22. Scientist And Bible

138 2 0
                                    

Nilapag ni Ate Margarita ang bible sa lamesa. Napansin kong medyo tutok sa pakikinig si Angelica at Alexa. Samantalang si Virginia at si Aleya, natatawa ako. Feeling ko nababasa ko ang isip nila na napipilitan lang makinig.

"Una sa lahat, gaya nga ng hiling mo Mathew, gusto mo ng logic explanation tungkol sa kung totoo ba ang Diyos." Sabi ni Ate Margarita habang nakatingin sa amin lahat. Napansin ko lang na medyo mas tunay na guro siya kesa kay Kuya Tantan at Kuya Lito. "May mga tao kasi talagang hindi naniniwala sa Diyos dahil wala ngang katibayan na may Diyos. At sinasabi nilang sa sobrang talino ng tao, hindi na naniniwala ang ilan sa mga pantasya. So, in other words, pantasya lang daw si God."

"Alam niyo po, Ate, may nagsabi sa'min na hindi daw totoo ang bible." Singit ni Alexa. Maigi na din na naisingit niya.

"Okay, unahin muna natin ang Diyos. Huwag muna tayong bumase sa bible. Oo at marami ngang hindi naniniwala sa bible lalo na ang mga Scientist." Tumingin siya sa paligid. Nagtaka ako. Bakit hindi naniniwala ang scientist? "Dahil napakaraming theory ng mga ito. Isa na ang Bigbang Theory. Dahil sa sobrang talino nila ay nalaman nila ang mga bagay bagay na hindi kayang maabot ng mga tao gaya ng nabuhay ang tao sa pamamagitan ng Energy. Sa sobrang talino nila ay namaniobra nila ang buong mundo. Alam ko naman na hindi lahat naniniwala sa scientist. At ang science ay mahalaga. Ngunit para sa'kin hindi lahat ng science ay totoo. Kalahati lang ng mga sinasabi nila ay totoo. Bakit? Dahil kung gagamitin natin ang utak natin ay imposible na makaya ng taong malaman ang bagay na hindi natin nakikita. Imposibleng masukat natin ang bagay na hindi naman natin napupuntahan.."

Ano ang ibig niyang sabihin?

Nagsalita pa uli siya. "So, miski ang Diyos hindi nag-exist para sa kanila. Gustuhin niyo man o hindi, hindi naniniwala ang mga scientist sa Diyos."

"Pero Ate.." sumingit si Alexa. "May mga scientist naman na naniniwala sa Diyos. Specially mga scientist na kakampi ng simbahan. Marami akong nababalitaan niyan."

"Ahm, yeah.. I think meron pero hindi lahat o mas marami sa kanila ang hindi naniniwala." Sa pagkaka-alam ko nga. Kasi science din ang nagsabi na nagmula tayo sa unggoy. "Alam niyo, napakaperpekto ng mga buhay sa mundo. Hindi man tayo pekpekto, perpekto naman ang lugar kung saan tayo nilikha at perpekto ang pagkakagawa sa atin. Kaya hindi naniniwala ang mga scientist sa Diyos ay dahil hindi nila ito nakikita. Hindi sila naniwala sa bible dahil sa sobrang talino nila ay alam nilang kaya talagang gawin ng tao ang bible. So, marami silang hindi na-realize. Totoo ang Diyos, dahil ang mga mensahe sa biblia ay nakatulong sa atin. Sa tagal ng panahon na ang nakakaraan, ang biblia parin ang talagang pinagkuhanan ng tao para matuto sa mga bagay bagay. Kung walang bible, walang mga pelikula ngayon. Alam niyo ba na ang mga nagagawang storya ngayon ay pinaglumaan na ng bible. Una, ang mga digmaan na laging panalo ang mga maliliit. Ang mga storya na yumaman na dating mahirap. Mga kontrabida, mga bida, mga pinahirapan at marami pang iba. Paano ba nakagawa ang tao ng isang biglaan na biblia? Kaya ba ng tao na gumawa ng isang bagay na perpekto na agad? Syempre hindi..."

Napaisip ako sa sinabi niya. Perpekto na agad? Lahat ng bagay nagsisimula sa pagkakamali bago maging perpekto. Wait ko na lang ang iba pa niyang sasabihin.

"Huwag na nating isama ang bible sa mga libro na naisulat mula noon. Lahat ng libro na mababasa niyo ay iisa ang nilalaman. Beginning, Climax and Ending. At lahat ng manunulat sa mundo ay nag-umpisa sa pagiging walang gaanong alam hanggang sa natuto na sila. Walang sino man ang marunong na agad sa umpisa pa lang maliban sa Diyos. Pero nilikha ang biblia noon na kauna-unahang libro na naisulat na pinagkuhanan nating lahat ng aral o ng inspirasyon. Hindi nga natin direktang nakuha sa bible ang karunungan natin pero ang mga taong tinuruan ng mga nagturo sa atin at ang mga manunulat na inspirasyon natin ay naging inspirasyon naman nila ang mga taong mas nauna sa kanila na maging manunulat at naging inspirasyon ng mga sinaunang manunulat ang bible kaya sa makatuwid, inspirasyon nating lahat ng bible. Doon pa lang, imposible nang hindi totoo ang bible dahil kung likhang isip lang ang bible ay hindi magiging ganiyan ka-ganda ang mga nilalaman nito."

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon