"Hala, may bisita pala si Dravis. Pasensya na sa abala," sabi ni Ashia sa akin.
Tipid na ngumiti na lang ako at tumango, hindi na ako nagsalita. Iginiya naman ni Vianne si Ashia papasok sa loob. Ngumiti si Ashia sa amin saka nilibot ang tingin n'ya sa paligid.
"Hindi pa rin nagbabago," bulong n'ya na narinig ko naman.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin... Nanatili rin yata siya noon dito sa bahay ni Dravis.
Napailing na lang ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Wala namang masama ro'n. Si Xceron din naman tumuloy sa unit ko noon... Tama, wala rin naman akong dahilan para mag-isip ng kung ano-ano.
Napatingin ako sa kanila, tumingin sa'kin si Vianne at hindi ko gusto ang tingin na pinupukaw n'ya sa'kin. Nanatili na lang akong kalmado at walang reaksyon. Ayoko rin naman siyang bigyan ng satisfaction. Ayokong maramdaman n'ya na naiinis ako.
"W-What are you doing here, Ashia?" tanong ni Dravis.
Hindi nakawala sa pandinig ko ang pagkautal n'ya. Hindi na lang ako nagsalita at umupo sa couch katabi ni Dravy na ngayon ay tumatahol kina Vianne, dahil siguro hindi n'ya kilala ang mga 'to. Hinaplos ko na lang ang balahibo n'ya para pakalmahin siya.
"Iimbitahan kita sa kasal namin. Teka nga, wait," sabi ni Ashia saka may hinanap sa bag n'ya.
Natigilan ako sa sinabi nito. Ikakasal na siya?
Napatingin ako kay Dravis, hindi ko mabasa ang nasa isip n'ya. Kaya ba siya nagpakalasing noon? Dahil ikakasal na si Ashia?
"Saan ko nga nilagay 'yon? Wait a minute, guys," sabi ni Ashia habang may hinahanap pa rin sa bag n'ya. "What the hell naman talaga, oh," bulong pa n'ya.
"Ashia, hawak mo lang 'yung invitation card," sabi ni Vianne saka itinuro ang hawak ni Ashia.
Napasinghap si Ashia at nahihiyang tumingin sa'min, bahagya pang namula ang mukha nito. "Sorry, hehe. Lutang moments," sabi n'ya saka nag-peace sign.
Lumapit siya kay Dravis saka inabot dito ang invitation card. Kahit halatang nag-aalangan si Dravis, tinanggap n'ya na lang 'yon saka tipid na ngumiti kay Ashia.
"Pumunta ka ha. Kapag hindi ka nagpunta, nako, ipapakagat kita sa crocodile... Charot!" sabi nito saka tumawa pa. Tumigil din siya agad. "Ang corny ko naman," bulong n'ya. "Basta pumunta ka, kundi isusumbong kita sa prince charming ko," pananakot pa n'ya kay Dravis.
Napatingin sa akin si Ashia. Napaupo na lang ako nang tuwid, mukha naman siyang mabait, pero hindi ako komportable sa kan'ya.
"Hello, ano'ng pangalan mo teh?" tanong n'ya saka lumapit naman sa'kin.
"D-Denise..." tipid na sagot ko.
"Hello, Denise. Ako si Ashia," nakangiting sabi nito sa akin. "Magkakilala ba kayo ni Dravis? Sumama ka rin sa wedding ko ha. May shanghai du'n," sabi pa n'ya saka nagtaas-baba ng kilay.
Natigilan lang kami nang tumayo si Dravis. Tumingin siya sa amin—kay Ashia. "I'll cook something for you. Dito na kayo kumain," sabi na lang ni Dravis.
Tumango si Ashia. "Okay, go lang."
Nagtungo na si Dravis sa kusina. Umupo naman si Ashia sa tabi ko habang si Vianne ay nakatayo pa rin at nakatingin lang sa amin, mukhang wala itong balak umupo sa tabi namin.
"Denise, magjowa ba kayo ni Dravis?" bulong sa'kin ni Ashia.
Napakurap na lang ako at awkward na ngumiti sa kan'ya saka umiling. "H-Hindi."
"Naku, hindi pa rin siya nagbabago," napapailing na sabi n'ya. "H'wag kang mag-alala, mabait 'yang si Dravis. Magugulat ka kapag nakita mo talaga ang totoong ugali n'ya... Saka, feeling ko may something nga sa inyo, e," sabi n'ya saka humagikhik pa.
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...