Chapter 7

214 25 0
                                    


Hindi niya naman naramdamang masama ang intesyon nito. Pero iba din ang naiisip nito sa briefcase na hawak nito. Napanood niya din kasi yung Death Game ba yun na aalukin siya ng pera para sumali sa death game. Hindi niya alam kumg ano yung title ng palabas na yun.

Agad namang iwinala ni Sylvan Darvell ang patungkol sa naiisip niya dahil imposibleng mangyari iyon lalo na at di naman sila mamamatay dahil sa simpleng machine gun o kahit nuclear weapon pa yan. Maraming malalakas na Gene Cultivator na baon sa utang dito pero hindi mo mapatay-patay dahil kaya nilang ipagtanggol ang mga sarili nila.

Nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa sala ng mansyong ito. Makikitang tila nagbubukas ng briefcase  ang lalaking walang hiyang pumasok sa mansyon na pagmamay-ari niya.

Hindi naman mapigilang magsalita ni Sylvan Darvell nang...

"No Deal" Sambit ni Sylvan Darvell nang makita nitong tila may lalabas na numero sa ere.

Napatingin naman sa kaniya ang lalaking nagbubukas ng briefcase at mabilis na humagalpak ng tawa.

"Hahahaha! Ano'ng no deal ka diyan. Hindi ito Gene Game Show hahaha!!!" Natatawang sambit ng lalaking nasa mid-20's nang mahinuha nito ang sinasabi nito.

"Gene Game Show? Meron ba nun?!" Sambit ni Sylvan Darvell sa lalaking humagalpak ng tawa hanggang ngayon. Wala naman siyang maalala sa memorya ng original owner na game show. Siguro nga naapektuhan ang moryang pumunta sa kaniya.

"Uso manood sa Ultra Gene Television.  Tsaka hindi mo naman siguro naiisip na recruiter ako ng participants ng Gene Game Show na yun, tama ba ko?!" Sambit ng lalaki habang ang mata ay sa briefcase pa rin.

"Gene Game Show?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Tila parang pakiramdam ni Sylvan Darvell ay baka may komunikasyon ang mundong ito sa Earth.

"Oo, yung pipili ka ng number tapos kung ano yung nasa loob na instructions ay iyon ang susubok na lalabanan ng participants. Ngunit malas lang ng iba kung malalakas na Geno Beasts ang lalapa sa kanila hahaha!" Sambit ng lalaking hindi pa kilala ni Sylvan Darvell.

Tila gusto namang mawala ni Sylvan Darvell sa pwesto niyang ito. Ang feeling na umasa pa naman siya na patungkol sa Earth ang Game Show na iyon pero iba din pala ang Gene Game Show na iyon. Mas brutal pa iyon kaysa sa mga palabas sa Earth. Naalala niya palang maraming Geno Beasts ang mundong ito at imposibleng hindi sila kasali sa brutal na existence ng mundong ito.

Nakita naman ni Sylvan Darvell ang paglitaw ng napakaraming letra sa ere. Hindi lamang iyom dahil parang hologram lang ito na gumagalaw at naglalaho sa ere. Nakikita niya palang kaso ang numero noong sa Earth siya ay talaga namang nahihilo na siya joke! Kailangan niya pa ring matuto ng math noh pero honestly speaking parang napakapambihira ito dahil secured na secured ang briefcase na ito at sobrang high tech. Mapapa-sanaol na sana siya ngunit ayaw niya namang isipin ng lalaking nasa harapan niya na naggdedeliryo at nagsasalita siya ng Alien language.

Nag-umpisa namang pumindot ng pumindot ang lalaking hindi pa kilala ni Sylvan ngunit parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Nakita na siguro ito ng dating nagmamay-ari ng katawang ito kaya pamilyar ito.

Nakita niya kung paano kabilis ang pagpindot ng mga numero sa ere ang lalaking hindi niya pa kilala kung sinong pontio pilato ito.

"Grabeng bilis ng kamay ni kuya. Daig pa siguro kawatan sa bilis ng pagpindot nito. Pwede na tong professional thief kung magkataon haha!" Sambit ni Sylvan Darvell sa kaniyang sariling isipan lamang. Siguradong  kasi siyang hindi matatalo ng mga magnananakaw sa planetang Earth ang lalaking trespasser na to.

Tick!

Tila napakasatisfying ng pagbukas ng malaking briefcase na dala ng lalaking nasa mid-20's na ito.

GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon