"Dravy... Ang scary ng Daddy mo."
Napabuga ako ng hangin habang hinahaplos ang balahibo ni Dravy, natutulog na naman siya.
Pumasok na naman sa alaala ko ang nakita ko kagabi. Alam kong si Dravis ang tumatayong punisher ng feroci, pero hindi ko alam na ganoon kalala ang ginagawa n'ya. Sa totoo lang hindi naman dapat ako magulat... May nagawa sila na mas higit pa ro'n, pero hindi ko maiwasang matakot sa nakita ko.
The cute Dravis I know can be that scary, huh. Mukhang gano'n din ang pinagdaanan ni Xceron sa kan'ya noon.
Napatingin ako sa phone ko. It's already 10 am, wala akong natanggap na text at tawag mula kay Dravis. Knowing him, mukhang kinakabahan na siyang i-approach ako dahil sa pagtaboy ko sa kan'ya kagabi.
Napaismid na lang ako... Kalmado na naman ako. Kaya ko na siyang harapin ngayon. Bakit hindi pa rin siya nagpapakita? Miss na siya ni Dravy!
"Am I too harsh on him last night?" hindi ko napigilang itanong habang nakatitig kay Dravy.
Tumahol sa'kin si Dravy. Feeling ko pinapagalitan n'ya 'ko at sinasabing... "Ikaw kasi Mommy! Softie pa naman si Daddy, baka umiiyak na 'yon."
Napakagat ako sa kuko ko saka hinaplos ang likod ni Dravy. "Sino ba'ng mas mahal mo sa'min, Dravy? Aminin mo nga."
Tumahol si Dravy. Napabuga na lang ako ng hangin, hindi na maalis sa isip ko si Dravis. Hinahayaan n'ya na ba sa'kin si Dravy?
Napatayo agad ako nang marinig na tumunog ang doorbell. Mas mabilis pa sa kidlat ang kilos ko. Agad kong binuksan ang pinto pero nawala ang excitement ko nang si Cadence ang bumungad sa akin. Napasimangot ako saka agad siyang pinagsaraduhan ng pinto.
Muli siyang nagdoorbell. Napairap na lang ako at binuksan 'yon. "Bakit ba?!"
"Gaga ka pala, e. Ikaw 'tong tinadtaran ako ng texts at tawag kagabi!" reklamo n'ya.
Napairap ako. "Bakit kasi ngayon mo lang naisipan magpakita?! Wala na tuloy ako sa mood!"
"Busy rin naman ako sa buhay minsan, 'no. Saka kagabi, kami ni Liah..." napangisi siya.
Napangiwi ako. "H'wag mo nang ituloy kung ano man 'yang sasabihin mo."
"Seryoso na, bakit mo ba ako hinahanap kagabi? Gaga ka, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." Binatukan n'ya pa 'ko.
"May itatanong lang sana ako tungkol sa—" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang tumahol si Dravy, tinahulan nito si Cadence.
Napatingin si Cadence sa tuta, napakunot ang noo n'ya. "Parang pamilyar ang tuta na 'yan... Kamukha ng in-adopt ni Dravis," sabi ni Cad saka tumingin sa'kin, ngumiti pa.
Napakurap ako at pasimpleng itinago si Dravy gamit ang binti ko. Awkward na tumawa ako. "Ano ka ba? Marami talagang aso na magkakamukha 'no."
"Ah gano'n? Grabe talaga ang tadhana 'no? Talagang magkamukha ang aso n'yo ni Dravis. Parang hindi nagkataon lang, ang galing," sabi nito habang nakangiti pa rin sa'kin, maya maya ay tumawa.
Hindi ko gusto ang gan'yang ngiti ni Cadence.
"May aso pala si Dravis?" patay-malisyang sabi ko na lang.
"Oo, sis. Tinulungan ko siya sa pagprocess ng pag-adopt ng furbaby. Kaya nga alam na alam ko ang hitsura ng aso n'ya, e. Kasama n'ya kasi ako no'n," sabi pa n'ya saka tumawa.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Ahh, okay. Wala naman akong pakialam, e... Sige na, wala naman na 'kong kailangan. Bye!"
"Huy, bakit mo muna ako hinahanap—"
BINABASA MO ANG
Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)
Romance(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misu...