IMPORTANT NOTE: I'm advising you to read Hostile and Fatal (SERIE FEROCI 8) first before reading this to avoid confusion. Sa feroci 8 po nagsimula ang kwento ni Denise. Marami pong mababanggit doon na relevant dito. Kaya para po hindi malito, much better na unahin ang feroci 8 bago ito.
* * *
Denise Audrina Villamor
Hindi ko alam kung anong kasalanan ba ang nagawa ko sa past life ko. Mabait din naman ako, mapagbigay, matulungin, cute, sobrang ganda, sexy... Nasa 'kin na ang lahat, pati katangahan nasa'kin na rin!
Napalunok ako at napapikit nang mariin. Bangungot lang yata ito, tama! Imposibleng mangyari 'to sa'kin. Imposible talaga.
Kagabi, nagkausap kami ni Xceron. Naayos na namin ang gusot sa pagitan namin, magmo-move forward na kaming pareho. Maayos na. Nagkaroon na kami ng closure at babalik na kami sa pagiging magkaibigan. Para sa madama ko ang tuluyang pagmo-move on, nag-inom ako at nagpakalasing... May nakita akong lalaki.
Napapikit ako nang mariin at napakagat sa ibabang labi ko nang tuluyan nang nagiging malinaw sa alaala ko ang nangyari.
Sa lahat ng katangahang ginawa ko sa buhay ko, ito na yata ang pinakatanga sa lahat. Parang gusto ko na lang maglaho sa mundo!
Marahan kong idinilat ang mga mata ko at napatingin sa lalaking katabi ko ngayon. Napasinghap ako at muling pumikit. Baka namamalikmata lang ako... Tama. Ang daming lalaki sa mundo, imposibleng sa feroci member pa ako magkakamaling makipag-one night stand.
Napalunok ako nang marahang gumalaw ang lalaki, napaungol pa ito. Hindi ko maalis ang kamay kong nakayakap sa matigas n'yang abs dahil baka magising siya kapag gumalaw ako. Napalunok ako at pilit na pinakalma ang sarili ko, naghuhumiyaw na ang kalooban ko ngayon!
Napabuga ako ng hangin at marahang idinilat ang mga mata ko. Agad kong tiningnan ang kumot na nakabalot sa katawan naming dalawa. Marahan kong sinilip ang loob no'n at napasinghap ako nang muli kong makita na wala kaming damit pareho, as in wala! Hubo't hubad!
Napatingin ako sa katabi ko, nakayakap siya sa baywang ko. Sakop na sakop ng matigas n'yang braso ang maliit na baywang ko. Napalunok ako at tumingin sa mukha n'ya, para akong naubusan ng dugo sa mukha habang nakatitig sa gwapong mukha nito... Totoo nga talaga. Hindi nga ako namamalikmata lang.
Bakit si Dravis Laurent pa?!
Si Dravis Laurent ang pinaka-ayaw kong miyembro ng feroci. Bukod sa ubod ng sungit nito, tila palagi itong iritado sa'kin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya. Misteryoso din siya para sa'kin. Hindi ko naman close ang lahat ng members ng feroci, pero kay Dravis Laurent lang ako nakaramdam nang ganitong inis.
Naaalala ko pa rin kung paano na-ospital si Xceron noon matapos n'yang bugbugin. Siya rin ang tumatayong punisher ng feroci kaya talagang nakakatakot siya para sakin. Akala ko noon, papatayin n'ya talaga si Xceron.
Huminga ako nang malalim at napatitig dito. Tila batang mahimbing na natutulog ito. Mukhang hindi masungit at nakakatakot kapag tulog... Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi ito ang oras para atupagin ito.
Napalunok ako at marahang inalis ang pagkakahawak ko sa mapintog na abs nito, nanginginig pa ang kamay ko. Sunod kong inalis ang braso nitong nakayakap sa baywang ko... Tama, aalis na lang ako na parang walang nangyari. Mukha rin namang hindi n'ya maaalala 'to, parehas kaming lasing na lasing kagabi.
Natigilan ako nang maramdamang gumalaw siya. Agad akong napatingin sa mukha n'ya... Nanlaki ang mga mata ko nang marahan nitong idinilat ang mga mata. Napakurap ako at napatitig sa kulay abo nitong mga mata... Ngayon ko lang natitigan nang malapitan ang mga 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/287871651-288-k471682.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...