Chapter Thirteen

113K 3.8K 2.3K
                                    

"Siraulo ka, Dravis!"

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at bumagsak sa couch n'ya. Si Dravis naman ay tila walang pakialam, naka-Indian sit lang sa sahig at tumuloy sa pagpapakain kay Dravy.

"Hoy, Dravis!" Humawak ako sa balikat n'ya saka pinaharap siya sa akin. "Sinesermunan pa kita, makinig ka naman! Naiinis na talaga ako, bakit mo biglang ginawa 'yon?!"

Dravis looked innocently at me. "A-Are you mad at me? I'm sorry."

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kan'ya. Natigilan siya nang hawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at pinisil 'yon saka siniil siya ng halik sa labi. May tunog pa talaga.

Pulang pula ang mukha ni Dravis nang ilayo ko na ang mukha ko. "W-Why did you suddenly kiss me?" tanong n'ya.

"Basta! Sinesermunan kita, stop being cute!" asik ko.

Napakunot ang noo ni Dravis. "I'm not cute though."

Napailing ako saka bumitiw sa kan'ya. Naiinis na tumayo ako at napahawak sa batok ko. Dapat magalit ako sa kan'ya nang hindi siya tinitingnan para hindi ako maakit.

"Ano ba'ng pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon, Dravis Laurent? Tinawag mo pa 'ko sa second name ko sa harap ni Xceron." Umupo ulit ako sa couch saka humawak sa magkabilang pisngi n'ya. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, diba? Hindi pwedeng malaman nila na may 'something' sa'ting dalawa."

Kumunot ang noo ni Dravis. "I hate that asshole. He's insisting to take you home. Naiinis ako sa kan'ya," nagmamaktol na sabi ni Dravis.

"Ano ka ba? Walang malisya 'yon, uy. Saka deads na deads kaya 'yung gagong 'yon kay Patrice. Malisyoso ka ha," nanggigigil na sabi ko saka pinisil nang todo ang pisngi n'ya.

"Ouch," bulong n'ya. Namula agad ang pisngi n'ya.

Napanguso ako habang nakatitig sa kan'ya. Nakonsensya agad ako kaya humalik ako sa pisngi n'ya. Napangiti naman si Dravis at hinila ako paupo sa kandungan n'ya. Humalik siya sa labi ko saka yumakap sa baywang ko. Umismid na lang ako nang ibaon nito ang mukha sa leeg ko.

"Don't be mad at me anymore. I'll just kill Xceron to shut him up—"

Agad kong itinulak ang mukha n'ya saka muling pinisil ang magkabilang pisngi n'ya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo ha?" tanong ko. Nanggigil ako sa kan'ya kaya humalik ulit ako sa labi n'ya. Mas lalo naman siyang yumakap sa baywang ko.

"Why don't you want me to kill him?" tila nagmamaktol na tanong n'ya na para bang nanghihingi lang siya ng candy.

"Siraulo ka pala, e. H'wag mo naman patayin. H'wag ka na nga magsalita! Naiinis ako sa'yo!" sabi ko saka muling humalik sa labi n'ya.

"Don't worry, Audrina. I will kill him immediately if—"

"Sasakalin kita, e. Gusto mo lang yata patayin si Xceron, e!" asik ko saka muling pinupog ng halik ang labi at pisngi n'ya.

Ano ba? Nanggigigil ako sa kan'ya!

"I hate him so much," bulong n'ya saka napaiwas ng tingin sa'kin.

Natawa na lang ako saka yumakap sa batok n'ya. "Bakit ka ba naiinis kay Xceron? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."

Napasinghap ako nang simangutan ako ni Dravis. "You're always defending him," bulong pa n'ya na narinig ko naman.

Napahagalpak na lang ako ng tawa saka kinagat ang tainga n'ya. Ano ba naman 'yan? Dapat sinesermunan ko siya pero ito ako ngayon at nacu-cute-an sa kan'ya at pinanggigigilan siya. Nakakainis talaga!

"Umayos ka nga, Dravis. Nag-uusap tayo nang ayos dito. H'wag ka magpacute, please," sabi ko na lang saka pinaningkitan siya ng mga mata.

Kumunot ang noo ni Dravis. "Hindi naman ako nagpapa-cute sa'yo."

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon