NANDITO ako ngayon sa restroom nitong restaurant, pinagmamasdan ang singsing na suot ng daliri ko. Mukhang totoong diamond ito, at ayaw kong malaman pa kung totoo man ito o hindi. Mabigat. Mabigat sa pakiramdam ang lahat. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba itong naging desisyon ko. Basta ang alam ko, hindi ako masaya.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng banyo. Nagulat ako dahil may ibang tao pala. Eleganteng naglalagay ng face powder sa mukha ang isang mukhang model na babae, kitang-kita ko ang kagandahan n'ya sa repleksyon ng salamin. Nang makita n'yang tinitingnan ko s'ya ay lumingon s'ya sa'kin at nagtaas ng kilay.
"What are you looking at?" mataray na tanong nito.
"Uhm, pasensya na po. Napatingin lang po ako sa inyo. Hindi ko po sinasadya," yumuko ako at umiwas ng tingin. Tumalikod na ako dahil sa pagkapahiya. Lalakad pa lang sana ako palayo, pero biglang nagsalita 'yung babae.
"Wait. You're the girl that got proposed to kanina, right?" tuminis ang boses nito. Masyadong matinis. Nakakairita sa pandinig.
Lumingon ako para sagutin s'ya.
"Opo."
May ngiting sumilay sa labi n'ya. Pero hindi iyon ngiti na tanda masaya s'ya para sa akin o ano. Isa iyong ngiti na nakakapangliit sa pakiramdam.
"You're wearing a school uniform. How old are you? You look so young to get engaged," mas lumawak ang nakakaloko n'yang ngiti.
Ayokong sagutin ang tanong n'ya, pero ayoko rin naman maging rude. Napapikit na lang ako bago magsalita.
"Eighteen po..." bulong ko. Pero dahil tahimik naman dito sa loob ng restroom, sigurado akong narinig n'ya iyon.
"Gosh, you're younger than me! Mas mauuna ka pang ikasal kesa sa'kin, and I'm only twenty-one!" may panghuhusga sa mga mata n'ya habang tumatawa nang mahinhin. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya, pakiramdam ko ay iiyak na ako.
"He must have got you pregnant. I don't know why he would choose you though... Maybe he likes poor exotic girls?"
Naglakad ako nang mabilis paalis doon para hindi na marinig pa ang mga panlalait n'ya. Nang makarating ako sa table namin ay mukhang nagulat si Clark nang makita ako.
"Claire?" dalian s'yang tumayo at lumapit sa'kin. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang ilang pumatak na luha doon. Hindi ko na pala napigilan.
"Who made you cry?"
Umiling ako at yumuko.
"Uwi na tayo, please... Ayoko na dito..."
"What, why? We were just having fun. You haven't even finished your food-"
"Claire, anak? Ba't ka umiiyak?"
Lumapit na rin sila Mama at Papa sa akin. Nag-angat ako ng tingin at pinagtitinginan na rin kami ng ilang tao.
"Wait here." seryoso n'yang sabi sa akin bago bitawan ang aking mga pisngi at deretsong naglakad papunta sa may likuran ko. Nang tingnan ko kung saan s'ya papunta ay nagulat ako nang makita na papunta s'ya sa may restroom. Pipigilan ko sana s'ya, pero biglang nagsalita si Papa.
"Claire, anong problema? May masakit ba sa'yo? Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Papa.
Umiling ako at ngumiti nang pilit.
"Hindi na po, balik na po tayo sa table natin. Sayang po pala 'yung pagkain," saad ko at nagpunas ng aking mga nabasang pisngi.
Mukhang hindi sila kumbinsido, pero ginaya na lang nila ako pabalik sa table namin. Lumingon ako at hindi ko makita si Clark sa kahit saang sulok nitong second floor. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung para ba sa kanya itong kaba ko...
BINABASA MO ANG
Clark's Obsession
Fiction généraleWhat will you do if your secret admirer suddenly became a stalker? Or should you be asking yourself... "Was he like that from the start?" Contains mature content that is unsuitable for children, and for some adults as well. Reader discretion is advi...
