xxv. But You're Not Her

1.4K 77 8
                                    

I got it in! I passed the entrance exam and now I'm enrolled! I just have to attend the Freshie Orientation later and ta-da, I am a college girl! 


Right now, nasa isang food shack kami ni Patty para mag-lunch. We planned kasi na 'wag nang umuwi para di kami malate for the orientation.


"Hey, Eve, how old are you pala?" tanong ni Patty sa akin. "I mean, I know you're still young pero hindi ko alam kung mas matanda ka ba sa akin or mas bata," dagdag pa nito.


Napatigil naman ako sa pag-kain. Kahit ako ay hindi ko alam kung ilang taon na ako. Basta ay isinulat ko lang ang kung ano ang usual na edad ng mga freshmen.


"Seventeen," sagot ko kahit di ako sigurado.


"Oh, we're the same age pala pero you look more matured. I envy your look!" sabi pa niya sa akin.


"Come on, don't be. Ang ganda mo kaya!" sabi ko sa kanya. Ang morenang kutis ni Patty ay bagay na bagay sa kanya pati na rin ang pagkakulot ng kanyang buhok ay parang gawa ng isang hair artist.


"But still," sabi niya. I didn't reply anymore para matapos na ang discussion. I don't want people envying me since there's nothing envy-able about me.


Pagkarating ng hapon ay pumunta na kami sa auditorium. Sinalubong kami ng iilang upperclassmen at mayroon pang namimigay ng flyers ng iba't ibang orgs.


"Hi! Welcome to the university!" sabi ng isang babaeng naka-itim na polo shirt na naka-tucked in sa isang black na skater shirt. Inabot niya sa akin ang isang flyer para sa isang theatre org.


Bigla ko namang narinig na may tumawag sa pangalan ng home college ko kaya naman nagkahiwalay na kami ni Patty. Hindi kasi parehas ang course na kinuha namin.


"Hey, I saw my college rep, I'll go there na, ha," sabi ko sa kanya at hinanap na rin niya ang kanya.


Nang makalapit ako sa college rep ko ay napansin kong nakatitig siya sa akin. She has those big, expressive eyes and her eyelashes are super long, just like Lily Collins'.


Why is everyone at the university staring at me?


"Hi, w-what's your name?" tanong noong babae at inabot sa akin ang isa pang flyer.


"Eve," sabi ko. Tumango naman siya at dinala ako sa may registration sheets. Pinalista niya doon ang mga contact details ko at pinaupo sa naka-assign na upuan para sa amin. Tiningnan ko ulit ang college rep namin at nakita kong sumusulyap siya sa akin habang may kausap sa telepono.


"Drea!" Bigla naman akong napatingin doon sa babaeng sumigaw. Nakita kong tumatakbo siya papunta sa college rep namin. "Where is she?" dinig kong tanong noong babaeng kalalapit lang habang iniikot ng mata niya ang buong student body namin. Nakita ko namang natigil ang mata niya sa akin. Sht, she's walking to me!


"Excuse me, can I talk to you for a bit? I promise I'll get you back in time," tanong noong babae. Kumpara sa college rep namin, may pagka-singkit ang babaeng ito at may pagka-blonde ang buhok niya. 


Hindi ko alam kung anong gagawin pero mukha namang urgent ang gusto niyang mangyari kaya naman sumama ako sa kanya. Dinala lang naman niya ako sa lobby ng auditorium kung saan walang tao dahil nakapasok na ang iba.


"Hi, I'm Thea Dominique Reyes, third year BS Chemical Engineering. And you are?" tanong niya tapos ay inalok ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at nag-shake hands kami.


"I'm Hera Evelyn Ortega, first year BA Journalism. Bakit niyo po ako pinapatawag?" tanong ko sa kanya.


"By any chance, where did you study high school?" tanong niya sa akin.


"I.. can't remember," sabi ko. I don't know what to answer. Si Mama rin kasi ang nag-fill up noong application form kaya naman nang tingnan ko ang box para sa high school ay nakita ko ang pangalan ng pinakamalapit na high school sa amin. Pero wala akong maalalang nag-aral ako doon.


"You don't remember? Why?" tanong niya. Bakit ba feeling ko e may krimen akong nagawa?


"I was in an accident way back and it resulted in amnesia. I can't remember anything pero my Mom told me na we just got home from the States? Bakit? Did you know me?" tanong ko sa kanya.


"I know someone who looks just like you.. but you're not her," sabi niya sa akin.


Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng konting kirot doon sa sinabi niya. Why are they comparing me to someone I am not?

============================================

A/N: Sorry super ikli lang nito! Ito lang talaga free time ko so siningit ko lang sorry :((((

Anyway, Theo's handler offered to have an #AskTheoReyes sa twitter. If you want to participate, please do tweet him (@theodomreyes). Sasagot po siya and.. related sa story ang mga isasagot niya. Another thing is.. lalaki po talaga ang handler ni Theo. ;)))) Valid for today and tomorrow lang ang #AskTheoReyes :)))) So ask your questions naaaaa!

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon