Kabanata III
Muling lumipas ang mga araw at wala naman pagbabagong nangyare.
Andito kami ngayon sa classroom tahimik na iniintay ang sunod na subject teacher.
Dadating pa kaya iyon?Tatlumpung minuto na ang nakakalipas wala pa ren.
Lumabas muna ako ng room at nagpuntang library.Masyadong maingay sa loob ng classroom,mukhang di na naman magtuturo yung teacher namin so mas mabuti pang sa library muna ako.
Tahimik akong naupo sa sulok at nagbasa ng mga notes.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng biglang sumulpot sa harap ko si Kael.
"Pwede makiupo?"tinanguan ko naman sya.
"Nagrereview ka?"tanong nya.Tumango lang ulit ako at nagpatuloy na sa pagbabasa.
"Uhm...Sole?"
"Hm."nanatali akong nakatingin sa notebook ko at inintay lang ang kanyang susunod na sasabihin.
"Ano eh...may sasabihin kasi sana ako...ano..kasi...."
"Kasi?"
"Baka layuan mo ko pagsinabi ko.."
"Huh?Bakit naman?Ano ba yon?"
"Sole,gusto kita."
--Katahimikan--
Nanlaki ang mga mata ko at chineck ko kung mainit ba sya.
"Kael?Nilalagnat ka ba?"
"Huh?Hindi."
"Nagdedeliryo ka na ata."natatawa kong wika.
Ako?Gusto nya??Imposible HAHA!
"Kung prank yan,wag ako.Haha!"
"H-hindi naman ako nagbibiro eh....Gusto talaga kita.Matagal na."
Huh?
"A-ano?B-bakit...Bakit ako?"
"Una pa lang kita nakita nagandahan na ako sayo at nabaitan,kaya nagkagusto ako sayo.Tinatago ko lang kasi nahihiya ako at natatakot.Baka nga mailang ka kasi sakin kaya--"
"Hindi naman kita iiwasan eh.Ang galing may nakakaappreciate pala sakin,thankyou."
"Uhm..May isa pa akong tanong...Ano....pwede ba akong manligaw?May pag-asa ba ako?" I saw his sincerity. Seryoso talaga sya.
This is the first time na nakaencounter ako ng gantong pangyayari. Is this real?
"Kael..Thankyou...pero..sorry.Hindi pa ako ready sa ganyang bagay e.Hindi ko kayang suklian yang nararamdaman mo,all i can give is....Friendship."
"G-ganon ba?S-sige okay lang..Maghihintay ako."
"May iba pang babae jan na mas better sakin.Ayaw kitang paasahin kaya ngayon pa lang sinasabi ko na pigilan mo habang maaga pa.Ayaw kitang masaktan."
Nafeel ko na medyo awkward na ang paligid kaya tumayo na ako at naglakad palabas ng library.
Mabait si kael,matino,matalino,may itsura pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Hanggang kaibigan lang at wala ng hihigit pa don.
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom ay nakasalubong ko si Tristan may kasama syang babae, girlfriend nya ata.
Muling nagsalubong ang mga mata namin at hindi ko maexplain ang nararamdaman ko, bat ba ako ganito??
Sa tuwing magkakatama ang paningin namin bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Hay ewan,nababaliw na yata ako eh.
Mabilis akong umiwas ng tingin at binilisan ang aking lakad.
-------------
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng study table ko at nakatulala sa isang sulok.
Hindi ko makalimutan yung sinabi sakin ni Kael kanina. Legit ba talaga yon???
Nasaktan ko yata sya.Naku, nakokonsensya tuloy ako. Pero tama lang naman yung ginawa ko diba?Kesa naman umasa pa sya sa wala. Mas mabuti na yung alam nya.
Pero bakit nga ba?Bakit ko sya nireject?
Simple lang kase hindi ko sya gusto.
I mean wala akong feelings para sa kanya.
That's it!
Argh ang sakit sa ulo!
Okay Sole,magfocus ka lang sa pag-aaral mo okay?
Pagbuklat ko sa notebook ko nagflashback naman sakin yung mukha ni Tristan. Hayyyy ano ba yaaaaan???
Bat ko ba iniisip ang dalawang yon???
Nakakainis naaaaa!!!!
Sinalpak ko na lang yung earphone ko sa tenga ko.
[Now Playing:The Most Beautiful Moment In Life Pt.1:Converse High]
Habang nakikinig di ko pa ren maiwasang matulala, hayyy ano bang klaseng utak meron ako??
Seuchimyeon inyeon seumyeodeulmyeon sarang
Irago nuga malhaesseonneunde"Baka layuan mo ko pagsinabi ko.."
Neon aye naege muldeureobeoryeonna
Niga joa geuraedo keonbeoseurouneun sinji ma"Sole,gusto kita."
Neoui keonbeoseuhaie kkochyeonna bwa
Byeol su eomna bwa naneun wo"H-hindi naman ako nagbibiro eh....Gusto talaga kita.Matagal na."
Neoui keonbeoseuhaie kkochyeonna bwa
Neomu joa da jakku woUTANG NA LABAS!!!!UTAK TUMIGIL KA NA KAKAISIP!!!!!
-------
"OMG TALAGA?!ANTAPANG AH!"sa laki ng ngiti ni Heize konti na lang ay mapupunit na ang mga labi nito.
"Shhh.Pwede ba wag ka ngang maingay!W-wag mong ipagkakalat sa iba..Ayoko ng may iba pangmakaalam nito.Ayokong maissue."nakasimangot kong wika.
"Grabe alam mo nung una akala ko bakla yang si Kael eh.I never expect that!Hanga ako sa kanya.Napakatapang!Di tulad ng iba jan torpe!"napailing na lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya.
"Wala ba talaga?"biglang sumeryoso si Heize.
"Anong wala?"
"Walang chance?Kahit konti lang?"napabuntong hininga na lang ako at muling umiling.
"Alam ko na kung bakit."
"B-bakit?"
"May iba kang gusto."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Wag ka ngang indenial. Kahit di mo sabihin alam kong may ibang laman yang puso mo kaya di mo magawang tanggapin si Kael."
Pinagsasabi nito?
"Akala mo ba di ko napapansin ha?"
"Ang alin ba?"
"Hahaha ang kyut nyong dalawa!"
"Huh?"
"Wala.Wala!HAHAHA!!"
WHAT THE HELL?
ANO BANG SINASABI NYA??
-----------
BINABASA MO ANG
Kung di rin lang ikaw
Teen FictionA/N: Hi! This is actually my first story here in wattpad,my former account has been locked/deleted (@Scenenister) and can't be recovered anymore so i decided to rewrite this story here on my new account. Thankyou for your consideration! Have a nice...