Kabanata 1.
[1 year ago]
"Di ka talaga sasama?"malungkot na tanong ni Heize.
"Sorry guys next time na lang, hinahanap na kasi ako ni mama. Alam nyo naman yon diba?"
"Hayst ano ba yan.Sige next time na nga lang, sa susunod sama ka na samin ha?"nginitian ko si Lori at tinanguan.
"O pano, una na kami ni Heize. Ingat ka."
"Hm. Kayo ren." kinawayan ko sila at pinagmasdang maglakad papalayo.
Sinalpak ko na lamang sa aking tenga ang earphones ko at nakinig ng music. Nagsimula na rin ako maglakad.
We we're both young
when i first saw you
I close my eyes
and the flashback starts
i'm standing there--Natanaw ko mula sa may kalapit na tindahan si Tristan kasama ang mga kaibigan nya,nagtatawanan ang mga ito nang bigla syang mapatingin sakin habang nakangiti.
Nagmamadali akong umiwas at ibinaling sa cellphone ang aking atensyon.
Ano ba yan,nakakahiya.Nahuli nya ata akong nakatingin sa kanya!
Bwisit!Di ko alam kung bat ganto kabilis tibok ng puso ko,shet nakakahiya talaga!Teka ano bang masama dun?Tumingin lang naman ah bat ba ako nagpapanic ng ganto??
Binilisan ko na lang ang lakad ko para makauwi na ako habang di pa nagdidilim.
------
"Ma?"
"O tapos anong nangyari?"
"Edi ayon napahiya sya, kasalanan naman nya yon e."
"Sa friday na po ang cardgiving namin."
"Nako dapat lang naman yung ginawa mo ano, di kita pinalaking talunan!"
"Mama.."
Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan ni Diane at hindi ako pinakikinggan, animoy isa lang akong hangin.
Ano pa nga ba...
"Ma!" sabay silang napatingin sakin at sinamaan ako ng tingin.
"Ano ba?! Kita mong nag-uusap kami ng kapatid mo diba?!"
"Mas importante pa ba yang pinag-uusapan nyo kesa sa sinasabi ko?"
"Ano ba kasi yon?!"
"Sabi ko ho card viewing namin sa Friday."
"O e ano naman ngayon?" mapait akong napangiti.
"Sige po. Pasok muna ako sa kwarto."
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa malambot kong higaan. Pero syempre joke lang yon mas malambot pa nga siguro kama ni Cinderella kesa sakin. Lumang luma na kasi itong double deck namin, panahon pa siguro ni Kopong kopong. At tanging banig lang ang sapin.
----------
[Phone ringing...]
[Bakla!?]
"Heize?Bat ka napatawag?Ang aga pa ah?"nakapikit kong wika.
[Labas tayoooooo.Sige na please...]
Seriously?Ginising nya ako dahil lang gusto nyang lumabas??
"Naknangpocha naman inaantok pa yung tao e. "
[Gaga!Mamaya pa naman di ko naman sinabing ngayon!!]
Sinigawan pa talaga ako.
"Mamaya pa pala eh bat ngayon ka tumawag ha?"halos mabitawan ko na yung phone ko dahil sobrang antok pa ako.
[Para mamaya ready ka na!]
Sinilip ko yung oras gamit ang isa kong mata.
5:47am
Wala kaming pasok ngayon dahil may faculty meeting daw ang mga teachers. Ngayon sana ang time para bumawi ako ng tulog but my bitchy bestfriend ruin my precious sleep.
"Sige na, sige na. Inaantok pa talaga ako. Maya na lang tayo mag-usap okay? Bye!"
----
A/N: I'm editing each part of this story po coz i find it cringe and puro kajejehan yung nasa raw version. Sa mga nakabasa na nito before sa dati kong account don't be confused dahil ganon pa din ang plot aayusin ko lang yung daloy ng story. Anyways thanks for reading. Godbless!
BINABASA MO ANG
Kung di rin lang ikaw
Teen FictionA/N: Hi! This is actually my first story here in wattpad,my former account has been locked/deleted (@Scenenister) and can't be recovered anymore so i decided to rewrite this story here on my new account. Thankyou for your consideration! Have a nice...