Nakayakap ako sa batok n'ya habang marubdob kaming naghahalikan. Nakaupo ako sa sink habang nasa pagitan naman siya ng mga hita ko at nakahawak sa baywang ko.
Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa halikan. Nagpresinta lang naman siya maghugas ng plato pero na-cute-an ako sa kan'ya at hinalikan siya, humalik din siya sa akin kaya ito na kami ngayon... Wala pang nahuhugasang plato.
"Audrina..." anas n'ya saka marahang kinagat ang ibabang labi ko.
"Hmm?" I sucked his lower lip. He opened his mouth, I instantly put my tongue inside and played with his tongue. Humawak si Dravis sa balakang ko at mas hinila ako palapit sa kan'ya.
"Why don't you smoke, Drav?" I whispered and bit his lower lip.
Dravis lips went down on my jaw. I closed my eyes as he showered kisses there, down to my neck. "It's not good for my health," bulong n'ya saka muling humalik sa akin.
Natawa na lang ako at napahawak sa buhok n'ya. "Health conscious," natatawang sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang labi n'ya.
Dravis distanced his face and stared at me. "Smoking is not good for the health. Okay?"
Napahagalpak ako ng tawa. "Opo, Daddy... Saka 'di naman ako naninigarilyo. Dati lang, sinubukan ko."
Napakunot ang noo n'ya. Natigilan ako nang ilapit n'ya ang mukha sa akin saka kumagat sa ilong ko. Napasinghap ako sa ginawa n'ya saka hinampas siya sa dibdib.
"Bakit mo ginawa 'yon? Siraulo ka." Humawak ako sa ilong ko.
"That's your punishment for smoking."
"Ah, you mean... my punishment for smoking ten years ago?" I asked sarcastically.
Dravis chuckled and kissed the tip of my nose. "That's my sorry kiss."
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kan'ya. Ang dami namang ka-ek-ekan ng lalaking 'to.
Muli akong humalik sa labi ni Dravis saka tumitig sa gwapong mukha n'ya. Bahagya siyang ngumiti sa'kin, namumula pa ang mukha. Ang bilis n'ya talagang mahiya. Kahit ilang beses na nga kaming nag-sex, nahihiya pa rin siya. Cute talaga ng taong 'to.
"Ang galing mo na humalik ha. Nagpahalik ka ba sa iba?" tanong ko saka pinaningkitan siya ng mga mata.
Umiling si Dravis. "I don't want to kiss another woman. I only want you," sabi na lang n'ya.
Napatikhim na lang ako. Ang kalmado ng pagkakasabi n'ya, parang hindi siya aware na halos magwala ang internal organs ko dahil sa sinabi n'ya. Minsan nakakaloka ang masyado n'yang pagiging honest.
Dahil nanggigil ako sa kan'ya, humalik ulit ako sa labi n'ya na agad n'ya namang tinugon. Agad din naman akong humiwalay dahil naalala ko ang hugasin na nawala na sa isip naming pareho.
"Huy, mamaya na ang landian. Maghuhugas muna 'ko ng plato." Bahagya kong tinulak ang dibdib n'ya.
Napasinghap ako nang humawak si Dravis sa balakang ko saka binuhat ako paalis ng sink. Pinaupo n'ya 'ko sa table saka dinampian ng halik ang labi ko bago lumayo. "Ako na ang maghuhugas," sabi pa n'ya saka nagtungo na sa sink.
Pinanood ko na lang ang likod n'ya na naghuhugas. Napakagat ako sa kuko ko... Ang tagal n'ya rin talaga maghugas, pati yata kasuluk-sulukan ng plato, kinukuskos n'ya.
Tumayo ako at lumapit sa kan'ya saka naglambitin sa likod n'ya. Yumakap ako sa leeg n'ya saka iniyakap ang mga hita ko sa baywang n'ya. Halata namang natigilan si Dravis sa ginawa ko.
"Audrina..."
"Sige, tuloy ka lang diyan. Nabo-bored ako, e," sabi ko na lang saka nagsumiksik sa leeg n'ya.
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...