"Hahaha... Mukhang mga engot ang 'to, may padrama-drama pang nalalaman ang mga ito. Akala nila ay hindi ko alam ang kahalangan ng bituka ng mga ito lalo na ni Priscilla Bates at ng dalawang pesting anak nito. Ni hindi nga ako nakaramdam ng pagkalinga sa mga ito at puro pasakit lang ang binigay nila sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito tapos ito pa ang sasabihin nila? Did they think I'm stupid to think na pamilya ang turing nila sa akin." Sambit ni Harrie Hernandez sa kaniyang sariling isipan lamang habang makikitang hindi siya naniniwala sa mapagkunwaring ugali ng mga nasa harapan niya na mga nilalang. He didn't feel pity about them. They are like a toxic parasite that he wants to get rid of.Tiningnan naman sila ng malamig ni Harrie Hernandez na siyang nagpanginig sa laman ng tiyahin niya at ng dalawang anak nito.
"May maganda nga pala akong balita. Pwede na kayong umalis sa pamamahay ko ngayon din. Bumalik na kayo sa barong-barong niyong bahay dahil hindi kayo nararapat tumuntong dito!" Malamig na pagkakasambit ni Harrie halatang seryosong seryoso ito sa kaniyang pagkakasabi.
Bahagyang nagulat naman ang tiyahin niya maging ang dalawang anak nitong sina Priscilla at Tad sa sinabing ito ni Harrie Hernandez. Pakiramdam nila ay ibang-iba na ito kumpara sa dati.
"Ano bang pinagsasabi mo Harrie. Pamilya tayo hindi ba? Dapat ay nagkakaunawaan tayo hindi yung nag-aaway-away tayo." Malumanay na sambit ni Priscilla Bates sa pamangkin nitong si Sylvan Darvell pero gusto niya ng sermunan ito dahil sa kapalaluan nito. Hindi niya hahayaang mapaalis sila ni Sylvan sa pamamahay na ito dahil kahit wala pa ang titulo nito ay sa kaniya pa rin mapupunta ang lahat ng kayamanang naiwan ng kapatid nito at ng asawa nito. Para sa kaniya ay may karapatan siyang kuhanin ito dahil kapatid niya mismo ang naghirap ng perang ito noh.
"Oo nga naman Sylvan, pamilya tayo hindi ba?!" Sambit ni Tad habang mahinahon itong nagsasalita pero ang totoo ay gusto niyang bugbugin ang pesteng binatang nasa harapan niya. Napakapatpatin nito at mabilis niya lang itong mapapatumba. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nanlalaban at naging palaban sa hindi nila mawaring dahilan.
"Kumalma ka muna kuya Sylvan, hindi ba pwedeng pag-usapan ito?!" Sambit ni Elton. Hindi nito alam ang gagawin lalo na't parang kakaiba ang Sylvan na nakikita niya sa kasalukuyan. This is really not he is expecting to be.
"Sige pag-usapan natin Tiyang Priscilla kung paano mo sinubukang i-transfer ang naipong kayamanan ng ama't ina ko sa Gene bank account mo. Paano ko nalaman? Tinawagan ako ngayon-ngayon lang ng bangko para sa ginawa mong katangahan. Hindi ako mangmang para gaguhin mo lang. Tsaka nakikitira na nga lang kayo sa pamamahay ko ay parang mga Don at Donya kayo dito na akala mo ay ako pa ang caretaker ng sarili kong pamamahay!" Malamig na sambit ni Sylvan habang matiim itong nakatingin sa tiyahin niyang ahas maging sa anak nitong mga sunod sa luho. Ang dating Sylvan na nakilala niya ay masyadong mabait para ipagtanggol ang sarili nito at takot sa tiyahin niyang hilaw. Pero siya na ang nagmamay-ari ng katawang ito at malaya siyang angkinin ang bagay na nararapat lamang sa kaniya. Sisiguraduhin niyang ang mga naipundar at mga kayamaang naiwan kay Sylvan ay palalaguin niya at gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang maging malakas siya sa hinaharap para di siya api-apihin.
Hindi talaga maipagkakaila ni Harrie na nalilito siya sa katawagan sa kaniya. Siguro nga ay kailangan niya ng masanay at ito na ang permanenteng buhay na meron siya. Siya na ngayon si Sylvan Darvell at hindi na siya si Harrie Hernandez.
Nagimbal naman ang babaeng si Priscilla maging ang mga anak nitong si Tad at Elton sa sinabing ito ni Sylvan Darvell. Hindi nila aakalaing manlalaban ito sa kanila lalo na sa nanay nilang si Priscilla.
Pakiramdam nila ay naging bato lahat ng pinaghirapan nila. Ang sakripisyo ng ina niya para matagumpay na maisagawa ang lahat ng minimithi nito para maangkin lamang ang yaman ng pamilya Darvell ay nawala lamang ng parang bula.
BINABASA MO ANG
GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4
Science FictionSi Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niy...