"Nakakahiya si Jax kahapon!" sabi ni Ran sa akin nang makarating na sila sa bahay namin. Ang usapan kasi namin ay magluluto ako ng meryenda kapag nanalo sila sa laro and pinanalo naman nila iyon.
Sinalubong ko si Ran and hinalikan naman niya ako sa pisngi nang makalapit na siya sa akin. Lumapit din ang ilang teammates niya at kinumusta ko sila.
"Ano na naman bang ginawa niyan?" tanong ko at kinamot naman ni Jax ang batok niya. Ako naman ay pumunta sa kusina para ayusin ang pasta na kakaluto ko lang.
"May nilapitan na babae kahapon tapos tinawag niyang Heaven. Turns out, hindi pala si Heaven iyon!" pagkkwento ni Ran sabay tawa. Natigilan ako sa kinwento niya. Wait, the girl on Theo's shot. That was taken on the same day as the basketball game. Could it be..?
"I was pretty sure that was Heaven! The resemblance is uncanny! Pero, marami naman atang kamukha yung babaeng iyon. And, it's been two years pa lang. Imposible namang nakalimutan na niya tayo," sabi ni Jax sa akin.
"Sila Kerwin, They?" tanong ni Ran sa akin. Nilingon ko naman siya at lumapit siya sa akin para tikman ang sauce para sa carbonara.
Unlike nung high school kami, hindi na kami magkakasama. Sa ibang university pumasok si Kerwin, Nikki, and Yza habang ako, si Ran, and Drea naman ay magkakasama kahit na magkakaiba ang courses namin.
"Called them na. Hinihintay na lang sila si Nikki," sabi ko sa kanila. Kahit na magkakahiwalay kami ay minamake sure namin na nagkikita pa rin kami every now and then. Seven years of friendship, mahirap din pakawalan iyon.
"You saw what?"
Muntikan ko nang matapon ang hawak ko nang marinig ko ang boses ni Theo. I know he wouldn't let this go, especially when he wasted his second chance.
"Pre, di si Heaven iyon. Tinanong ko na," sabi naman ni Jax. Hinapag ko na ang pagkain sa mesa at niyaya na silang kumain. Nanatili naman si Jax sa sala dahil magkausap pa rin sila ni Theo.
"I'm just going to check on them," sabi ko sa kanila at pinuntahan sila.
"How can this be not Heaven? Tanga't kalahati na lang ang magsasabing hindi si Heaven iyan!" galit na sabi ni Theo habang tinuturo ang isang litrato. Turns out, pinrint pala niya yung shot.
"Alam ko, Theo! Kaya nga nung iba yung sinabi niyang pangalan e nagulat ako!" sabi naman ni Jax. Mukhang nagkakainitan na sila kaya naman lumapit na ako.
"Theo, please calm down," sabi ko sa kanya at hinawakan pa ang balikat niya para pakalmahin siya. Nakikita ko ang pagtaas baba ng balikat niya dahil sa pagsigaw kanina.
"How can I fucking calm down right now? She's doing it again! She'll be gone then she'll come back with a new personality, a new name! Well, if she wants to start a new life, why does she keep coming back here? She could fucking go overseas or to hell, whatever, I don't care.. but, no! She always comes back here!" naghuhuramentado niyang sigaw. Nagpasalamat naman ako nang tahimik dahil wala ang mga parents namin dito kundi ay paniguradong mas malaking gulo ito, lalo na sa mga murang binibitawan ni Theo ngayon. Nakita ko na ring nasa front door namin sila Kerwin at natigilan lang dahil sa naabutang eksena.
"I know it hurts Theo pero statistically speaking, there seven people who looks a lot like you. So, there seven for me, seven for Ran, seven for Heaven. Maybe Heaven looks a lot like Angel and this Eve girl looks a lot like Heaven, but they will never be the same. They are different people. Baka nagkataon lang talagang napunta malapit sa amin ang tatlong iyon. Don't worry, meron pang apat na dapat mong abangan," sabi ko sa kanya, trying to lighten up the mood.
"But, it's not fair," sabi ni Theo tapos ay pabagsak na umupo sa sofa. Tinitigan naman niya ang photo at hinaplos ang mukha doon noong kamukha ni Heaven.
The day after their birthday two years ago, bigla na lang nawala si Heaven. Nobody knew where they went, she and her family. Pati ang kanilang mga kapitbahay ay hindi naramdaman ang pagkawala nila. Her social media accounts were still there pero hindi na ito updated. Wala na siyang pinopost na kahit ano. Heaven became a mystery to us, and we never saw her again.
***
"Mom, can I enter this univ? Anong year ko na ba?" tanong ko kay Mom. Her warm smile felt like home.
"Wow, you never called me Mom. You always called me Nanay, but if that's what you want to call me then it's okay," sabi ni Mom.
"Nanay.."
The way I said those words was filled with familiarity. It was as if it was part of my everyday vocabulary pero hindi ko magawang tawagin siyang Nanay. Sa isip ko ay "Mom" ang lumalabas kapag nakikita ko siya.
"Come, let's eat," pag-aya niya sa akin tapos ay umupo na kami. Hinanap naman ng mata ko si Dad pero hindi ko siya makita.
"Where's Dad?" tanong ko.
"Your dad's a chef so he always comes home late dahil late nagsasara ang restaurant niya," sabi naman ni Mom. Nagkwentuhan pa kami nang bigla kong maalala na hindi pa niya nasasagot ang unang tanong ko.
"Anong year na po ako?" tanong ko.
"You're supposed to be in second year pero you haven't been in college so you have to go through first year pa rin," sabi niya sa akin.
"Can I enroll at this school?" tanong ko sabay labas ng pamphlet mula sa bulsa ng shorts ko. Kinuha naman ni Mom iyon at binasa nang mabuti.
"Are you sure?" tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya at mabilis na tumango. Nginitian naman niya ako at pumayag siya.
Yes! Finally, may magagawa na rin ako!