v. Squad

2.2K 99 12
                                    

Natulala ako habang tinitingnan ang likod ni Theo habang paalis siya.


"Uy, girl. Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni They. Tumango naman ako tapos ay pina-upo niya ako sa tabi niya.


"I'm Thea Dominique Reyes, kapatid ko yang si Theo," sabi niya sa akin.


"I know," sabi ko. Syempre, how would I not know? Alaga ko si Theo. Syempre kilala ko si Thea. "Pero, hindi ko kilala mga friends mo," sabi ko at tiningnan ang tatlo pang babae at dalawa ring lalaki na kasama niya sa table.


"Wait, introduce yourself muna," sabi ni Thea habang tumatawa.


"Uhm, I'm Hera Evelyn Ortega, or Heaven," sabi ko.


"Transferee?" tanong noong isang lalaki na medyo rough ang itsura. Tumango naman ako.


"I'm Kerwin," sabi noong rough guy.


"I'm Ran," sabi naman noong naka-salamin na lalaki.


"I'm Yza," sabi noong babaeng naka-ponytail at naka-salamin


"I'm Nikki." Isang babaeng mahaba at straight ang buhok naman ang nagsalita.


"I'm Drea," pakilala naman ng babaeng maputi at naka-bun ang buhok.


"Hello sa inyo," sabi ko sa kanila at nag-bow nang kaunti.


"Why were you with my brother?" tanong ni Thea sa akin.


"Si Bree kasi, may nilagay siyang paper sa likod ko then inalis ni Theo at hinila niya ako papunta dito," sabi ko.


"Surprising. Ay wait, ikaw ba yung girl kahapon? Yung sa mall?" tanong ni Thea sa akin.


"Yes," sagot ko at bigla siyang nag-squeal.


"Guys, this is her! Siya yung naka-inis sa kapatid ko! I salute you, girl," sabi sa akin ni Thea at shinake pa ang hands ko.


"Madalang kasing mabother si Theo kaya naman congratulations," sabi ni Nikki.


"Ah, I did not know it was such a big deal," sabi ko.


"Big deal siya, girl. Believe me," sabi ni Drea habang tumatango pa.


"May pagkain ka ba? Hindi ka ba nagugutom?" tanong naman ni Kerwin. Umiling ako dahil hindi ako nagkaroon ng chance makabili doon sa canteen. Agad naman nilang inalok ang crackers nila and snacks nila. Nagpasalamat naman ako dahil kailangan ko na talagang kumain. My stomach's been grumbling. Ganito pala ang feeling ng gutom.


"Mahirap ba ang lessons niyo?" tanong ko sa kanila. Gusto ko kasing malaman kung ano ang mga inaaral nila e. Ang alam ko kasi, graduating na ang mga ito.


Naglabas si Yza ng isang libro at pinakita sa akin ang nakasulat doon.


"Ganyan kahirap ang lessons namin," sabi niya sa akin. Kinuha ko naman iyon at binasa. Math book pala ang binigay niya sa akin at nakita kong statistics iyon.


"4.18 ang sagot," sabi ko sa kanila. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila.


"Check niyo nga sa likod yung sagot!" sabi ni Ran at lahat sila ay nagmamadaling kunin ang libro para tingnan ang answer key.


"Sht, tama yung sagot niya!" sabi ni Kerwin.


"Paano mo nalaman yun?" tanong ni Thea sa akin. Kinuha ko naman ang libro sa kanila at inexplain kung paano ko nasagot iyon.


"Ang galing mo sa Math! Advanced na kaya ito!" sabi ni Nikki. Napansin ko namang nakatitig lang sa akin si Thea. Tinanong ko naman kung bakit siya nakatingin sa akin.


"Nothing. I just thought of something," sabi niya.


x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~ x ~x


As I rode the jeep home, I still can't believe that Heaven could solve a complex problem like that! Masyadong matalino si Heaven para sa level niya ngayon. She should be accelerated pero hindi ko alam kung bakit mas pinili niya ang magstay sa level na iyon. Kung ako ay malamang lumipat na ako.


"Pst, They, andito na tayo," sabi ni Ran sa akin. Natigil naman ako sa iniisip ko at bumaba na ng jeep.


"Lalim ata ng iniisip natin ha?" tanong niya ulit.


"Iniisip ko lang kung pwedeng maging tutor ni Theo si Heaven. They seem to get along naman and her mad Math skills could be a really great help," sabi ko.


"I think kailangan mo munang iinform ang parents mo about dyan, and yung parents din ni Heaven. Transferee pa lang siya, remember?" paalala ni Ran sa akin.


"I know, pero kailangan talaga siya ni Theo. He might repeat high school. Hindi kasi nagseseryoso yun!" sabi ko.


Theo is smart. Wala lang siyang pakialam sa school. Ayaw niya sa school dahil feel niya e nakukulong siya. He loves freedom. He wants do everything he wants kaya naman ayaw niya noong dinidiktahan siya.


"Gusto mo muna bang magmeryenda?" tanong ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng bahay ko. Mas malayo kasi ang bahay niya kaya nauuna akong makauwi.


"Hindi na. May homework pa tayo. Sa Friday na lang," sabi niya sa akin. Niyakap ko naman siya at nagpaalam na. Don't get me wrong. We're not in a relationship. Ganoon lang talaga ako magpaalam.


"I'm home!" sabi ko nang makapasok na ako. Naabutan ko si Theo na nanonood ng NBA sa TV.


"Now I know why you opt to commute," sabi niya sa akin.


"Shut up," sabi ko sa kanya at hinanap sila Mom and Dad. Pero ang naabutan ko lang ay si Dad na nasa kusina.


"Dad! Where's Mom?" tanong ko at hinalikan ang pisngi niya.


"Your Mom's still at the firm," sabi ni Dad. Tumango na lamang ako.


Mom and Dad are working at the same firm. Dad's an engineer kasi.


"Dad, I have something to discuss with you later," sabi ko at nagbihis na. Kailangan ko pang gumawa ng presentation at defense para sa tutoring ni Theo.

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon