Chapter 6

772 20 0
                                    

A/N: It's been nine months since my last update. Sorry to keep you waiting, and I'm sorry if I'll make you wait again because I don't know when I'll be able to write the next chapter. I won't give up on writing though. I'll definitely finish this story along with my studies🤞

.

PAULIT-ULIT kong naririnig sa isip ko ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Akala ko wala ng mas magpapagulat sa'kin ngayong araw kaysa sa biglang pagsulpot n'ya sa school at sa balitang buntis ako. Meron pa pala.

"M-Marriage? Magpapakasal ako... Sa'yo?" paninugurado ko.

Natatawa s'yang tumango. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa singsing at sa kanyang mukha. May kakaibang kinang sa kanyang mga mata. Hindi talaga s'ya nagbibiro.

"A-ayoko..." tinulak ko sa kanya pabalik ang pulang box. Unti-unting nawala ang sigla at tuwa sa kanyang mukha. Halos magsalubong ang kanyang kilay sa naging sagot ko.

"But Claire... You're pregnant with my child. You have to marry me," aniya. Takang-taka ang kanyang hitsura ngayon, parang hindi n'ya inaasahan ito. At 'yung huling sinabi n'ya, parang sinasabi n'ya na wala na akong magagawa kundi pakasalan s'ya.

"A-ayoko, ang bata-bata ko pa. Ni hindi pa nga ako nakaka-graduate ng senior high school tapos..." hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil sa pagdilim ng kanyang ekspreyon. Tuluyang nawala ang buhay sa kanyang mga mata pero ramdam ko ang kanyang matinding galit at... pagtitimpi.

Nakaramdam nanaman ako ng matinding takot, lalo na nang bigla s'yang ngumiti at walang namuong linya sa gilid ng kanyang mga mata.

"Your father... He already approved of us. Do you want to disappoint him any further? Hm?" malambing ang tono n'ya pero parang pinapagalitan n'ya ako.

Umiling ako bilang sagot habang nakayuko para mag-isip. Si Papa... Si Mama... Siguradong disappointed sila sa'kin. Ang kaisa-isa nilang anak na babae, maagang nabuntis. At mas lalo lang silang madi-disappoint kung ituring ako ng lahat bilang may anak pero walang asawa. Ayokong magpakasal pero... Ayoko rin namang magbigay ng mas matinding kahihiyan sa mga magulang ko.

Ano ba'ng nangyayari sa buhay ko? Gumulo ang lahat dahil sa lalakeng nakaupo ngayon sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit n'ya ginagawa ang lahat ng ito. Akala ko noon ay mananatali lang s'yang admirer ko habambuhay. Sinong mag-aakala na gusto n'ya pala ako, matagal na? At sa labis na pagkagusto n'ya sa'kin ay gumawagawa s'ya ng mga bagay upang matali ako sa kanya. At ang tanong na pinakangbumabagabag sa akin...

Ano ba talagang nagustuhan n'ya sa'kin?

"What's your answer then?"

Nagtaas akong muli ng tingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi't makapagsalita. Intimidated lang ba ako sa pagkaseryoso n'ya o natatakot ako kapag sinabi ko sa kanya ang aking sagot ngayong kami lang dalawa ang nasa kwartong ito?

At kung kanina'y hindi n'ya nagustuhan ang pagtanggi ko, paano naman sa pangatlong pagkakataon?

Tahimik s'yang naghihintay ng sagot mula sa'kin. Ayokong makitang muling pagdilim ng kanyang mga mata sa magiging sagot ko, kaya sinabi ko na lang ang naiisip ko ngayon.

"P-pag-iisipan ko," nilaro-laro ko ang aking mga daliri nang kumunot ang kanyang noo sa naging pahayag ko.

"Until when?"

Hanggang kailan? Hanggang kailan ba... Nang makita ang pagkainip sa kanya ay umisip na lang ako ng isang napapalapit na event sa buhay ko.

"S-sa graduation ko... G-gusto ko munang makatapos bago magpakasal. Kahit h-highschool lang..." hindi nawala ang mga linya sa kanyang noo.

Clark's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon