49. Study Hard

21 1 0
                                    

Hindi ako makatulog. Pinag iisipan kong maigi kung ano ba talaga ang paniniwalaan ko. Hindi ko parin matanggap agad ang lahat. Parang ngayon ko lang napag-isip-isip na marami talagang imposible kaya may mga tanong pa ako kay Ate Margarita. Ngayon ko napagtanto na wala ngang kakayanan ang tao para malaman kung ano ang talagang nangyayari sa kalawakan at noon akala ko, kaya wala sa bible ang lahat ng likha ng Diyos ay dahil gusto Niyang may matutunan ang tao. Nagkamali ako. Nasa Bible na pala talaga ang lahat. Parang naging pantasya na lang sa'kin ang bilog na mundo dahil sa mga sinabi ni Ate Margarita.

Kinabukasan kasama ko si Virginia habang naglalakad.

"Alam mo, Mateo, dapat inaamin mo na sa'kin ang lahat." Sabi niya kaya nabigla ako.

"Ano ba pinagsasabi mo?"

"Matagal na kitang kilala. At oo nung una medyo nagselos ako sa ibang babae pero alam ko kung sino ka. Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na kinakatakot ko."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nagselos daw siya at alam niyang hindi ko magagawa ang ikinatatakot niya. Ano ang ibig sabihin nun?

"Hindi kita magets kung minsan. Pero kung gusto mong umamin ako sige, aamin ako."

"Ano ang aaminin mo?"

"Wala." Binilisan ko ang lakad. Oo may dapat akong aminin sa kaniya pero hindi ako tanga para magpahuli lang ng ganun ganun.

"Sira ka talaga." Binilisan niya din ang lakad. "Ayaw mo pang aminin na matagal mo nang kakilala 'yung girl na 'yun."

Hindi ako papayag na aminin ang bagay na hindi nalalaman ni Virginia. Oo nakakahalata siya pero kailangang maging hinala lang ang natuklasan niya. Nakakahiyang aminin 'yun na nilihim ko sa kaniya.

"Mateo!" Galit na siya kasi mabilis ako maglakad. "Nung time na may sinabi 'yung kuya mo, akala ko ayaw ka niyang ipahiya kaya nagbago siya pero napatunayan kong walang pinagbago sa kuya mo. At 'yung babae na iyon alam kong katropa siya ng kuya mo dahil sinabi sa'kin ni Alex. Nung time na kumaway siya sa'yo ay halatang crush ka niya. At ang babae na sinasabi ng Mommy mo na kilala ka ay siya din tama ba?"

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi tanga si Virginia at kilala ko siyang madaling mahulaan ang bagay bagay ayon sa pagmamasid niya sa paligid. Pero hindi ko akalain na malalaman niya ang lahat. Aamin ba ako?

"Oo kilala ko siya." Sagot ko. "Hindi naman yata masama 'yun o dapat na itago pa." Tinuloy ko na ang paglalakad.

"Kilala naman kita."

"Wala ka naman dapat ikagalit sa kaniya."

"Oo tama ka. Ayoko nang alamin pa ang lahat. Dapat pala nagtiwala na lang ako. Puro ako hinala sa'yo."

Nakarating kami sa room kaya hindi ko na kaya pang sabihin ang gusto kong sabihin dahil baka may makarinig pa. Alam ko na ngayon na talaga palang nagseselos siya. Pero tama siya. Wala siyang dapat ikabahala. Ang totoo, ayoko nang magbago kami at aaminin kong mahal ko na siya at natuwa ako sa nalaman ko. Pero hindi ito ang panahon para gawin namin ang hindi dapat gawin. Maghihintay ako kahit matagal.

"Bahala ka na." Sabi ko lang.

Sinimangutan niya ako. Nagkita kita kami nila Agusto. Walang alam si Agusto sa mga nalaman namin at siguradong kapag nalaman niya ito ay hindi siya agad maniniwala. Nalimutan ko ang ilan sa sinabi ni Ate Margarita pero malinaw sa isipan kong napaliwanag niya ng maayos na Flat talaga ang Earth ayon sa pag-oobserba sa paligid.

"Huwag niyo nang ipagsasabi a." Si Aleya na mismo ang humiling.

Tumingin muna ako sa paligid bago magsalita. "Naniniwala ka kay Ate Margarita?"

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon