Ang bigat ng katawan ko nang magising. Napangiwi na lang ako at napadaing... This time, it's real. Talagang nananakit ang buong katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Mukhang totoong totoo na talaga ito. Bukod sa naaalala ko ang lahat nang nangyari kagabi, ramdam na ramdam ko rin sa katawan ko.
Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakayakap sa baywang ko at mahimbing na natutulog. Ugali n'ya ba talagang mangyakap ng katabi n'ya?!
Napataas na lang ang kilay ko at marahang tinapik ang pisngi n'ya. "Hoy, gago..." bulong ko.
Marahang idinilat ni Dravis ang mga mata. Napatitig na lang siya sa akin, napakurap pa bago kumunot ang noo. "W-What?" tanong n'ya, tila paos ang boses dahil bagong gising.
Napaismid ako dahil ang hot ng boses n'ya sa umaga.
"Bumangon ka na at umalis," nakataas-kilay na sabi ko na lang.
Inalis ko ang pagkakayakap n'ya sa baywang ko saka pilit na bumangon kahit medyo masakit ang katawan ko. Talagang sinamantala namin ni Dravis kagabi. First time n'ya pero mabilis siyang natuto. Bibigay na yata ang mga tuhod ko pero game na game pa rin ang pagkalalaki n'ya... Kaya siguro ang sakit ng keps ko ngayon, but well, ginusto ko rin naman.
Napatingin ako sa sarili ko, suot ko pala ang shirt ni Dravis, kaya umabot hanggang hita ko ang haba. Bumangon na rin si Dravis saka napasuklay sa buhok n'ya gamit ang mga daliri. Napakagat na lang ako sa kuko ko dahil mukha siyang model... Aaminin kong hot talaga siya at sobrang gwapo.
Kung hindi lang ako nangako sa sarili ko na last na 'yung kagabi, malamang niyaya ko ulit siya makipagsex.
"C-Can I take a bath first?" tanong n'ya saka napahawak sa batok n'ya.
Napabuga ako ng hangin saka tumango. "Okay," sagot ko na lang.
"Ahm... Y-You're wearing my shirt," sabi n'ya saka itinuro ang suot ko.
"Ah, oo nga pala." Agad ko namang hinubad 'yon at inihagis sa kan'ya.
Gusto kong matawa nang makitang namula ang tainga n'ya nang makita ang hubad kong katawan. Agad siyang napaiwas ng tingin, tumalikod pa talaga na parang hindi kami nag-sex nang ilang ulit kagabi.
"I-I'll take a bath now," sabi na lang n'ya saka agad na tumayo at tumakbo papuntang bathroom.
Natatawang napailing na lang ako at tumingin sa salamin. Napangiwi ako nang mapatingin sa katawan ko. Bakit ko ba siya tinuruan maglagay ng hickey kagabi? Puro kiss mark tuloy ang katawan ko ngayon. Ipapa-cancel ko na lang muna ang photoshoot ngayon at magdadahilann na masama ang pakiramdam ko.
Napabuga ako ng hangin nang mapansin na ang tagal ni Dravis. Sana pala ako na lang ang nauna. Napaismid ako at nagtungo sa bathroom saka basta na lang pumasok doon. Naabutan ko si Dravis na nagsh-shower, halos mapatalon siya sa gulat nang makita akong pumasok.
"H-Hey, you didn't even knock," reklamo n'ya.
"Why do I have to?" Inismiran ko siya. "Sabay na tayo, hindi na kita mahintay."
Napalunok si Dravis at napaiwas ng tingin sa'kin. "You're so shameless."
"Ano pa bang ikakahiya ko, eh nagsex pa nga tayo kagabi? Usod nga," sabi ko na lang saka bahagya siyang tinulak palayo sa shower.
"Hey, I'm taking a shower," reklamo na naman n'ya.
Hinarap ko siya saka nagpamaywang. "Puro ka reklamo, parang hindi ka sarap na sarap kagabi ha!" asik ko.
Halos umusok ang mukha ni Dravis sa pamumula. "Y-Your shameless mouth... My goodness." Napahawak siya sa batok n'ya na para bang stress na stress siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...