16. Clay Tablet Vs Science

183 1 0
                                    

Breaktime sa canteen. Medyo naging malapit kami ni Agusto kaya naisipan niyang samahan kami ni Virginia. "Napakatsismoso niya!" sabi lang ni Virginia na ang tinutukoy ay si Reid. Umorder na kami ng pagkain. Umiiling lang si Agusto.

Umupo kami. "Apektado ka lagi kaya gustong gusto ka niyang inaasar." sabi ko.

"Bakit ba nagagalit ka?" tanong naman sa kaniya ni Agusto.

"Wala kasi siya dapat pakialam sa'min." inis parin siya. "Napakatsismoso. Daig pa ang babae."

"Hindi naman yata totoo e." sagot ni Agusto. Yata? "Sinumbong mo sana."

"Kahit isumbong ko 'yan. Wala din naman mangyayari. Maaabala pa ako tapos kagagalitan lang naman 'yan."

"Sabagay." sang ayon ni Agusto.

Hindi siya nagcomment doon sa 'hindi naman yata totoo.' Gusto kong pabulaanan pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit. Parang mas gusto kong mag-isip na lang si Agusto.

"Sayang wala si Ate Margarita." sabi ko para maiba ang usapan.

"Alam mo, Mathew, nasa bible naman na bilog ang mundo. Hindi na dapat nakikipag talo kung paniniwala nilang patag ang mundo." sabi ni Agusto.

"Tama." sang ayon ni Virginia.

"Wala naman akong paki doon." sabi ko. "Gusto ko lang malaman kung ano ba ang katibayan ni Ate Margarita kung totoo ang mga nakasulat sa bible."

"Naniniwala ka kay Kuya Lito, Mateo?" tanong ni Virginia.

"Hindi naman sa ganon. Kasi nga sabi ni Kuya Lito, apat na daang taon na mas matanda ang libro ng mga sumerian. Kung totoo ito, ibig sabihin, totoo lahat ng sinasabi niya laban sa bible."

"Nagtataka ako sa mga 'yan." sabi ni Virginia. "Nagpapaniwala sa mga sabi sabi o kwento. Maniniwala akong mali ang bible kung magpapakita sila ng matibay na ebidensya. Baka sila lang gumawa ng mga Clay Tablet na 'yan."

"Pero mukhang totoo." sabi naman ni Agusto.

"Napaniwala ka?" tanong ni Virginia.

"Naniniwala kasi ako sa Alien. 'Yung mga nakatira sa ibang planeta na sobrang advance ang technology. Kasi ano ang silbe ng ibang planeta. Nilikha sila ng Diyos. Baka hindi pa nadidiskubre ng mga tao na may nakatira doon."

Napatango lang ako pero nagsalita si Virginia. "Napag aralan naman natin 'yun. Earth ang pinakaperpektong planeta. Sinabi sa science na walang nakatira sa ibang planeta dahil iba ang atmosphere nila."

"Nakita nila?"

"Siguro. Kaya nga napag aaralan natin e."

"Hindi ako naniniwala na nakita nila. Siguro nakarating na sila. Hindi lang sinasabi sa'tin. Bago natin mapag-aralan ang ibang planeta, kailangan, makapunta doon. Kung hindi nakakapunta ang mga tao doon, paano nila nalalaman?"

"Agusto, mag-isip ka nga. Etong Earth, pang tatlo mula sa araw. Perfect ito. Oras na mas may lumapit pa o mas lumayo gaya ng Mars o Neptune, Venus at Mercury, mas mainit na at mas malamig. Dahil dito nga sa Earth, nagyeyelo na sa ibang parte. Madali lang naman malaman."

"Gumagamit sila ng Suit na pang Astronaut. At ang mga Alien, iba ang uri na meron sila. At sa pagkaka-alam ko, alam din nila kung ano ang mga tunog sa iba't ibang planeta kaya nakarating na sila doon. Ayaw lang nila na malaman ng mga tao dahil matatakot tayo sa Alien."

"Hindi ako naniniwala diyan." si Virginia talaga ang KJ.

"Ako sapat na sa'kin makita ang Earth sa kalawakan. Pero mukhang pili lang ang malakarating sa kalawakan." sabi ko naman.

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon