xv. The Truth

1.6K 84 11
                                    

I feel lightheaded. Absorbing all that information was too much. Ganito ba ang nararamdaman ng mga tao pagkatapos nilang magtest sa Math nang ilang oras? Eto ba ang feeling ng sinasabi nilang "sabaw"?


xyz


"Come on! Tell me who this Angel is!" I screamed. I don't care kung nageeskandalo na ako dito sa Palasyo. I have to know the truth dahil hindi ko magagawa ang mission ko kung hindi ko alam ang katotohanan.


"Are you sure you're ready for this, Heaven?" tanong ni Bossing sa akin.


"I wouldn't be here if I wasn't ready," sabi ko sa kanya at matalim na tinitigan ang kanyang mga mata. I have to let him know na handa na ako.


"Fine, sit down," sabi niya sa akin at pinuntahan ang isa sa mga book shelves niya. Nakita ko namang may kinuha siyang folder mula roon. Umupo naman siya sa harapan ko at binuksan iyon. 


"This was your family," sabi sa akin ni Bossing at binigay sa akin ang isang picture. Doon ay ang isang batang Heaven, isang babae at isa pang lalaki. I was holding a teddy bear at mukhang masaya kaming tatlo sa picture na iyon.


Bigla namang sumakit ang ulo ko at biglang mayroon akong naalala. I can hear my laugh and a woman's laugh, tapos ay ang sigaw naming dalawa.


"My family?" tanong ko. I didn't know I had a family. So, ibig sabihin ay galing ako sa mundo ng mga tao and I was a human din noon?


"You were once a human, but your father was a Fallen. Ka-batch ng tatay mo si Lucy, at noong napanganak ka ay nalaman ng tatay mo na ikaw ang hinahabol ni Lucy. You were her the One, her key. So, they brought you here para maging sanctuary mo and in the course, they had to sacrifice their lives for you," sabi ni Bossing sa akin.


"What happened to them?" nanginginig kong tanong. I had a family. I can't believe it!


"Habang dinadala kita dito sa Palasyo, may dalang bait ang mga magulang mo to lure Lucy away from you. But, eventually, she caught up with them habang ikaw ay natago namin nang maayos sa loob."


"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?" galit kong tanong. I'm angry! Sana man lang ay sinabi nila sa akin ang totoo para hindi ako naguguluhan ngayon, diba? Mas maaayos pa ang lahat kung sinabi lang nila sa akin!


"We wanted to hide your identity by making you a true Guardian. At para rin hindi malaman ni Lucy na nandito ka sa puder namin dahil she knows that you died with your parents," sabi sa akin ni Bossing. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Alam ko namang wala akong mapapala kung papainitin ko lang ang ulo ko.


"What do I do now?" tanong ko.


"She's coming for you. Please be cautious."


"Paano si Theo? He knows about the past me but he doesn't know na ako nga iyon dahil dineny ko iyon sa kanya. Now, he's mad at me," sabi ko kay Bossing.


"Don't tell him anything. The more who knows about this, the more dangerous it will be," sabi ni Bossing. Tumango na lang ako at tinitigan pa ang larawan na nasa kamay ko.


If I was a human, does that mean that I have a heart? Am I capable to love, and to hate?


xyz


I have a family. At hindi ko man lang sila maalala. Ang sabi ni Bossing ay may ginawa silang ritual para mablock ang mga alaala ko habang nasa mundo ako ng mga tao. Pwede ko pa naman daw maalala ang mga iyon ulit pero mukhang matatagalan.


Ang problema ko ngayon ay kung paano ko kakausapin si Theo ngayong alam ko nang totoo ang sinasabi niya?


"Theo, pansinin mo naman ako o!" pagpupumilit ko sa kanya habang nasa classroom kami. May perks naman pala na seatmate ko siya kaya naman nakakausap ko siya.


"Oh, anong meron? LQ kayo?" baling ni Jax sa aming dalawa. Free time kasi namin ngayon kaya okay lang na gawin namin ang kahit ano. At pinili kong sayangin ang oras ko sa pangungulit kay Theo. Ayaw pa rin kasi niya akong pansinin.


Hello? Di ko naman kasalanan kung hindi ko siya maalala diba? At saka hindi ko naman talaga alam noon na ako talaga yung babae! Gusto ko talagang sabihin sa kanya kaso hindi kasi pwede!


"Theo! Huy, hindi naman kasi ako yon!" sabi ko sa kanya. Nanatili pa rin ang tingin niya sa Math book niya na sinosolve niya kanina pa. 


"Ano ba, girl, ayaw na nga ni Theo. Don't be so desperate, ugh," reklamo ni Bree sa asal ko ngayon. Inirapan ko na lang siya. I don't have time for her drama. Ang kailangan ko ay pansinin ako ni Theo ngayon.


I don't why I'm so persistent in making him notice me pero there's something missing kapag hindi niya ako pinapansin.


"Uy Theo, di mo talaga ako papansinin?" tanong ko sa kanya. Wala pa rin siyang reaksyon sa sinasabi ko sa kanya.


"Break na this," patawa ni Jax pero hindi ko na lang pinansin. Magsasalita pa sana ako kaso ay biglang nag-ring ang bell at nagsitayuan na ang lahat para mag-recess.


Nagulat naman ako nang kinalabit ni Theo si Belle na naka-upo sa harapan niya. Nakita ko rin ang pagka-gulat ni Belle at dali-dali siyang lumingon kay Theo.


"Tara, recess?" tanong ni Theo dito kay Belle na dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata niya at pati na rin ang mga mata ko.


"What?!" dinig ko rin ang tinis ng boses ni Bree na mukhang hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Theo.


Ang gulat naman na si Belle ay dahan-dahang tumango at tumayo. Sinabayan naman siya ni Theo at parehas silang lumabas.


"Hm, mukhang may bago si boyfie," pang-iinis na naman ni Jax kaya naman sinapok ko na. Nakakainis!


======

A/N: Hi! Sorry, mabilis lang ulit na update. Inaayos ko pa kasi ang account ko.


Anyway, I joined this story to the #Wattys2015 so I really really need your help! Pwede bang i-share niyo ito sa mga friends niyo na KN fan din? If you want lang naman. Ayun lang, sa mga tutulong, please pm niyo ako, magdededic ako sa inyo ng chapter, promise!

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon