Kabanata VIII
Matapos ang araw na iyon,hindi na ako muling bumalik sa lugar na iyon.Hindi ko na rin kinausap si Angelo.
Dumistansya ako,dahil alam kong makakagulo lang ako sa kanya.Ayokong makihati sa atensyon nya.Tsaka pagpinilit ko pang lumapit sa kanya mas lalo lang akong masasaktan.
"Liam,tama ka."mapait kong wika.
"Huh?"
"May girlfriend sya."
"Sabi sayo wag ka dun eh."
Sakit.
"Sabi sayo akin ka na lang.HAHAHA!"
"Gago!"
"Haha.Akin ka na nga lang."natatawa nitong biro saka naglakad palabas ng room.
-------------------
"Samahan mo ko sa registrar.Magbabayad ako ng tuition."
"Tara."
Kasalukuyan kaming pababa ng hagdan ni Heize ng makasalubong namin si Angelo.
Sandaling nagtama ang aming paningin ngunit mabilis itong umiwas at saka nagmamadaling umakyat.
Bat kailangang tumakbo?
---------
Natapos na ang class period namin pero ayoko pang umuwi.Nagtungo muna ako sa library.
Napansin ko si Kael na nakaupo sa may hindi kalayuan.Meron syang sinusulat na kung ano.
Bigla kong naalala kung paano ko sya nireject....Nang dahil lang kay Angelo.
"Anong ginagawa mo?"tanong ko.
"Ah wala.Nirerewrite ko lang yung mga notes ko."nakangiti nitong wika.
"Kael...May sasabihin sana ako..."
"Huh?"
"Sorry."napatigil ito sa pagsusulat at dahan-dahang napaangat ng tingin sakin.
"Ha?Haha.Bakit ka naman nagsosorry?"natatawang wika nito.
"Sa ginawa ko sayo.Nakakatawa ako.Bakit ba napakaunfair ng mundo?Bakit ba hindi tayo magawang magustuhan ng taong gusto naten?"bakit nga ba?
Sinaktan nya ako,without knowing na may nasaktan din ako para sa kanya.
"Everything happens for a reason...Baka hindi ka para sakin o para sa kanya.Kaya ganun."
"I'm so sorry.Nararamdaman ko na rin yung sakit na naramdaman mo.Pero mas malala yung sakin.Kase pinaasa nya ako."mapait akong napangiti at napatungo.
Naramdaman kong medyo awkward na ang paligid kaya napagdesisyunan ko ng magpaalam.
"Kael...Magkaibigan pa ren naman tayo diba?Sorry...Mauna na ako."
"Ah sige..."
-------------------
Halos ilang linggo na rin ang nakalipas at di na talaga kami nag-usap ni Angelo.Ang buong akala ko ay magtutuloy-tuloy na pero...
Isang araw..."Mr.Mendoza?Why are you sleeping in my class?"saway ng subject teacher namin.
"Miss,masakit daw po ang ulo ni Tristan."wika ni Arvin.
"Then go to the clinic.Kanina pa ba yan?"lumapit sya dito at chineck ang temperature nito.
"Please kindly bring him to the clinic Mr.Alvarez."
Inalalayan sya ni Arvin tumayo,mukha syang lantutay na gulay!Ano ba kasing pinag-gagawa ng damuhong yon?
Tsk.Ano bang pake ko?
Makalipas ang dalawang subject bigla na lang sumama ang tyan ni Heize.
"Sole..Tangina."
"Hm?"
"Ansakit ng puson ko."napatingin ako kay Heize at kitang-kita ko kung pano sya mamilipit sa sakit.
"Samahan kita sa clinic?"
Nagpaalam muna kami sa sunod na subject teacher bago tuluyang lumabas ng room.
....
"Balik ka na.Kaya ko na sarili ko.Itutulog ko na lang muna ito."hirap na wika nito.
"Sigurado ka?"tumango naman sya saka pumikit.
"S-sige.Puntahan kita mamaya ha?"
Lalabas na sana ako ng clinic ng bigla kong maalala si Angelo.
Andito rin pala sya.
Kamusta na kaya ang pakiramdam nya?Okay na kaya sya?
Medyo malawak ang clinic ng school namin kaya medyo natagalan din ako bago ko mahanap ang kinalalagyan nya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.Hinawi ko ang berdeng kurtina at agad ko syang nakita.Namumutla.
"A-anong ginagawa mo dito?"tanong nya.
"Anong nangyare?Bat ka nagkasakit?"
"Siguro dahil sa puyat at gutom.Haha!"
"Bakit ba di mo inaalagaan ang sarili mo?Gusto mo na bang mamatay ha?!"
Why am i over reacting?
"Pwede rin...Wala naman akong kwenta.Haha!Gusto ko na lang mawala."
"Para kang tanga!"hindi ko alam pero bigla akong nainis sa sinabi nya.
Nasasaktan na naman ako!
Gusto nyang mawala?Pano naman ako?Pano naman kaming mga taong nag-aalala para sa kanya?!
"Nag-inom ako kagabi."
"Na naman?"
"Bakit ganon?Kaiwan-iwan ba talaga ako?Why can't i make people stay?"mapait itong napangiti at kasabay nito ang pagpatak ng luha galing sa kanyang mata.
Fuck.Wag kang umiyak Angelo.Nasasaktan din ako!
"A-ano bang nangyare?"
Agad nyang pinahid ang kanyang mga luha at umayos ng pagkakaupo.
"Wala na....Break na kami ni Amber."
Oh?
"Pinagpalit nya ako.Iniwan ako ng babaeng mahal ko."
Sa pagkakataong ito halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
May parte sa aking masaya kase syempre di na yon maalis sakin,pero mas namumutawi ang galit ko.
Damn you Amber,how could you hurt this man?
Sinaktan mo yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?
Binalewala nya ako dahil sayo,tapos iiwan mo lang? How dare you?!
"W-wag ka ngang malungkot jan,parang tanga.Babalik din yon."mapait kong wika.
Bakit kasi sya pa?
"Pagnarealized nya na mali yung pinili nya,for sure babalik yun sayo."
Bakit hindi na lang ako?
A/N: Omg ghurl, it's not givin' huyyy! Di tayo magiging marupok for this chapter okay?? okayed.
BINABASA MO ANG
Kung di rin lang ikaw
Teen FictionA/N: Hi! This is actually my first story here in wattpad,my former account has been locked/deleted (@Scenenister) and can't be recovered anymore so i decided to rewrite this story here on my new account. Thankyou for your consideration! Have a nice...