A date.
Ngayong araw napagdesisyonan ni Aira na pagbigyan si Jerome. She would give Jerome a chance, para mapunta sila sa 'Getting to know each other' stage. Sa kabilang banda naman ay hindi mawala sa muka ni Aira ang ngiti, tuwing naaalala niya ang lalaki na kagabi niyang kausap.
Masarap itong kausap, halos puro tawanan pa sila kagabi. Nakakalungkot lang na inaya siya ng lalaki na matulog. Lang man sa kalooban ay sinunod niya.
"Kulit mo, oo nga!" Saad ni Aira kay Jerome na hindi parin makapaniwala. "It's just that, its new and amazing!" Saad ni Jerome habang sabay na tinatahak ang daan papuntang Nurse station. Resident Nurse din si Jerome, pareho sila ng vibes ni Aira.
Agad na natapos ang shift nila, agad din silang nagtungo sa parking lot. "Saan tayo?" Tanong ni Jerome, pero sinabi lang ni Aira na Lead the way. Kaya masayang nag drive si Jerome.
3 days and I'll make you mine. Saad ni Jerome sa sarili, habang pareho silang tahimik na nakasakay sa kotse patungo sa bundok. Madilim na at ang unang naisip ni Jerome ay ang bituin.
Maganda kasi ang bundok dito sa bulacan. Una muna silang pumunta sa drive thru at tsaka dumiretso sa bundok. "Picnic?" Tanong ni Aira, agad naman tumango si Jerome which make Aira flattered a second.
Hindi niya pa nakita ang ganitong side ni Jerome, and she really fr€aking agree na nakaka dag-dag pogi points ito.
"Wag mo akong tingnan, 'di ako makapag drive." Saad ni Jerome kay Aira, agad namang nag iwas tingin si Aira at nahihiyang yumulo. Nagtaas lang muli ito ng tingin nuong hawakan ni Jerome and palad niya at sakupin ito.
"Ano ba Jerome, ang weird mo ngayon!" Saad ni Aira at inagaw pabalik ang kamay niya. Muli silang natahimik, pero agad ding nabasag sa biglang pagtawa ni Jerome. "Hindi ako weird, you. You're the one who's being weird, matagal naman na tayong touchy sa isat-isa." Saad ni Jerome na ikina tigil ni Aira.
"Ako ba, o talagang masyado kanang madikit? Linta kaba?" Balik nitong akusa kay Jerome. Saglit silang natigilan at kalaunan ay sabay na tumawa. Nawala ang awkward na pakiramdam sa paligid, kung ano-ano narin ang pinaguusapan nila kahit walang kabuluhan.
Alas dies ng gabi silanay nakarating sa paanan ng bundok, lumilitaw na paunti-unti ang asul na langit. Ang mga bituin ay nagmimistulang palamuti sa langit. "Ang ganda..."Saad ni Aira habang nakatingin sa kalangitang. "Ang ganda nga...ang ganda mo palagi." Saad ni Jerome na ikinalingon ni Aira, ngunit nakatingin na ito sa kalangitan.
Kalaunan ay nilabas na ni Jerome ang kaninang pagkain na binili nila, naglatag din ito ng mattress para may upuan sila. "Ilang babae na dinala mo dito?" Wala sa loob na tanong ni Aira kay Jerome. Umiling-iling naman si Jerome at hinarap Siya.
"Iisipin kong nagseselos ka niyan, bakit Ilan kaba?" Tanong ni Jerome sakaniya, pilit niyang tinatago pero talagang pinamumulahan siya ng pisnge sa sinabi ni Jerome.
Sugar coating. Saad ni Aira sa sarili, pero mukang bulag ang puso niya at patuloy itong tumitibok nang malakas.
Naupo sila sa sapin at pinagsaluhan ang pagkain. "Tatlong araw Ai, pag hindi kita nakuha sa panahong iyon ako mismo ang lalayo saiyo." Saad ni Jerome habang pareho silang nakatingin sa langit. Bahagya pang nagtagpo ang mga mata nila at sabay na sumilip ang nakakalokong ngiti.
"Sinasabi ko saiyo Jerome, ako na mismong lalayo. Ayokong ikaw na yung nasaktan, ikaw pa ang iiwas." Saad ni Aira dito, pero si Jerome bilang faithful at gentle man ay ngumiti lang. "Kung sakali man, ayokong mangyari iyon. Mas ipagdadasal ko na mahulog ka saakin, iyong tipo na luluhod ka HAHAHA!" Malakas na tawa ni Jerome, malakas naman siyang hinampas ni Aira at pareho silang tumawa.
Ilang oras din ang lumipas bago lumitaw ang ulan, pareho silang napatakbo sa loob ng sasakyan. Pareho silang basang-basa. "Basa kana Ai." Saad ni Jerome at inabutan si Aira ng pamunas. "Mas basa ka." Saad naman ni Aira.
Pareho silang natigilan sa sinabi, bigla ay kung ano ay nagiwasan sila ng tingin. Naging iba kasi ang dating ng salitang 'Basa' sakanilang dalawa. Mga mahahalay.
"Ahmm...Ai?" Putol ni Jerome sa katahimikan. Nagtagpo naman ang mga mata nila. May kung anong humihila sakanilang dalawa upang maglapit, na pinagbigyan naman ni Aira. Unti-untint naglapit ang kanilang muka sa isat-isa, metro nalang ang layo nuong tumigil si Aira sa paggalaw.
Naalala niya nanaman ang first kiss niyang Aso, bigla siyang natakot na baka pagdilat niya ay Aso na ang nasa harapan niya.
"I'm sorry, gotta go." Saad ni Aira at mabilis na binuksan ang katabi nitong pinto, mabilis siyang tumakbo papalabas ng pinto at tinungo ang condo niya. Habang naiwan si Jerome na nakatanga at natatawa sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Underneath The Moonlight [Taga Rizal edition.] Love Location Series#1
RomanceCOMPLETED Love Location Series is a compilation of stories that highlights different faces of love all throughout the country. Six more hearts will bleed. Six more hearts will break. Sinful can be desire, friends can be lovers. But hatred can make...