xx. Walang Bawian

1.7K 95 7
                                    

"Bakit di ka pumunta kahapon?" galit na tanong ni Theo sa akin.


Teka, nananaginip ba ako? Sabado ngayon, 'di ba? Bakit andito si Theo? 


Bigla ko namang naalala na hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili ko. Hindi pa ako nakakapaghilamos o kahit magsuklay man lang. Agad kasi akong ginising ni Nanay para sabihing may naghahanap sa akin sa labas. Hindi ko naman akalain na si Theo pala iyon. Buong akala ko ay si Jael iyon.


"Ha?" nalilitong tanong ko. Hindi ko nahuli kung ano yung tanong niya. Masyado akong nagulat kaya naman hindi nagprocess agad ang sinabi niya.


"Heaven, papasukin mo muna iyang bisita mo!" sabi ni Nanay kaya naman ay pinapasok ko siya.


"Sandali ha," sabi ko tapos ay kumaripas ng takbo patakbo sa banyo para makapag-ligo.


"Sorry, kakagising ko lang kasi," sabi ko matapos akong maligo. Akala ko nga ay aalis na siya pero naabutan ko siya sa dining room. Inaya siguro siya ni Nanay na kumain. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko pa.


"Bakit hindi ka pumunta kahapon?" tanong na naman niya sa akin.


"Ah, nagpatulong kasi si Jax sa akin. May test kasi siya ngayon sa Chemistry," sabi ko. Agad kong hinanap ang phone ko para matext ng good luck si Jax. Kailangan niya kasi.


"Hindi ba tutor kita? Bakit di mo man lang sinabi? Naghintay ako kahapon," mahinahon pa rin niyang tanong pero nakikita ko na sa mukha niya na naiinis na siya.


"Akala ko kasi hindi mo na kailangan ng tulong ko kasi kasama mo naman si Belle. Sakto ring nagpatulong si Jax sa akin kaya naman tinulungan ko na," sabi ko sa kanya. 


Natigil naman ang usapan namin nang ihapag na ni Nanay ang sinangag at ulam. Nang matapos na kaming kumain ay nag-alok akong maghugas ng plato kaso pinilit ako ni Nanay na i-entertain na lang ang bisita ko.


"Ayos ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya. Tiningnan niya ako at mukhang iniisip pa niya kung ano ang sasabihin.


"Alis tayo, libre ko," sabi niya na ikinagulat ko.


"Hindi pa ako nakakapagpaalam!" 


"Nagpaalam na ako sa mama mo."


Pumunta naman ako sa kusina para itanong kay Nanay at laking gulat ko nang ipinagpaalam na nga niya talaga ako. Seryoso ba 'to?


"Saglit, magpapalit lang ako ng damit," sabi ko tapos ay umakyat patungo sa kwarto. Ano naman kayang isusuot ko? Ano bang gagawin namin? Sa huli ay nag-jeans na lang ako at simpleng shirt para babagay sa kung ano mang gagawin namin.


"Tara na?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at nagpaalam kay Nanay na aalis na kami.

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon