39. Flat Earth

57 1 0
                                    

Pauwi na kami ni Virginia. Inaasahan kong sasama siya sa'kin pero mali ako. "Hindi muna ako pupunta sa inyo." Sabi niya.

"Bakit?" Kunyari'y baliwalang tanong ko.

Lumapit siyang bigla at hinawakan ang kwelyo ko. Inilapit niya ang mukha niya. "Baka matukso pa ako sa'yo." Hindi naman niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko pero 'yung boses niya'y parang binubulungan ako. Bigla akong natulala. Hindi ito ang tipikal na Virginia na nakilala ko.

Bigla niyang inilayo ang sarili niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo?" Tanong ko pero lumakas ang kaba ko.

"Biro lang." Kumindat siya. "Sige, see you tomorrow." Tumalikod siya at kumaway. Nadismaya ako. Gusto ko pa naman na makasama siya.

Hanggang sa umuwi na ako. Nagkita uli kami ni Mommy. Napansin kong wala siyang ginagawa kundi nakatingin lang sa phone niya at may pinapanood yata. Tumingin siya sa'kin. "Bakit?" Tanong niya. Napansin niya sigurong napatingin ako sa kaniya.

"Wala." Sagot ko. Naghubad ako ng sapatos. Ganiyan lagi si Mommy. Tila hindi na nanibago sa araw araw na pag-uwi ko. Iwewelcome niya ako ng isang tingin na parang sa kwarto lang ako nanggaling. Naalala ko na naman 'yung Flat Earth. "Mommy." Tawag ko kaya muli siyang napatingin.

"Ano na naman?" Tanong niya.

"Seryoso ba si Daddy sa sinabi niya?"

"Na ano?"

"Na hindi bilog ang mundo."

"Hindi ko alam sa kaniya. Nabanggit lang naman niya 'yun dahil sa topic namin noon habang tinitignan namin na papalubog ang araw. Sabi niya, lumalayo lang daw ang araw at hindi lumulubog."

"Pa'nong lumalayo?"

"Tumigil ka na nga kakatanong mo, magbihis ka na. Hindi naman totoo ang sinasabi ng Daddy mo dahil hindi ako naniniwala."

"Nagtaka lang ako. Umiikot ang mundo 'di ba? Bakit lumalayo?"

"Malay ko. Hindi ko naman sineseryoso ang sinabi niya. Kung gusto mong malaman, tawagan mo."

Saka na siguro kapag tinawagan niya ako. Tinatawagan naman niya ako minsan. Pumasok ako sa kwarto. Medyo nanibago naman ako kay Virginia. Siguro nga ayaw niyang magkasala. Ibig sabihin, may chance na kasalanan ang ginagawa namin. Okay lang atleast, magkaibigan parin kami dahil wala naman masama doon. Pagkatapos ko gumawa ng assignment ay lumabas ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit naisip ko kay Ate Margarita na mag-isip ng kung ano ano.

Nang malapit na ako sa tindahan may nakita akong lalaki na nakaharap sa'kin. Teka, pamilyar siya a. Lagot, siya si Kuya Lito. Ano ang ginagawa niya dito. Nakakahiya naman. Hindi nga ako nagkamali nang makalapit ako.

"Kuya Lito." Napakamot ako ng ulo. "Pasensya na, busy lang talaga kami." Naalala ko na may usapan pala kami.

"Ayos lang sa'kin 'yun." Ngumiti siya. Teka, hindi kaya magkita sila ni Ate Margarita?

"Bakit po kayo nandito?"

"Nagbakasakali akong makita kita. Nung friday kasi nakita ko kayong dito pumunta. Nagpaunta ba kayo kay Ate Margareth niyo?"

"Ah eh, kwan. O--" sabihin ko ba ang totoo?

"Magtapat ka na."

"Opo."

"Kaya pala."

Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Sige, papayag akong makinig sa kaniya ngayon. "Kasi po, 'yung mga kasama ko, gustong mag bible study."

Nakita kong tumawa siya. "Okay lang magbible study basta sasabihin lang niya ang dapat."

"Okay naman po."

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon