26. God's Favorite

106 2 0
                                    

Biglang nalungkot si Ate Margarita at the same time, nakangiti naman siya habang sinasabi sa amin ang kwento tungkol sa bestfriend niyang si Dibina or Devine. Ang masayahin na bestfriend niya ay namatay dahil sa sakit na cancer. Pero hindi hadlang ang sakit niya para makalimot siya sa Diyos. At si Ate Margarita pala ang dating hindi naniniwala sa Diyos hanggang mamatay si Devine.

"Bakit po bigla kang naniwala kay God?" Tanong ni Agusto na parang tanong din naman namin.

"Simple lang, ang mga katanungang bakit hindi balanse ang mundo? Bakit may masasama, bakit may pangit, bakit may kapansanan ang iba at higit sa lahat, bakit maraming mahirap?" Sagot niya.

Medyo oo nga. Bakit nga ba? Bakit hindi na lang gawin ni God na pantay pantay ang lahat? Kung totoong makapangyarihan siya, bakit hindi na lang Niya gawing masaya ang lahat para walang nalulungkot?

"Hindi naman po sapat na dahilan 'yan para magduda ang tao kay God." Sabi ni Virginia. "Hindi ko din po alam ang dahilan pero kailangan nating magpasalamat at makuntento sa bigay ng Diyos. Yan ang sabi sa'kin ng Mommy ko."

"Mapalad kayo dahil bata pa lang kayo ay may nagguguide na sa inyo kaya siguro mababait kayo. May mga katulad niyo ang walang ginawa kundi gumawa ng kalokohan." Tama. Swerte nga kami. Iba kami sa ibang kabataan na nakikita namin lalo sa plaza. Ang iba ay nagmumura pa na hindi namin ginawa kahit kailan. Totoo naman na hindi magandang tignan pero bakit ginagawa nila? "Ako, lumaki akong walang alam spiritual, kaya siguro hindi ako naniwala sa Diyos sa umpisa pa lang. Mabait naman ako at hindi pala-away na nakuha ko noong bata pa lang ako. May subject din naman kaming religion pero hindi ako gaanong nakikinig. Para sa'kin, isang ordinaryong gawain lang ang maging mabait kaya kami tinuturuan. Hanggang magdalaga nga ako at nakakilala ako ng taong hindi naniniwala sa Diyos kaya na-impluwensyahan niya ako. Nabuhay akong walang Diyos sa loob ng limang taon. At sa limang taon nga na iyon ay kaibigan ko na si Dibina."

Nagtanong ako. "Si Kuya Lito po ba kaibigan mo din?"

"Yes, naging kaibigan ko siya noong unti unti na akong naniniwala sa Diyos at siya naman ay hindi naniniwala. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay parang meron na siyang pinaniniwalaan."

"Ganun po ba?"

"Oo, naging kasali kasi kami sa isang organisasyon na tumutulong sa mga kabataan. Mabait si Lito, wala akong masabi sa kaniya. Ang problema, magkaiba kami ng paniniwala. Nakikipagtalo siya sa'kin lagi at pinagtatawanan niya ako ng sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa mga katibayan na nangyari ang mga kwento sa bible. Binasa niya kasi ang bible at hindi niya nagustuhan. Hindi niya makaya ang mga nangyayari kaya sa pagkakaintindi niya ay likhang isip ito at wala talagang Diyos."

Oo nga, may mga bagay siyang sinabi sa amin na hindi niya nagustuhan. Tumingin sa'kin si Ate Margarita. "Hindi ko alam kung ano na ang pinaniniwalaan niya." Sabi sa'kin.

"Yung Anunnaki po." Si Agusto na ang sumagot. "Yung mga Alien na naglikha sa Earth at sa ibang planeta. At sabi din niya, kinopya lang ng bible ang story ng Anunnaki. At tama po ang sinabi niyo, Ate, hindi niya gusto ang mga nangyari sa bible dahil ang totoo ay ang kwento ng mga Sumerian tungkol sa Anunnaki na kagaya din sa bible gaya ng malaking baha."

Nag-isip si Ate Margarita. "Wala akong alam diyan pero saka na natin 'yan pag-usapan. Nakaka-intriga nga iyan pero nasa sa'tin na lang 'yan kung maniniwala tayo. Kung gaano ka-convincing ang sinasabi niya."

"Kasi, Ate, 400 years na mas matanda ang story na iyon kesa sa bible. Sa bible walang ibang planeta pero doon meron. Ang 9 planet na tumugma sa sinasabi ng science."

"Bakit hindi kinopya ng bible ang 9 planet na iyon para maging convincing din ang bible?" Tanong ni Ate Margarita.

"Kasi po, hindi daw kinopya lahat. Inspirasyon lang ng bible ang story na iyon."

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon