Chapter 2

374 42 2
                                    


"HAAAAHHHHHHH!!!!!" Sambit ni Harrie Hernandez nang naghahabol ito ng hininga. Pakiramdam niya ay matagal na siyang hindi nakakahinga.

Nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa isang tabing dagat kung saan ay nanlalagkit ang katawan niya sa napakalapot na kakaibang bagay sa buong katawan niya. Tila ba galing siya sa isang giyera sa itsura niya ngayon na mas masahol pa sa taong grasa.

"Patay na ba ako? Bakit nandito ako sa tabing dagat?! I'm supposed to be dead right?!" Tila gulat na gulat na sambit ni Harrie Hernandez habang labis itong nagtataka sa kaniyang kasalukuyang senaryong nakikita. He don't really know what's happening lalo na ang pagkakapadpad niya dito. Patay na siya noong huling pagkakaalaala niya. Diba dapat ay wala na siyang alaala. May dagat ba talaga sa langit? Hindi alam ng binatang lalaking si Harrie Hernandez kung ano'ng iisipin lalo na at nandito siya sa lugar na di niya alam kung saang parte ito ng lupalop ng Earth ito o kung langit ba ito eh kaso lang may dagat?!

Maya-maya pa ay bumalik sa isipan nito ang nangyari sa kaniya. To be exact ay ang pagkakasagasa sa kaniya noong isang araw.

He supposed to be dead as corpse right now. Talagang nawindang ang utak niya kakaisip kung hallucinations lang ba ang lahat ng nangyayari.

"Kung hindi ako namatay ay saan ako ngayon? Pero namatay talaga ako eh, wait lang. Kumalma ka Harrie Hernandez kumalma ka... Kumalma ka..." Sambit ni Harrie Hernandez habang pilit nitong pinapakalma ang kaniyang sarili. Paulit-ulit pa nitong sinasabi na kalmahin ang kaniyang sarili lalo na at hindi niya talaga alam ang pangyayari.

Ramdam ni Harrie Hernandez ang tila pagkakaroon ng masangsang na amoy sa kaniyang katawan at malagkit na bagay na kumakapit sa kaniya.

"Bwiset naman to oh, sa lagay ko bang to ay patay na ako pero ba't ang baho ko. Pinagloloko ko ba ang sarili ko?! Haha" Sambit ni Harrie nang mapansin niyang tila hindi usual ang nangyayari sa kaniya lalo na at hindi naman dapat makaramdam ng kung ano ang patay na diba. Tsaka dapat ay parang fog lamang o di kaya ay maputlang-maputla ang balat niya hindi ba? Yung tipong pang-horror movie talaga na madalas niyang nakikita sa telebisyon.

Hindi mapigilang mapatawa ni Harrie lalo na at napaka-lame naman ng excuse niya.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya nang bigla na lamang bumuhos ang napakaraming impormasyon sa loob ng kaniyang sariling isipan. Karamihan sa pumasok sa isipan niya ay alam niyang hindi siya ang mismong may gawa ng iyon ngunit sa ala-alang iyon ay kamukha niya mismo at magkapangalan pa niya ito.

Bahagya siyang nahilo. Mas nagulat ang utak niya sa dami ng impormasyon at tila ang mga memoryang ito ay mayroong kinalaman sa kaniya o siya ba talaga iyon.

Ewan ba niya, masyado lang siya sigurong lutang o nahihibang ngunit tila pang-out of this world talaga ang mga impormasyon na nasa utak niya.

Isa pa sa kakaibang nalaman niya ay ang napakaraming impormasyon patungkol sa lugar o mundong ginagalawan niya.

"Wait, so isa itong kakaibang lugar ng mga Cultivators at hindi lang iyon dahil isang modern world ito!" Sambit ni Harrie Hernandez ng malakas habang makikita ang labis na kasiyahan sa kaniyang sariling mukha. Tila nabuhayan siya ng loob upang mabuhay.

Bigla na lamang napakamot sa kaniyang sariling batok si Harrie Hernandez lalo na at pilit niyang ina-absorb ang mga impormasyong nalalaman niya sa tila kakaibang mundong kinaroroonan niya ngayon. This is really frightening for him since he is not that knowledgeable enough to absorb all of it. Those freaking superhuman nature of people here can be undeniably a huge uproar and surprise for himself.

"Mas nauna pa kong natuwa sa pagpunta ko sa mundong ito kaysa sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Normal pa ba ako? Haha!" Natatawang sambit ni Harrie Hernandez. Dahil sa labis na kasiyahan niya sa pagkabuhay niyang muli sa mundong ito ay nakalimutan niyang hindi pala siya ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan sa mundong ito.

GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon