32. Dinosaur

78 1 0
                                    

Naglalakad ako papasok ng school. Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Kuya na natalo siya sa pustahan at ang pinusta niya ay ako. Kailangan kong ma-add sa Facebook 'yung katropa niya na kasing edad ko at kailangan ko din na makachat. At kailangan syempre na hindi malaman ni Virginia 'to. Nang biglang may gumulat sa'kin. Bahagya akong tinulak. Nakita ko ang nakangiti na si Virginia. "Ano nangyari?" Sabi niya.

"Nangyari saan?" Tanong ko.

"Ano 'yung kailangan sa'yo ng kuya mo?"

Lagot na ako. Magsisinungaling ba ako? Pag sinabi kong wala baka pilitin niya ako. Alam ko na. "Tinanong lang niya kung nakuha ko 'yung libro niya. Alam mo naman 'yun laging tamang hinala na tinago ko mga gamit niya kapag nawawala."

Napaisip siya. "Totoo?"

"Oo, nainis nga ako e."

"Bakit hindi niya sinabi agad? Kilala ko kuya mo. Nagagalit sa'yo agad 'yun."

Patay. Oo nga pala. Iba ang approach ni kuya kahapon. "Ah kwan, kasi nahiya siya sa'yo."

"Nahiya?"

"Oo." Binilisan ko lakad ko.

"Sabagay." Napaisip na naman siya. "Hindi na siya 'yung dati na laging galit sa'yo. Malaki na kasi pinagbago mo baka ayaw na ng kuya mo na napapahiya ka sa'kin o sa iba."

Napangiti lang ako sa lalim niya mag-isip. Buti na lang magaling siyang mag-imbestiga minsan. Biglang nasalubong naman namin si Kuya. Nakita namin na tumatakbo papunta sa'min.

"Mathew!" Mukhang may sasabihin. Huwag naman sana 'yung tungkol kagabi. Medyo galit ang itsura niya. "Dinala mo ba 'yung sandwich na ginawa ko?!"

"Hindi a." Nagtaka ako. Sa'kin na naman niya binintang 'yung nawawala.

"Bakit wala sa bag ko? Wala naman akong nakitang naiwan ko. Kainis ka naman baka kinain mo, nagugutom na ako!"

"Kulit mo naman, sabing hindi. Nawala lang sandwich mo, ako na naman pinagbintangan mo."

Sabay may naalala ako. 'Yung tungkol sa sinabi ni Virginia na hindi na ako ipapahiya ni Kuya. Ginagawa niya ngayon. Para sa'kin naman hindi ako napapahiya kapag si Virginia ang kasama ko.

Nakita namin na nainis si Kuya habang kinapa na naman ang bag niya. "Bibili na naman ako. Kainis." Sabi niya uli.

Nagsalita si Virginia. "Naiwan mo 'yun. Lagi kang si iwan."

Napatingin sa kaniya si kuya. "Wala nga e." Aktong lalakad na siya paalis. Nang biglang may naalala siya. "Mathew, 'yung sinabi ko sa'yo a." Saka siya umalis.

Mapakamot ako ng ulo. "Ano 'yung sinabi niya?" Tanong ni Virginia.

"Wala. Maglinis daw ako ng terrace." Dahilan ko.

"Pumayag ka?" Syempre hindi. Palusot ko lang 'yun.

"Oo, kasi naawa naman ako. Wala naman daw ako ginagawa. Nahiya naman ako kay Mommy." Pumasok na kami sa classroom.

"Something's fishy."

Napakunot ako ng noo. "Pinagsasabi mo?" Baka maghinala siya.

"Ano ba talaga 'yung sinabi ng kuya mo? Bakit kailangang wala ako? Akala ko ayaw ka na niya ipahiya. 'Yun pala iba ang sinabi niya."

"Akala mo ba ayaw niya ako ipahiya? May sinabi ba ako na ganun?"

"Wala pero halatang may tinatago ka sa'kin."

Kay kuya talaga ako naiinis. "Ano naman sa tingin mo ang itatago ko sa'yo?"

"Virgie!" Buti tinawag siya ni Aleya.

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon