47. Morning Star

29 1 0
                                    

"At ang isa sa dahilan kung bakit imposible na maging bilog ang mundo ay dahil sa tubig. Hindi pwedeng magbend o mabali o bumaluktot ang tubig kung totoo man ang gravity dahil kung ano ang kinalalagyan ng tubig ay ito lang ang susundin nito na tila pantay lang siya sa ibabaw. Napaka-imposible. Pero sa science, pwede ito ang kaso, may advance science na tayo na hindi pwedeng gamitin dahil ginamit na nila ang lahat ng akala nilang nalalaman nila. Ang pagkakamali lang kasi dito sa mundo, akala ng mga eksperto ay wala nang matututunan pa ang tao. Napakalawak ng mundo at kung isasama sa pag-aaral ang dagat ay 80 percent pa ang hindi naaabot ng tao."

Grabe naman pala. Hindi ko gaanong maintindihan pa ang ilan sa sinasabi ni Ate Margarita. Hindi parin ako kumbinsido na Flat nga ang Earth.

"Dadako na tayo sa panibagong yugto. Ito ay ang Perspective. At isa dito ay ang problema natin sa Eclipse. Hindi ko naman masasagot ang dahilan kung bakit nangyayari ang Lunar Eclipse pero mas imposible itong maipaliwanag ng Science."

Sana masagot na ang isa sa tanong ko about sa eclipse. Maghihintay na lang ako ng paliwanag niya saka ako magtatanong.

"Unahin natin ang eclipse. Bakit ba nagtatago ang araw sa buwan? Ito dahil dahil nagkikita sila at medyo mababa ang buwan kesa sa araw."

Medyo lang. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Medyo dahil sa totoo lang, mali ang explain nila about sa araw. Ang araw kapag tumatama sa ulap ay halatang may pinanggagalingan ayon sa sinag. Ang sinag nito ay triangle kung makikita niyo."

Napaisip ako. Oo nakikita ko nga ang sinag nito na ganoon kapag hapon na hindi na gaanong nakakasilaw o natatakpan ng ulap. Ano naman ang ibig sabihin niya doon?

"Kung ang araw ay isang daang beses na mas malaki sa Earth at ang layo nito ay nag aaverage ng 90 million miles, hindi dapat ganoon ang sinag ng araw na manggagaling sa ulap. Kahit mag experiment kayo sa isang ilaw na sininagan ang maraming butas na bagay ay hindi ito maghuhugis tatsulok kung malayo ang ilaw."

Iniimagine ko nga. Sana maalala ko para kung sakali na matapos kami dito, papatunayan ko kung ano nga ang mangyayari.

"So, alam niyo bang kaya sinasakop ng buwan ang araw sa Solar Eclipse ay dahil magkasing-laki lang talaga sila?"

Napatingin ako kay Virginia. Nakita ko na medyo nagtaka din siya. Imposible kasi ang sinasabi ni Ate Margarita.

"Oo magkasinglaki lang sila at ang buwan ay hindi talaga solido. Hindi siya pwedeng puntahan ng tao. Kung itatanong niyo kung bakit, ito ay dahil sa umaga ay may half moon. Pero kulay asul ang kalahati nito na hindi naaarawan. Bakit? 'Di ba dapat makikita natin ang kalahati ng buwan dahil umaga naman?"

Oo nga. Mukhang totoo nga ang sinasabi niya. Bakit nga ba parang tumatagos ang paningin sa buwan?

"Bakit po ba?" Tanong ni Virginia.

"Hindi ko din alam at wala naman paliwanag ang science tungkol diyan. Kaya iisa lang ang theory tungkol diyan. Hindi siya solid dahil tumatagos ang paningin natin sa kalahati ng buwan." Napatango lang ako at hinintay pa ang mga sasabihin niya. "Ang eclipse ay ang pagtakip ng buwan sa araw. At imposibleng sa ibang lugar ay may eclipse at sa ibang lugar ay wala dahil malaki ang masasakop ng anino ng buwan sa araw kung ang buwan ay malaki at malayo sa araw ng 240 thousand miles. So, ibig sabihin, mababa lang ang buwan at araw at magkasinglaki lang sila. Hindi coincident na magiging magkasinglaki sila. Talagang magkasinglaki lang talaga sila."

Hindi ako makapaniwala. Oo nasagot na ang tanong ko about sa Solar Eclipse pero hindi ako makapaniwala sa naging dahilan. Tama lang ba na buong bansa ng Mexico lang ang kayang sakupin ng anino ng buwan dahil mababa lang ang buwan? Wala akong maisip na dahilan bukod sa sinabi ni Ate Margarita. Kung totoo ang sinabi niya, paano naman ang umaga at gabi kung magkasinglaki sila at mababa. Hihintayin ko na lang.

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon