CHAPTER 1

16 7 2
                                    

OMEGLE

"Hi! ah oo nga hahaha!" Malakas na boses ni Aiza ang nagpagising sa mga asong nananahimik sa kalsada. Kakatapos lang ng shift ni Aiza, kaya ngayon ay pauwi na siya papuntang condo.

"I like you." Saad naman ng lalaki na nasa loob ng telepono ni Aiza. Bahagya pang namula ang pisnge ni Aiza, umiiral nanaman ang kalandian niya. Hindi na nadala.

Baby who are you talking to ba?

Mabilis na napalingon si Aiza sa narinig, mabilis namang nag 'Next' ang kanina lang ay kausap niya. Ngayon ay tulala siyang nakatingin sa telepono habang malabo ang screen. T-Tangina, cheater?! hindi makapaniwalang tanong ni Aiza sa sarili niya, habang nakahawak sa dibdib na malakas parin ang kabog.

"Arf! Arf! Arf!" Tahol ng aso na pangalan ay 'Puti' kahi kulay itim naman. Hindi mapigilan ni Aiza mapanindigan balahibo nuong galit na galit, gustong manakit ng aso.

"Hindi pala tayo prenny?" Tanong ni Aiza na akala mo naman sasagutin siya ni Puti na kulay itim. Lalong nagalit si Puti at dahan-dahang lumapit sakaniya.

Arghhh!

Galit na saad ni puti. Minuto ang lumipas ay biglang parang nawisikan ng asin si Puti, bigla nalang itong mabait at maamo. Duon ay agad nilingon ni Aiza ang aso sa hindi kalayuan. Ang pogi ng amo-este aso. Mabilis na iniwas ni Aiza ang tingin sa lalaking may hawak ng lace ng aso. Nagbago nanaman ang pangarap ni Aiza nuong halikan sa labi ng lalaki ang hawak na aso.

Agad na siyang tumalikod at nagpatuloy ng paglalakad, mabuti nalang at distracted na si Puti. Malanding aso. Bulong ni Aiza sa sarili nuong matanaw niyang magkadikit na ang dalawang aso. Hindi siya makapaniwalang nakatitig sa muka ng lalaki.

Hindi siya nakatitig dahil pogi ito at mukang masarap papakin sa gabi, nanlalaki ang mata niya sa nakikita kung gaano kasaya ang muka ng lalaki na pinapanood ang dalawang aso na walang delikadesa. Parang ang sarap maging aso. Saad ni Aiza at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Miss! You dropped this!" Mabilis na lumingon si Aiza at kinuha agad ang ID niya na muka siyang sinakal. Hindi pa man nakakalayo ay agad tumigil si Aiza at bahagyang naglakad nang dahan-dahan. Ilang minuto ang lumipas ay walang braso na humigit sakaniya, katulad sa mga usong senaryo sa libro na kaniyang nababasa.

Baka masyado akong mabilis maglakad. Duon ay mas binagalan ni Aiza ang paglalakad, bigla siyang nakaramdam ng braso na humigit sakaniya. Yes! nasabi nalang ni Aiza sa sarili at malaking ngiti na nilingon ang poging lalaki na willing siyang magpa choke. Sasabihan niya sana ng, 'Yes dadey?' kaso natakot siya sa isiping baka ipitin ang leeg niya gamit ang biceps nito.

"Sorry, i thought you're the dogs owner" Saad nito sakaniya. Malalim ang naging bawat paghinga ni Aiza nuong dahan-dahan itong lumapit sakaniya, naaamoy niya ang hininga nito. Paradise! Di mapigilang sigaw ni Aiza gamit ang isip.

Nakakahiya si Aiza kung naririnig siya, mabuti nalang sarili niya lang nakakaalam kung gaano siya kahalay na babae. Dahan-dahang ipinikit ni Aiza ang kaniyang mata, naghihintay na maglapat ang kanilang labi.

Malaking ngiti ang pumorma sa muka ni Aiza, nuong makaramdam siya ng nguso sa labi niya. Ganun nalang ang gulat niya nuong makita niyang nasa harapan niya at buhat-buhat ng lalaki ang aso nito. Hindi siya makapaniwala na hindi tao ang first kiss niya, kung hindi aso.

Isipin mo nalang na indirect kiss iyon. Pagkukumbinsi ni Aiza sa sarili. Nasa loob na siya ng condo niya, pero nasa labi niya parin ang pakiramdam ng halik ng aso. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hindi niya napigilang i-kwento ito sa mga kaibigan niyang nandidiri ngayon sa naririnig mula sakaniya.

Sumapit na ang hating gabi, naisipan naman ni Aiza na patayin ang laptop. Nag one last call muna siya sa hospital para maka sigurado.

"Hindi naba talaga kayo tatawag saakin sa kalagitnaan ng tulog ko at patatakbuhin ako sa hospital suot ang pajama?" Bahagya pang natawa ang tao sa kabilang linya, dahil sa inasal ni Aiza.

"Matulog kana. Hindi ka naman gagambalain, basta mahalin mo ako Ai." Saad ng kung sino sa kabilang Linya, hindi naman agad nagsalita si Aiza at nanahimik.

"Ikain mo iyan Jerome." Saad ni Aiza. Bababa na niya sana ang tawag, kaso bigla niyang narinig na nagsalita ang kausap niya sa kailang linya.

"Ai, jumbo hatdog kaya ko pa ito!" Saad ni Jerome sa kabilang linya, kasabay nito ang tunog ng dibdib na akala mo hinahampas para sabihing 'kaya ko pa ito.'

Pinatay na ni Aiza ang tawag, uni-unti na kasi siyang dinadalaw ng antok. Kung marunong lang bumatok, baka kanina pa ginawa ng antok. Napapunas si Aiza sa mata nuong may kung anong pumasok dito, nag simula naring tumulo ang luha niya dahil sa iritasyon. Panay na kasi siya hikab, pero tinatamad siyang matulog dahil sa isiping magigising lang naman siya sa tawag galing sa hospital.

Mabilis na ipunasan ni Aiza ang luha sa mata niya, habang ang talukap ng kaniyang mata ay unti-unti ng sumasara. Pero dahil may ginagawa si Aiza, kailangan niyang tiisin ang antok. kahit na natatakpan ng paningin ng luha. Nararamdaman niya narin ang pahkahilo ng kaniyang ulo. Mabilis siyang dumapa at isinaksak ang kaniyang telepono sa keyboard na kokonekta dito. Akala niya ay makakatulong.

Pero mas lalo niya lang nararamdaman ang antok sa katawan niya, pagod siya sa maghapon, pero ito si Aiza at bumabangon.

Ikaw, para kanino ka bumabangon? Agad namang pinahinaan ni Aiza ang volume sa telepono niya at tahimik na pinanonood ang 'Mukbang' sa youtube.

Mas marami ngalang ang advertisement kaysa sa mismong palabas. Saglit na nayuko si Aiza, naramdaman nya agad kung gaano na kalakas ang antok sa katawan niya, mabuti nalang at naalala niya ang lalaki kanina. Bigla tuloy ay namula ang pisngi ni Aiza, ala-ala is so clear into Aiza's mind na kahit yata sipain siya ay hindi niya makakalimutan.

Kalandian na si Aiza lang ang nakakaalam,

Hindi na kaya ni Aiza, pinagbigyan na niya ang sarili at hinayaan na ang mga mata na pumikit.

Underneath The Moonlight [Taga Rizal edition.] Love Location Series#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon