"Tuloy lang ang buhay nating dalawa... Dedmahan pa rin, at hangga't maaari, h'wag ka na lang magpakita sa'kin ulit," sabi ko saka napataas ang kilay.
"Huh, you're fucking unbelievable." Napakunot ang noo ni Dravis, inilayo na n'ya ang kamay sa akin. "I don't even want to see you again, you're a fucking nightmare!"
Napataas ang kilay ko. "Wow ha, ang ganda ko namang nightmare kung gano'n! Tse!" Napahalukipkip ako. "Makaalis na nga. Diyan ka na!"
Naiinis na sinukbit ko na lang ang sling bag ko saka inirapan si Dravis. Napabuga na lang siya ng hangin at napailing. Akmang lalabas na sana ako ng kotse pero natigilan ako nang mapansing lalabas din si Dravis. Agad akong natigilan at hinablot ang damit n'ya.
"Ano na naman?!" tila iritadong tanong n'ya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan ka pupunta, aber?"
"I'm gonna buy food there." Tinuro n'ya ang restaurant na pagkikitaan namin ni Patrice.
"Teka! Ako muna ang unang papasok doon. Pag pumasok ako, maghintay ka muna ng ilang minutes bago ka pumasok. Baka makita ka pa ni Patrice at isipin na magkasama tayo. Saka dapat tahimik ka lang na papasok, okay?" tanong ko.
Napakunot ang noo ni Dravis, tila napipikon na ito sa akin. "What the hell is your problem, you goddamn crazy woman?!" hindi n'ya napigilang magtaas ng boses.
Hinablot ko ang leegan ng shirt n'ya saka hinila siya palapit sa akin, pinaningkitan ko pa siya ng mga mata. "Basta sumunod ka na lang kung ayaw mong malintikan sa akin," pananakot ko pa.
"Are you seriously trying to scare me? It seems like you know a lot about feroci, so you must have an idea what kind of person I am and--"
"Wala akong pake," sabi ko na lang saka napataas ang kilay.
Napakuyom ang kamao ni Dravis at napapikit nang mariin, tila pigil na pigil ang sarili na sumabog sa inis. Napangisi na lang ako... Hindi ako makapaniwalang takot ako sa kan'ya noon. Para lang siyang sisiw sa paningin ko ngayon.
"Just get out of my car, crazy woman!" naiinis na sabi n'ya.
Napairap na lang ako saka binitiwan ang damit n'ya. "Maghintay ka muna bago ka pumasok ha," sabi ko na lang.
Agad akong bumaba ng kotse n'ya. Padabog ko pang isinara ang pinto. Napangisi ako nang mapansing halos mapatalon siya sa gulat sa lakas ng pagkakasara ko. Nag-flip hair na lang ako saka tila model na papasok sa restaurant. Well, model naman talaga ako.
Umupo na lang ako at naghintay kay Patrice. Ilang saglit pa, dumating na siya dala ang mga gamit ko mula sa bahay ni Xceron. Pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Dravis. Nagtagis ang bagang ko nang makitang umo-order pa ang siraulong 'yon. Bakit ba ang tagal n'ya?! Baka makita pa siya ni Patrice!
"Is that Dravis?"
Napaupo ako nang tuwid sa tanong ni Patrice. Napatingin na lang ako sa kiss mark n'ya sa leeg, ayoko sana i-open 'to kaso wala na 'kong choice.
"Patrice, I can see a kiss mark on your neck," pag-iwas ko na lang sa usapan.
Nanlaki ang mga mata ni Patrice, namula pa ang pisngi saka napaiwas ng tingin sa akin. Napangiti na lang ako dahil kahit sa super cool n'ya, may cute side pa rin siya. Girl crush talaga siya!
Nagkwentuhan na lang kami at nagbonding ni Patrice halos buong araw. Habang tumatagal na nakakasama ko si Patrice, mas lalo kong nakikita kung bakit siya minahal ni Xceron. Noong una, napapaisip ako kung bakit wala akong maramdamang inis sa kan'ya kahit na alam ko sa sarili ko na normal lang makaramdam no'n.
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...