"So, Heaven, ganito raw ang nangyari sa atin. We just came back from UK because we needed to take care of the ancestral home. In-enroll ka na namin sa school ng alaga mo. You can start the day after tomorrow. Bukas, we'll buy your school uniform and supplies. Today, tuturuan kita tungkol sa bahay," sabi ni Nanay Olivia habang nakangiti naman sa akin si Tatay Peter.
"Salamat po," sabi ko at nagsimula na ang pagturo niya sa akin sa mga kagamitan sa bahay. Luma yung bahay pero modern na ang mga kagamitan niya. Alam ko naman kung anong function ng ibang appliances pero hindi ko alam kung paano sila gamitin. Sa Palasyo kasi, simple lang kami. Walang TV, walang aircon, walang washing machine. Para saan pa ang washing machine e hindi naman nadudumihan ang mga damit namin?
Kinabukasan, dinala ako ni Nanay sa isang mall. Hindi na sumama si Tatay dahil may trabaho raw siya. Tinanong ko kung ano ang trabaho niya at sinabi niya na isa siyang chef. Kaya pala masarap ang ulam namin kagabi.
"Ito ang mall. Marami kang magagawa dito. May bilihan ng damit, ng grocery, may sine. Dito tayo bibili ng school supplies mo," sabi sa akin ni Nanay at dinala niya ako sa National Bookstore. Binilhan niya ako ng papel, ballpen, notebook at iilan pang kakailanganin ko. Nang nagbabayad siya ay pumunta ako sa section kung nasaan ang mga libro.
Kinuha ko ang isang libro dahil nagandahan ako sa cover niya. Binasa ko naman ang nasa likod at laking gulat nang mabasa kong tungkol iyon sa isang anghel na nahulog sa lupa at mas piniling maging tao na lamang.
"Gusto mong bilhin 'yan?" tanong ni Nanay Olivia.
"Ah, ako na lang po ang magbabayad nito. May pera naman po ako," sabi ko at pumunta sa counter. Wow, ito ang unang bagay na binili ko gamit ang pera ko!
Pagkalabas namin ay namataan ko ang alaga ko na naglalakad habang nakasalpak sa tenga niya ang kanyang earphones na nakaconnect naman sa cellphone niya.
"Nanay, ayun alaga ko. Pwede ko po ba siyang lapitan?" tanong ko. Tumango naman si Nanay at sinabing maggrocery muna siya at na itext ko siya pagkatapos ko. Tinakbo ko naman ang distansya namin ni Theo.
"Hi!" sabi ko at humarang sa dadaanan niya. But, he just looked at me and continued walking. Hay, snob nga pala 'to.
"Theo!" sabi ko naman kaya lumingon na siya sa akin.
"Do I know you?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "But, I know you," sagot ko.
"I don't have time for this," sabi niya sa akin habang binalik ang kanyang earphones.
"Aren't you gonna ask my name?" tanong ko sa kanya habang sinusundan siya.
"I don't care," sabi niya sa akin.
"I'm Heaven!" pagpipilit ko.
"Well, that's funny. Your face looks like hell. Stop bugging me," sabi niya at binilisan ang kanyang lakad.
Hay, ang sungit sungit talaga nun! Tinext ko naman si Nanay kung nasaan siya at pinuntahan siya sa grocery nang malaman ko.
Kaso, habang naglalakad ay may humarang sa akin.
"Who are you?" tanong noong babaeng kulot na kulot ang buhok at kulay tae ang dulo ng buhok. Sinawsaw ba nito ang buhok niya sa toilet?
"Hi! I'm Heaven! Ang arrogant mo naman," walang pasubali kong sinabi.
"Aba, may attitude ka ha! Anong business mo kay Theo ha?" mataray niyang tanong.
"I want to be his friend."
"He doesn't do friends. Wala siyang pake sa'yo so leave him alone!" sabi niya sa akin tapos ay tinulak ako.
Humans are really weird.
"Kamusta kayo ng alaga mo?" tanong ni Nanay nang magkita kami.
"Ayun, masungit talaga!" sabi ko tapos ay tumawa. "Pero, may nanakit sa akin kasi kinausap ko si Theo! Ano kayang problema nun?"
"Humans are complicated. Welcome to the human world. Konting tiis lang. You've already finished your first day. 364 to go," sabi ni Nanay sa akin at binigyan ako ng ngiti.
Kakayanin 'to!