35. Judges

71 2 0
                                    

Nagpatuloy lang si Ate Margarita. "Kailangan natin na matakot sa Diyos dahil ayon sa Hebreo chapter 12 verse 29, Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na tumutupok.. Kailangan natin ng magandang gawain na kalugod lugod sa Kaniya o gawaing hindi Niya kaiinisan."

"Need din po natin itong ginagawa natin ngayon." Sabi ni Alexa.

"Yes, true. Isa ito sa kalugod-lugod sa Panginoon. I know hindi natin kayang maging perfect sa paningin ng Diyos dahil hindi din naman perpekto ang mga propeta noon. Hindi natin kaya ang ginawa ni Jesus. Maraming plano ang Diyos kaya minsan nakakagawa tayo ng pagkakasala para matupad ng Diyos ang gusto Niyang mangyari ngunit kahit plano Niya ito ay hindi ka makakatakas sa parusa dahil kaya Niya inutos na gawin mo ang bagay na kasalanan ay dahil alam Niyang magagawa mo ito at naging parte ka lang ng plano o instrumento." Ngumiti siya.

Tumango lang kami. Nagsalita pa uli siya. "Filipos chapter 4, verse 13, Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.. In the name of Jesus, magagawa natin ang gusto natin basta lagi nating iisipin si Cristo. Sa pamamagitan Niya ay magkakaroon tayo ng sipag at lakas sa isang bagay. Ang ayaw natin ay magugustuhan natin at ang gusto natin ngunit bawal ay aayawan natin."

Napatingin uli sa'kin si Virginia at umirap. Nagtaka ako, bakit parang nagalit siya? Hindi kaya bawal pa kaming magkaroon ng relasyon pero ayaw niyang sundin ang tama? Ano ba 'tong iniisip ko? Nababaliw na yata ako.

Nagtanong bigla si Joan. "Paano po kung nakagawa ka ng mali at ginawa mo iyon dahil alam mong Diyos ang nag utos which is mali naman talaga. Hindi ka nagsisi dahil alam mong may plano ang Diyos dahil sa nalaman mong pwede naman pala gumawa ng mali. Parang mali naman yata isipin natin 'yun."

Nag-isip si Ate Margarita ng isasagot bago nagsalita. "Marami kasi talagang kasalanan o kamalian na nagaganap. Pero huwag niyong isipin na gumawa ng kasalanan dahil utos iyon ng Diyos. Matakot kayo sa Diyos dahil ang kamalian o kasalanan ay may kaparusahan. Alam niyo bang si Samson at si Abimelech ang halimbawa niyan?"

Naalala ko ang kwento ni Kuya Lito tungkol kay Samson kaya naging interesado ako. Nagpatuloy lang si Ate Margarita. "Si Abimelech na anak ni Gideon na naging pinuno ng Israel ay pinatay niya ang lahat ng kapatid niya para lang mamuno sa angkan ng ina niya at maging sa buong israel. Alam niyo bang hindi magagawa ng tao na paniwalain ang lahat nang sabay sabay kaya kailangan parin na magkaroon tayo ng gawa. Hinayaan ng Diyos na maging mamamatay tao si Abimelech para matakot lahat ng tao sa kaniya at mamuno sa buong Israel. Wala na kasing pinuno ang Israel dahil namatay na si Gideon. Pero sa bandang huli ng storya ay pinarusahan din siya ng Diyos ng isang kamatayan. Gusto niyo bang magaya kayo sa ganoon? Pinipili lang ng Diyos ang tao na gagawa ng kasamaan para sa gusto Niyang mangyari pero ito ay may kapalit parin. Kaya kung kayo gagawa ng kasalanan ay huwag niyong isipin na gusto ito ng Diyos para hindi kayo maparusahan."

Tumango ako pero nagtanong ako tungkol kay Samson. "Ate, si Samson po ba mamamatay tao din? Nalaman ko po kasi ang story niya. Ano po ba ang rason o concern, bakit po hinayaan siya ng Diyos na pumatay ng maraming tao?" Ang sabi kasi ni Kuya Lito ay may sakit sa pag-iisip si Samson dahil pumapatay siya ng tao at ginagamit ang lakas. Hindi daw makatarungan ang ginawa ni Samson.

Sumagot si Ate Margarita. "Nabasa mo ba ang libro ng mga Hukom?"

Naku lagot. Ano isasagot ko? "Hindi po."

"Kaya hindi mo alam ang dahilan." Sana sabihin niya ang dahilan. "Kung may tao na magsasabi sa inyo ng isang kwento na galing sa bible, dapat inaalam niyo din." Mukhang nahulaan na niya na si Kuya Lito ang nagsabi. "Ang mga Israelita ay sumasamba sa ibang diyos kapag walang namumuno sa kanila kaya nang dumaing ng tulong ang mga Israel sa Diyos dahil nahihirapan na sila, hindi sila pinakinggan ng Diyos dahil makukulit sila. Hinayaan ng Diyos ang mga Israelita na masakop ng ibang lahi. Sinakop sila ng mga Filisteo sa loob ng 40 years. At naawa ang Panginoon sa kanila kaya sinugo ng Diyos si Samson na nagmula sa isang babaing baog. Kinausap ng anghel ng Panginoon ang babaing baog para sundin nito ang utos ng Diyos. At ganoon na nga ang ginawa nila. Nagsilang ang babae at pinangalanan na Samson. Totoong hindi matuwid si Samson dahil kailangang magalit sa kaniya ng mga Filisteo para magawa ng Diyos ang plano Niya para sa mga Filisteo. Dahil ang mga ito ay masasama. Kung matuwid na tao si Samson baka hindi sila makalaya sa mga Filisteo. Hinayaan ng Panginoon na magkaroon ng relasyon si Samson sa babaing Filisteo upang magsimula ang gulo kay Samson at sa mga Filisteo. Sa bandang huli ay pinarusahan din si Samson pero nagkamatay ang napakaraming Filisteo. Sa ganung paraan gumagana ang mga plano ng Diyos."

Okay, gets ko na. Nagtanong ako. "Kasi po, wala daw kapatawaran ang mga ginawa ni Samson. May sakit daw siya sa pag-iisip."

Napatawa lang si Ate Margarita. "May kaniya kaniyang ugali ang mga tauhan sa biblia. Iisa lang ang ugali ni Jesus at wala nang makakapantay pa. Si Jesus lang ang hindi nagkaroon ng kasalanan. Ngayon, si Samson ay natatangi din dahil ang Diyos mismo ang nagbigay ng lakas sa kaniya para hindi laging inaapi lang ang mga Israelita. Hindi nila kayang gawin ito kay Samson dahil hindi lang lakas ang binigay ng Diyos kay Samson, binigyan din niya itong ng tapang nang sa ganon ay kapag ginawan siya ng masama ay makakaganti ito. Pero nahirapan din siya sa huli at hindi nakatakas sa kasalanan na mga nagawa niya."

Nagkatinginan kami ni Agusto dahil kami ang nakarinig ng kwento mula kay Kuya Lito. Mukhang alam na ni Ate Margarita kung sino ang magkwento.

"May dahilan pala talaga ang Diyos kaya hinayaan niya si Samson na pumatay ng marami." Sabi naman ni Agusto.

"Tama ka. Kaya kung sino man ang nag-uudyok sa inyo na peke ang bible dahil masasama ang mga nangyayari, huwag niyong paniwalaan. Kayo na mismo ang tumuklas." Sagot ni Ate Margarita.

May isa pa akong tanong tungkol sa kwento din ni Kuya Lito na tungkol sa lalaking Levita. "Ate, may isa pa akong tanong. Tungkol sa isang Levita na pinutol ang iba't ibang parte ng katawan ng asawa niya. Bakit po nangyari 'yun? Masyadong brutal na po iyon."

"Ah 'yung Judges chapter 19 ang tinutukoy mo?" Tanong niya.

"Siguro po doon iyon." Sagot ko. "Nakakapagtaka lang po talaga bakit nangyari 'yun?"

"Alam niyo kasi, masyado nang masasama ang mga Israelita noon kaya pinlano ng Diyos na ubusin ang lahi ni Benjamin. Ang mga Benjaminita kasi ay lubhang masasama at hayok sa laman. Plano ng Diyos na paglabanin ang Israel laban sa kalahi nilang Benhaminita. At ang lalaking tinutukoy mo ay ang lalaking pinagtaksilan ng isang babae. Plano niyang patayin ang babae pero nangyari ito sa lugar kung saan nakatira ang lahi ni Benjamin. Ang taong bayan ang pumatay sa kaniya at hindi ang lalaking Levita. Nang putulin ng lalaking Levita ang katawan ng babae ay patay na ito kaya hindi talaga ang lalaking Levita ang pumatay sa babae. Natakot ang lalaki sa nangyari kaya binigay niya sa kalahi niyang Israel ang katawan ng babae para magsumbong dahil sa kasamaan ng mga Benhaminita. Ito ang nag-udyok sa mga Israelita na magdeklara ng digmaan. Kaya nang matalo ang lahi ni Benjamin ay nagsisi ang mga Israelita at humingi ng tawad sa Diyos. Kaya binago ng Diyos ang gusto niyang gawin, hinayaan niyang gumawa ng paraan ang mga Israelita para maduktukan ang lahi ni Benhamin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga babae sa ibang lahi at ipa-asawa sa mga natirang lalaki ng Benhaminita. Masyado na kasi silang masasama kaya pinagbawalan nila ang mga babae sa kanila na mag asawa ng Benjaminite. At natuwa ang Panginoon dahil naging matuwid ang mga Israelita pagtapos nun. Kailangan lang natin na intindihin ang kahulugan ng storya at hindi lang ang literal na meaning nito. May dahilan ang lahat at dahil totoong nangyari ang lahat sa bible ay maayos na inilarawan ang bawat storya. Tandaan na ang mga bata ay magaling gumawa ng storya dahil hindi sila nagsisinungaling o marunong gumawa ng hindi totoong storya dahil hindi pa nila kayang maging writer sa murang edad nila pero nagagawa nilang magsabi ng pangyayari dahil totoo itong nakita ng mga mata nila."

Gets ko na. Hindi talaga writer ang author ng bible. Sadyang tunay lang talaga ang mga nakasulat kaya nila madaling naibahagi ito sa mga tao. Ngayon alam ko na ang lahat. Totoo ang bible at hindi ito gawa gawa lang ng magaling na writer. Napangiti ako.

"May tanong ka, Mateo?" Nabigla ako sa tanong ni Ate Margarita. Nakita niya akong may iniisip.

"Ano kasi Ate. Nag-iisip ako noon dahil may nagsasabi nga na likhang isip lang ang bible pero ngayon, isang daang prosyento na totoo ito dahil sa sinabi niyo. Salamat po at nasagot ang tanong ko. Hindi talaga writer ang nagsulat ng bible. Totoo lang talaga ang mga nakasulat kaya nila nagawang isulat ito at hindi magagawa ng magaling na writer ang bible kung wala pa naman magaling na writer noon dahil bible ang unang libro na naisulat."

"Ang galing mo Mateo." Ngumiti siya sa'kin. "Pero pinaniniwalaan nila na ang unang libro ay ang Epic Of Gilgamesh. Ito ay ang libro ng Sumerian na similar sa Genesis."

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon