

"Salamat." Tumingin ako sa bawat sulok nitong room pati sa may mga bintana. Nang wala akong nakita ay nakahinga ako nang maluwag.

"Okay ka lang? Birthday mo ngayon, dapat happy ka lang!"

Ngumiti na lang ako na sa tingin ko'y pilit at umiwas ng tingin. Pinagsiklop ko ang aking nanginginig na kamay. Kahit wala "siya" rito ay kinakabahan pa rin ako dahil doon sa text na natanggap ko kanina. At kahit pilit na pinapakalma ko ang sarili ay mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tumingin ako sa mga kaklase ko sa harapan na walang kaalam-alam sa nararamdaman ko ngayon. Nakaramdam ako ng konting inggit dahil parang wala silang iniindang mabigat na problema. Habang ako... Pinipilit kong magpanggap na okay lang ako kahit ang totoo ay hindi. Pero kahit gano'n ay wala naman silang kasalanan sa nangyari sa'kin. Dahil ang totoo, ako naman talaga 'yung walang nagawa.

"Clare, tawag ka ni-" bago pa matapos ni Lia ang sasabihin n'ya, dumating na si Ma'am at tumahimik kaming lahat. Nagsimula na ang klase.

.

.

NAGPAPASALAMAT ako dahil kahit ilang oras lang ang klase ay malaki namang tulong iyon para mawala sa isip ko ang pangamba at takot na naramdaman ko kanina. Kahit panandalian lang. Pero paano na ngayong tapos na ang klase namin ngayong umaga?

"Claire!" nagulat ako nang may humawak sa'kin sa balikat. Lumingon ako at nakita ang hinihingal na si Naia. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Bakit ba n'ya 'ko nilalapitan?

"Saan... Saan ka manananghalian?"

Nagtataka at may pag-aalinlangan man ay sinagot ko s'ya nang maayos.

"Sa bahay. Bakit...?"

"Huwag!" napakislot ako sa biglaan n'yang pagsigaw. Pati ang mga estudyante sa paligid namin ay napatingin sa kanya.

"Bakit naman?" lumayo ako nang bahagya sa kanya. Tumingin ako sa gate. Gusto ko na ring lumabas at makauwi pero mukhang importante 'to. Sana naman wala akong nagawang kasalanan.

"Doon tayo sa canteen mag-usap. Ililibre kita. Basta huwag ka munang umuwi sa inyo."

Doon na ako nagtaka. Gaano ba ka-importante 'to para ilibre n'ya ako ng lunch? At bakit ayaw n'ya akong pauwiin sa'min? Andami kong tanong. Masasagot lang ata ang mga 'to kapag pumayag ako sa gusto n'ya.

"Bakit nga? Ano ba'ng kailangan mo sa'kin?" medyo naiirita na ako kahit ayokong magalit. Parehas kaming nagulat sa naging tugon ko. Pero mas lalo akong nagulat sa kasunod na sinabi n'ya.

"Si Clark... Pupuntahan ka n'ya."

.

.

PUMAYAG akong makipag-usap kay Naia dahil mukhang may alam s'ya kay Clark... At dahil natakot ako sa posibilidad na talagang puntahan ako ni Clark sa bahay kung kailan mag-isa lang ako. Nandito na kami sa canteen, naghihintay ng aming ulam at kanin. Pero mukhang hindi lang pala pagkain ang hihintayin ko. Nakayuko lamang si Naia, ayaw n'ya akong tingnan.

Clark's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon