Life became somewhat normal after kong malaman ang existence ng mga angels. I am finally human. Of course I'm happy pero that was a part of me that was sad. Isang malaking parte ng pagkatao ko ang nawala. I never saw them again, pero I can always feel their presence, especially Jael, who sometimes leave small notes for me.
"Hey, you okay?" tanong ni Theo sa akin. Theo has been a big help after everything. Tinulungan niya akong maalala ang mga bagay sa paligid ko. Kahit marami akong tanong, hindi siya nagsasawang sagutin ang mga iyon. And his methods are effective, kahit papaano naman ay may mga naaalala ako.
"Yup, may naisip lang ako. Wait, why do we have to ride this?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa malaking ferris wheel na nasa harapan namin.
"Just trust me," sabi niya sa akin.
"Ayan ka naman sa trust trust eh! The last time you told me that muntikan nang pumutok yung tiyan ko sa kakakain ng street food!" reklamo ko sa kanya. There was one time na dinala niya ako sa may plaza para kumain ng mga tusok-tusok. Ang sabi niya ay madalas kaming kumakain doon kaya naman kulang na lang eh bilhin niya lahat ng tinda noong manong para lang maalala ko yung sinasabi niya.
"This one's better," aniya sabay ngiti.
"Promise?" paninigurado ko.
"I swear," sagot niya.
Habang naghihintay kami sa turn namin, bigla ko na namang inisip lahat ng memories na-kolekta ko na so far.
There's Mom and Dad. Dad's a chef, who works overseas now pero dati raw eh nasa country siya. Dad left noong unconscious pa ako kaya naman hindi ko siya nakikita sa bahay. Mom was a Fallen. She was friends with my parents before kaya naman lagi niya akong binubusog sa mga kwento niya tungkol sa mga magulang ko. Although I've never seen them, I know that my real parents were amazing, based na rin sa mga kwento ni Mom. Ngayon, regular na kaming nag-vivideo call with Dad para naman nakikita niya ang progress ko.
Naintindihan ko na rin ang mga actions ni Thea and her friends. Namiss ko rin naman sila Ran, Kerwin, Drea, Yza and Nikki kahit papaano. Agad nga silang nag-set ng reunion para lang i-welcome ako ulit. Nagulat din ako nang malaman kong si Thea na pala at si Ran at naalala ko ang mga pagpaparamdam nila sa isa't isa noong high school pa kami.
Speaking of high school, naalala ko na rin si Jax at kung papano ko siya tinulungan sa studies niya. I was surprised to know na sila pala ni Belle, and that Belle was actually Patty's sister! Hindi ako makapaniwala kung gaano kaliit ang mundo.
Nagulat din si Patty noong nalaman niya na nagka-amnesia ako. Of course, hindi na rin namin sinabi sa iba ang tungkol sa totoong nangyari. The people who knew about this were Mom, Dad, Thea and Theo. Hindi rin naman ipagkakalat ni Thea and Theo ang nalaman nila. Besides, who would believe them if ever ipagkalat man nila, di ba?
"It's our turn," sabi ni Theo sa akin. Hindi ko namalayan na kami na pala ang susunod na sasakay. It's crazy how fast things change.
"Ah yeah," sabi ko na lang at sumakay na kami.
"This is amazing!" sabi ko sa kanya nang umangat na kami. Kitang-kita dito ang buong bayan at sakto pa kami sa sunset. Sobrang ganda!
"Don't you remember anything in this spot?" tanong niya sa akin. Sinubukan kong mag-isip. Meron akong konting naalala pero hindi sapat iyon para makita ko kung ano talaga ang nangyari.
"Konti lang."
"This is where we last saw you before you disappeared again," sabi niya sa akin.
"Oh."
"I was supposed to do something here kaso hindi na natuloy dahil nga sa nangyari. I was forced to believe na hindi kita kasama dito pero now that I know what really happened, it made me disappointed."
"Huh? Why?"
"Because this one should've happened a year ago," sabi niya.
"What?" tanong ko naman. Hindi na niya ako sinagot. Imbes ay lumapit siya sa akin, his face nearing mine. Hindi naman ganoon kalaki ang cab na sinakyan namin kaya naman agad nakalapit ang mukha niya sa akin.
Everything's a blur. I just felt his lips moving with mine, like they're in a song na sila ang nakakaalam. They moved as if they're dancing and only they knew what the steps were.
"Sorry," sabi niya matapos ng nangyari. I felt my cheeks heating up to a hundred degrees. We kissed! I can't believe it! My chest is pounding like crazy; my palms are sweaty; and I can't say anything!
"What for?" tanong ko nang nakaya ko nang magsalita.
"The kiss," sagot niya.
Tumawa naman ako sa sinabi niya. God, he's like an elementary student who stole a kiss from his crush! Nakitawa na rin siya sa akin.
"You don't have to be sorry, you know," sabi ko nang maka-recover na kami sa pagtawa.
"You sure?" tanong niya.
"A hundred percent."
"So can I kiss you again?"
I chuckled.
------
Okay, this is the last time na mag-uupdate ako ng Fallen! Finally, tapos na mga beh! Thanks for reading this story huhu kahit super complicated haha.
Anyway, may bago akong story whooo! It's called Amour, and Gen Fic siyaaaaa. Hope you give it a chance guys!
Luv u, bbs!