NAGKALAT sa balat ko ang mapupulang marka na ginawa n’ya kanina. Tumingin ako sa pwesto kung nasa’n s’ya ngayon. Nakadungaw lang s’ya sa may bintana habang naninigarilyo. Mapula rin ang kanyang likod na puro kalmot na nakuha n’ya mula sa’kin.
Binalot ko ang hubad kong katawan sa kumot at tumalikod sa kanya. Gusto kong tumayo at umalis, pero masakit ang katawan ko, lalong-lalo na ang pagkababae ko. Wala na rin akong lakas para bumangon.
Ayoko sanang umiyak, pero trinaydor nanaman ako ng aking mga mata dahil bumabalik sa’kin lahat ng ginawa n’ya kanina. Hanggang ngayon, pakiramdam ko, hinahawakan n’ya pa rin ang iba’t-ibang parte ng aking katawan.
Natapos na siguro s’ya sa paninigarilyo dahil narinig ko ang mga yabag ng kanyang mga paa papalapit sa’kin. Naramdaman ko ang pag-upo n’ya dito sa may kama sa likod ko.
“Claire…”
Naiyak ako lalo— hindi dahil sa takot, kundi dahil sa paraan ng pagtawag sa pangalan ko. Malambing at maingat, kabaliktaran ng lahat ng ginawa n’ya sa’kin kanina. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang totoong s’ya.
“Look at me.”
Hindi na ako lumaban nang hawakan n’ya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha, kita ko ang isang maaliwalas na ngiti mula sa kanyang may sugat na labi.
“You don’t have to feel guilty that you don’t remember,” aniya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. “Let’s make new memories together instead.”
Parang wala lang talaga sa kanya ‘yung kanina para mag-suggest ng ganito. Walang bahid na pagsisisi sa kanyang mga mata. At talagang naisip n’ya pang umiiyak ako dahil hindi ko naalala ang “encounter” namin kuno three years ago at hindi dahil sa kanya, ha? Wala ba s’yang konsensya?
Pero kahit gusto ko s’yang sigawan, sampalin, sipain, at sabihan ng masasakit na salita… tumango na lang ako nang tahimik dahil ayoko na’ng lumaban at masaktan. Tuwang-tuwa naman s’ya sa naging tugon ko.
“Okay, let’s get you back home, shall we?”
Doon ako nabuhayan. Dahan-dahan akong umupo at hinarap s’ya.
“T-talaga? Papauwiin mo ‘ko?”
Nabitawan ko ang tanging telang tumatakip sa katawan ko sa pag-upo ko. Nakita kong napatingin s’ya sa may... Agad kong hinila ang kumot at tinakpan ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng kaba nang ngumisi s’ya at bumalik ang tingin sa’kin.
“Don’t worry, I already marked you enough for today,” natatawa n’yang pahayag at tumayo.
Pinulot n’ya ang mga damit sa sahig. Dahil suot na n’ya ang kanyang pantalon, sinuot n’ya na lang ay ang kanyang t-shirt. Sunod ay lumapit s’ya sa’kin at ako naman ang binihisan n’ya.
Gusto ko sanang magprisinta na ako na’ng magdadamit sa sarili ko, pero hindi na ako nakaangal dahil nakangiti s’ya. Natakot akong mawala ang ngiting ‘yon kapag umimik pa ‘ko. Kinabahan ako nang hawakan n’ya ang aking balikat dahil sinusuot n’ya sa’kin ang bra at uniform ko. Pero thankfully, wala naman s’yang ginawa maliban sa bihisan ako.
At dahil hindi ko naman masusuot nang maayos ang underwear ko habang nakaupo dito sa kama, pinatayo n’ya ako. Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi habang sinusuot n’ya sa’kin ang underwear ko. Walang umiimik sa’min, na ipinagpasalamat ko rin.
Nang maisuot na n’ya ang palda ko sa’kin ay kumuha s’ya ng suklay sa may bedside table at sinuklayan n’ya naman ako. Nasasayangan nga ako sa pagkain na dinala n’ya kanina’t pinatong doon, pero alam kong ngayon, mas importante ang makauwi ako. Hindi ako pwedeng gumawa ng bagay na pwedeng makapagpabago ng isip n’ya.
BINABASA MO ANG
Clark's Obsession
Художественная прозаWhat will you do if your secret admirer suddenly became a stalker? Or should you be asking yourself... "Was he like that from the start?" Contains mature content that is unsuitable for children, and for some adults as well. Reader discretion is advi...