Chapter Five

118K 3.5K 2.3K
                                    

"Bebe girl Denise. Parang ang lalim yata ng iniisip mo today," sabi ng makeup artist ko. 

"Pagod lang ako, teh."

Napatitig na lang ako sa sarili ko sa salamin. Mukhang halata nga na malalim ang iniisip ko... pero ang ganda ko pa rin. 

Napailing ako at tumingin sa phone ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatitig sa text ni Dravis sa akin five days ago na hindi ko ni-reply-an. Hindi na siya nag-text ulit pagkatapos no'n. Five days na rin kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam, kung tutuusin dapat wala naman akong pakialam pero hindi ko siya maalis sa isip ko. 

Dravis: Good morning, Audrina. 

Napakagat ako sa kuko ko habang nakatitig sa message n'ya. Five days ago na ito pero iniisip ko pa rin kung dapat ko bang reply-an. Pero ang weird naman kung bigla na lang akong magre-reply sa message n'ya kahit five days na ang nakalipas. Hindi na rin naman siya nag-text ulit. 

"He doesn't remember that I'm Xceron's ex-girlfriend... He's weird," bulong ko na lang habang tinatapik-tapik ng daliri ko ang steering wheel. 

Hindi ko na siya matingnan nang ayos simula nang malaman kong hindi n'ya pala naaalalang ex ako ni Xceron. Hindi ko alam kung bakit awkward para sa akin. Akala ko aware siya ro'n. Ngayon hindi ko na alam kung bakit hindi ako mapalagay. Baka ano pa ang isipin n'ya tungkol sa'kin, na tinuhog ko silang magkaibigan... Kahit pa hindi sila close, nasa iisang organisasyon pa rin sila. 

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Bakit naman ngayon ko lang naisip 'yon? Bakit ba inuna ko ang kalandian? 

Kampante rin naman kasi ako na hindi na mauulit ang one night stand namin ni Dravis. Naisip ko na hindi na kami magpapansinan ulit pagkatapos may mangyari sa amin... Akala ko kakalimutan na rin namin ang nangyari pagkatapos no'n. 

Pero ako naman ang hindi makalimot dito. 

Napailing na lang ako at nagsuot ng shades. Tiningnan ko ang sarili ko muna sa rearview mirror ng kotse ko saka inayos ang buhok ko. I'm just wearing a black sleeveless square neck crop top and fitted jeans, paired with red pumps. Napaismid na lang ako bago lumabas ng kotse ko at pumasok sa Elygant clothing line para mamili ng mga damit. Nagpatahi rin ako ng designs doon. 

Nagtingin-tingin muna ako ng mga damit bago ko puntahan ang may ari na kakilala ko lang din. Ang kaibigan kong si Faith talaga ang pinakapaborito kong designer, kaso bet ko rin naman dito sa Elygant CL kaya minsan namimili rin ako ng mga damit dito kahit punong puno na ang drawer ko. Minsan isinasalang ko rin sa auction ang iba kong mamahaling damit saka dino-donate sa mga charity ang pera. 

"Wow, ang ganda nito, ah," sabi ko na lang saka napatingin sa beige dress na nasa mannequin. 

Natigilan lang ako nang mapatingin sa lalaking nasa counter. Kausap nito ang may ari ng clothing line. Pinakita ng babae ang uniporme rito na tila pang-piloto. Napakurap ako nang mapagtanto kung sino 'yon. 

Si Dravis Laurent na naman?!

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nanatili akong nakatingin sa kan'ya at hindi naman nakakilos para magtago. Napailing na lang ako at inayos ang shades ko... Saka bakit naman ako magtatago? Sino ba siya para pagtaguan ko? Duh. 

Napapitlag ako nang tumingin siya sa direksyon ko. Nawala sa uniporme ang focus n'ya at napatitig sa akin. Napaangat na lang ang isang kilay ko saka inalis ang shades ko. Akmang iiwas na lang sana ako ng tingin pero agad siyang ngumiti sa akin nang makita ako. 

Napasinghap ako at humawak nang mahigpit sa sling bag ko. Bakit siya ngumiti nang ganoon?! My goodness! Aaminin kong medyo cute siya ro'n!

Agad n'yang kinuha ang paper bag mula sa may ari ng clothing line at agad na naglakad palapit sa akin. Napatikhim na lang ako at napakamot sa kilay ko. Kalmadong tumingin na lang ako sa ibang mga damit at nagkunwaring walang pakialam sa presensya n'ya. 

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon