xxviii.
Déjà vu.
Habang papunta kami sa bahay nila Ate Thea, nakaramdam ako ng déjà vu-na para bang nagawa ko na iyon, na natapakan ko na dati pa ang daang nilalakad namin, na pati ang tugtog sa jeep ay nagbibigay sa akin ng mga alaalang hindi ko alam kung akin nga ba o kung totoo nga ba.
"Ate, pumupunta ba ako dati sa bahay niyo? Para kasing nangyari na ito dati pa," sabi ko. Nakita ko naman sa mga mata niya ang pagka-lito at pagka-taranta. Para bang hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa akin.
"Baka naman pumunta ka na sa palengke, ganito rin kasi ang sasakyan mo para makapunta ka doon," aniya pero iba ang gustong sabihin ng kanyang mga mata.. ngunit nanatili itong naka-kandado.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila, nakasalubong namin ang isang pamilyar na babae na nagdidilig ng halaman.
"Heaven!" bati noong babae habang nakangiti sa akin. Nagulat naman ako dahil pati siya ay tinatawag ako sa pangalan na hindi naman akin.
Ito na naman ba?
Makakaramdam na naman ba ako ng inggit sa isang babaeng hindi ko kilala?
"Ma, di siya si Heaven. Siya si Eve," paliwanag ni Ate. "I'll explain later," dagdag pa nito at hinalikan sa pisngi ang nanay niya. Tapos ay hinila na niya ako sa loob ng bahay.
"Gusto mo ba munang magpalit? Pinawisan kasi tayo habang naglalakad. Sandali, kukuha lang ako ng pamalit mo para mapreskuhan ka," sabi niya sa akin tapos ay umakyat sa second floor ng bahay nila. Siguro ay pupunta siya sa kwarto niya.
Agad ko namang inikot ang mga mata ko sa buong bahay. Para talagang nakapunta na ako dito! Kaso hindi ko maisip yung exact scene at hindi ko rin alam kung bakit ako pupunta dito eh ngayon ko pa lang naman nakilala sila Ate Thea?
"Upo ka muna," sabi noong nanay nila Ate tapos ay pumunta sa kitchen nila. Bumalik siya sa living room na may dalang sandwiches at isang pitcher ng iced tea.
"Sandali ha, pupuntahan ko lang si Thea," sabi niya sa akin matapos niyang ilapag sa coffee table ang merienda.
xyz
"Thea, anong nangyayari dito?" tanong sa akin ni Mama habang naghahanap ako ng damit na babagay kay Eve, or kay Heaven.
"Ma, it's a long story. Heaven has amnesia, and hindi masabi ng parents niya ang identity niya because she'll be in danger kapag kumalat na siya si Heaven kaya they changed her name," sabi ko kay Mama. Tumango naman siya sa sinabi ko tapos ay umalis na. Mukha namang convinced na si Mama.
"Ma, don't tell Eo," sabi ko. Kahit mukhang labag sa kalooban niya ay tumango na lang din siya ulit.
Well, of course, I did not tell her the whole truth.
I finally know what's happening with Heaven and how she ended up being Eve.
After kasi akong pagsaraduhan ng nanay niya ay dahan-dahan ulit itong bumukas.
~
"Wait, I'll tell you the whole story pero make sure that you won't tell anyone," sabi ni Tita. Tumango naman ako at dahan-dahan niya akong hinila papasok ng bahay nila.
"Sit there for a bit. What do you want to drink?" tanong pa niya sa akin sabay ngiti. Pero kahit na ngumiti siya ay nakaramdam ako ng takot. I feel like I'm going to open something-a door which leads to something way beyond this dimension we're in.
"Just water," sabi ko. Tumayo naman siya para kumuha siguro ng baso at tubig. Nang makabalik siya ay umupo siya malapit sa akin at tiningnan ako sa mata.
"Thea, I know you're a clever lady. But, what I'm going to tell you is something absurd once you hear it, but take time to understand what I'm really saying. Maaaring isipin mong nababaliw na ako pero totoo ang mga sasabihin ko. They do exist," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sabay kuha sa basong inihain niya.
"Heaven's a demi-angel."
Gusto kong ibuga ang tubig na kakainom ko lang kaso ay nalunok ko na iyon. Angel? Like guardian angel?
"Po?" Iyon lang ang kaya kong sabihin ngayon. Hindi maprocess sa utak ko kung ano ang sinabi niya sa akin. Nakalanghap ba siya ng kung anong chemical at naka-high siya ngayon?
"As much as I would like to explain all the technicalities about how an angel works, magkukulang tayo sa oras. But, the main point is, angels exist, and there is one angel for every person. You have an angel pero hindi mo siya makikita, maybe once in your life pero hanggang doon lang," sabi niya sa akin.
"So you're confirming po na si Heaven is Eve? Na they're the same person?"
"Yes, they are."
"Pero, why hide her identity? It's not like they have different faces. Halatang halata ho na si Eve ay si Heaven."
"Because her life's going to be in danger kapag kumalat na buhay pa si Heaven."
"Ha? Mejj na-lost po ako."
"Heaven's the key to opening the dark realm of this world. Remember when your brother invited Heaven to the amusement park?"
"Yes, iyon po ang araw na nawala siya, hindi ba?"
"Oo, iyon din ang araw na umatake ang mga gustong gumamit kay Heaven sa maling paraan."
"So, if angels exist, does that there are demons, as well?"
Tumango siya.
"I feel like I'm inside the Mortal Instruments," sabi ko. Natawa naman si Tita.
"Please, Thea, don't tell anyone about this, even your brother. You can tell him about Heaven's identity pero not the reason and tell him na huwag sasabihin kay Eve ang totoo. And please, keep an eye out for Heaven. The reason I told you this is for Heaven. Kailangan kong masigurado na hindi siya mapapahamak."
"Bakit po? Are they still there? I mean, Heaven's attackers?"
"We don't know. Basta ang alam lang namin ay nanalo kami sa unang laban. Ang hindi namin alam ay kung ilang laban pa ba ang meron."
~
"Thea, your brother's here," sabi ni Mama.
Agad kong kinuha ang mga damit para maibigay kay Eve.
"Magpalit ka muna sa taas," sabi ko sa kanya tapos ay nilapitan ang kapatid ko.
"Let's talk," sabi ko sa kanya tapos ay lumabas na kami.