9. Sumerians

237 1 0
                                    

Naglalakad kami ni Virginia pauwi. "Totoo naman na wala nang ibang pwedeng tirhan ang tao bukod sa earth." sabi niya sa'kin.

Umapila ako. "Hindi 'yun ang ibig niyang sabibin. Ang sabi niya, walang ibang planeta. Naiintindihan mo ba?"

"Yun ang ibig niyang sabihin. Siguro hindi niya tinuturing na planeta ang mga lugar na hindi tinitirhan ng tao dahil Diyos ang naglagay sa'tin sa earth."

"Parang tingin ko, iba talaga e. Mamaya nga itatanong ko."

"Huwag na. Hayaan mo na. Alam mo naman na nagtuturo siya. May isasagot siya talaga."

"Yun nga ang gusto ko. Para malaman ko na din ang dahilan niya."

"Huwag na. Bahala ka ayoko. Huwag mo ako isama."

"Bakit ba?"

"Baka pangaralan lang tayo. Baka hindi mo alam ang sinasabi nila sa'kin?"

"Ano bang sinasabi nila sa'yo?"

"Basta."

"Pa'no ko maiintindihan ang dahilan mo?"

Nagdadabog na ang paglalakad niya. "Ayokong sabihin."

"Kasi 'yung mga bagay na ginagawa mo alam mong mali."

"Hindi."

"Naguguluhan ako sa'yo."

"Malapit na akong humiwalay sa'yo alam mo ba iyon?"

Nabigla ako. Saan siya pupunta? Kakainis naman. Malayo pa ang pagtatapos ng school year. "Bakit Virginia? Aalis ka?"

"Nope!" ngumiti siyang bigla.

"Bakit nga?"

"Kapag sinunod ko ang mga pangaral nila. Di ba, malulungkot ka?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako malulungkot? Tsaka wala naman tayong ginagawang masama." nauna siya sa'kin maglakad. Nakita ko ang kabuuan ng katawan niya. Bakit ba pinapansin ko ang katawan niya?

"Kasi, bawal magkaroon ng bestfriend na lalaki ang mga babae, dahil nagiging boyfriend daw. Kaya hangga't maaga, inaawat nila ako."

Nainis ako sa mga nagsabi nun. Kinabahan. Pero bakit ako biglang kinabahan. Hindi kaya pati si Ate Margarita hindi sang-ayon sa'min? Ano ba ang isasagot ko? "Marami naman na magkakasamang babae at lalaki sa school natin a."

"Bawal daw. Kaya nga may mga girlstown na kung tawagin."

Nakarating kami sa bahay. "Bakit naman si Mommy hindi naman tutol?"

"Basta, bawal nga talaga. Siguro sa iba hinahayaan lang tayo. Pero sa iba, oras na makausap nila tayo, pagbabawalan nila tayo."

Hindi ko gustong idea 'yun. Pero sa totoo lang, noon hindi naman ako takot na hindi makasama si Virginia. Pero grade 7 na kami. Siguro nagustuhan ko na din. "Hello, Tita." bati ni Virginia kay Mommy.

"Kumain muna kayo."

Habang kumakain, nagsalita si Mommy. "Hindi sa ayoko ka dito, Virginia." naku po. Bakit nasabi ni Mommy 'to?

"Bakit po, Tita?" tanong ni Virginia. Kumunot ang noo ko habang nakayuko na kumakain.

"Baka magalit ang Mommy mo. Lagi kang nandito. Lalaki si Mathew, kaya siguro okay lang sa'kin. Pero babae ka kasi. Oras na makahalata na ang Mommy mo, baka isipin kinukunsinti ko kayo."

Hindi kumibo si Virginia. Hindi din ako nagsalita dahil totoo naman ang sinasabi ni Mommy. Pero sana hayaan na lang nila kami. Wala naman kaming ginagawang masama.

"Mathew a, ikaw din. Hindi sa ayaw ko. May tiwala ako sa'yo, e paano naman ang nanay niya?" tinuro ni Mommy si Virginia.

"Okay lang naman. Alam naman ng Mommy niya na gumagawa lang kami ng assignment."

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon