31. Back To Normal

84 1 0
                                    

"Lagi niyong tatandaan a, kahit anong Relihiyon meron kayo, kailangang magpakabait kayo. Ano man ang relihiyon niyo mlna sinusunod ay iisa lang ang dapat nating gawin. Ang magpakabuti, magmahal, tumulong sa magulang at kapwa, mag-aral mabuti at higit sa lahat, magpasalamat sa Diyos o kung sino man ang kinikilala niyong tagapag-ligtas. Upang sa gayon ay makaiwas tayo sa parusa o mawala man tayo sa mundong ito, maghukom man o hindi, panatag tayo na meron tayong lugar sa paraiso."

Tama si Ma'am. Natapos ang ilan pang sandali. Nag-usap usap kami nung wala na si Ma'am.

"Totoo kaya 'yung sinasabi ni Ma'am?" Tanong ni Agusto sa'kin.

"Totoo man o hindi, sundin natin ang mga sinasabi ng teacher." Sagot ko.

Nagsalita naman ang isa kong kaklase na babae. "Say it's true, we have no time. Maybe, kung aabutan natin ang 10 Billion over population, magdasal na lang tayo dahil hindi naman natin kayang pigilan ang nature." Tama siya. Tanungin ko kaya si Ate Margarita kung may sinasabi sa bible na ganun. Pisikal na ebidensya na ito na nalalapit na ang katapusan.

Napansin kong kinausap ni Virginia si Jovert na kaklase ko na Mormon kaya lumapit ako sa kanila. Narinig ko ang mga sinasabi ni Jovert.

"Huwag kayong matakot. Matagal pa 'yan at tantsa lang naman nila 'yan. Hindi tayo sigurado kung totoo." Sabi niya.

Nakita naman nila na dumating ako. "Hoy, Mathew, ito si Jovert, Mormon pala. Tanungin mo na." Utos ni Aleya.

Ako? Bakit ako? Nagtaka talaga ako. Nakatingin sa'kin si Jovert. "A-ano ang itatanong ko?"

Binulungan ako ni Aleya. "Ikaw na magtanong. Nahihiya ako. Tanungin mo kung naniniwala din ba sila sa bible."

Binulungan ko din siya. "Oo, naniniwala sila."

Binulungan uli ako. "Alamin natin pagkakaiba nila sa Catholic."

Napasimangot ako. Napansin kong napatawa si Virginia sa ginawa namin. Nagtanong si Jovert. "Bakit ba?"

"Ano kasi, kwan.." sabi ko. Nag-isip ako kung paano sisimulan. "May nakilala kasi sila.." tumingin ako kay Aleya. "Ah kami pala. Mga missionary na Mormons."

"Ah okay." Tumango lang siya. "Tinuruan kayo?"

"Oo. Pero babalik pa kami mamaya. Pinapabalik kami." Sagot ko.

"Yes, missionary sila na nagpupunta pa sa iba't ibang lugar. Kung kaya niyong maging Mormon, sige entertainin niyo. Maganda sa'min."

"Kami, magiging Mormon?"

"Hindi naman namimilit e. Pero if ever na kapag nagustuhan niyo, marami kayong magagawa pa. Magkakaron kayo ng maraming kaibigan at ipa ba."

"Pa'no kung gusto lang naman namin na matuto sa bible? Kasi bible din ang ginagamit niyo 'di ba?"

"Oo, gumagamit kami niyan. At ginagalang namin kung ano ang paniniwala ng iba pero may sarili kaming bible."

"Sariling bible?" Napatingin ako kila Virginia.

"Anong bible?" Si Aleya na ang nagtanong.

"Book of Mormon." Sabi niya.

"Parang Holly Bible din?" Tanong ko.

"Oo, kasi si Mama, binigyan siya noon. Binasa namin hanggang sa naging Mormon na kami."

"Bibigyan din kami?"

"Kapag nagustuhan niyong makausap sila. Mga 2 years ago, may nagpunta sa bahay namin. Hanggang maraming beses na silang nagpunta at pinakita nila 'yung Book of Mormon. Another testament siya."

Napatango ako. "Ano 'yung mga nakasulat?" Tanong ko.

"Mga nangyari din noon."

"Parang bible din?"

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon