Agad kong itinulak si Dravis. Mukhang hindi n'ya inaasahan na itutulak ko siya kaya natumba siya sa sahig. Agad din naman siyang tumayo saka napahawak sa batok.
"W-What are you doing here, Lettiere?" tanong ni Dravis, nautal.
"Gago, pinabili mo 'ko ng mga kailangan ng aso mo, 'diba?" tanong ni Cadence saka napaismid.
"O-Oo nga... but I told you to bring it tomorrow, not now!" asik ni Dravis, hindi napigilang magtaas ng boses.
"Ngayon na kasi busy ako bukas. Hindi porke lagi akong available, 'di na 'ko pwedeng maging busy. Abuso kayo, ha," napapailing na sabi ni Cad.
Napalunok ako, hindi makapagsalita. Mas lalo akong kinabahan nang lumapit sa amin si Cad, inabot n'ya sa akin ang plastic na dala n'ya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagngisi n'ya sa'kin. "Cute naman ng baby n'yo ni Dravis," bulong n'ya pa saka ini-nguso si Dravy na natutulog pa rin sa couch.
"Sasapakin kita, Cadence," mariing sabi ko saka ikinuyom ang kamao.
"Teka nga. Upo muna tayo, guys. Kumalma muna tayo, okay?" sabi ni Cad saka nauna nang umupo sa couch, katabi ni Dravy. Hinaplos pa nito ang balahibo ni Dravy.
Tumingin sa'kin si Dravis, mukha siyang kinakabahan sa reaksyon ko sa sitwasyon namin. Napabuntonghininga na lang ako at nakapamaywang na hinarap si Cadence.
"Ano na naman ang trip mo, Cad?" nakataas-kilay na tanong ko.
"Wala naman akong planong masama. Grabe kayo, ang sama naman ng tingin n'yo sa'kin," sabi n'ya, napahawak pa sa dibdib.
"Go straight to the point, Lettiere," masungit na sabi na lang ni Dravis.
"Ay grabe. Malambing kay Denise tapos sa'kin cold. Sakit mo, pare," pagd-drama ni Cadence.
Naiinis na sinipa ko ang binti n'ya. "Ano ba kasing gusto mo, gago?!" singhal ko.
Nakonsensya ako dahil nagising si Dravy. Agad itong lumapit kay Cadence saka tumahol.
"Wala naman akong ibang gusto. Saka bakit gan'yan ang reaksyon n'yo? Wala namang masama kung magkakaroon ng something sa inyong dalawa. Ano'ng kinakatakot n'yo?" tanong na lang ni Cadence saka binuhat si Dravy.
"W-Walang something sa aming dalawa," sabi ko na lang.
Napatango si Cadence. "Fling lang? Landian? Sus, something pa rin 'yon," sabi na lang n'ya.
Napapikit ako nang mariin at napahawak sa sentido ko. Bakit sa lahat ng pwedeng makahuli sa amin, si Cadence pa na ubod ng chismoso?!
"H'wag kayong kabahan, uy. Malalaki na kayo, pwede kayong maglandian kung gusto n'yo. Kung iniisip n'yo, 'yung dahil kay Xceron... Sus, para namang 'di n'yo kilala 'yon. Mabait naman 'yon kahit siraulo minsan, siguradong suportado pa 'yon sa inyo kapag nalaman no'n."
Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang banggitin ni Cad ang pangalan ni Xceron. Agad akong napatingin kay Dravis. Napakunot ang noo n'ya, tila hindi naiintindihan ang sinasabi ni Cad. Namuo ang pawis sa noo ko... Kinakabahan ako.
"Ano naman ang kinalaman ni Xceron dito?" nakakunot-noong tanong pa ni Dravis.
Tumingin ako kay Cad, sinubukan ko siyang senyasan na h'wag magsalita pero hindi siya nakatingin sa akin. Abala siya sa pakikipaglaro kay Dravy.
"Siyempre, kasi diba... ex ni Xceron si Denise," sabi ni Cad saka tumingin kay Dravis. "H'wag n'yo isipin 'yon. Cool naman panigurado si Xceron sa relasyon n'yo."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatingin ako kay Dravis. Mas lalong napakunot ang noo n'ya, pero kita rin ang pagkagulat sa mga mata nito. Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa laylayan ng damit ko... Ano ang iniisip n'ya ngayon? Gusto kong malaman.
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...