Chapter 8

201 27 0
                                    

"Okay na ba Tito Timon? Ano na ang pag-uusapan natin?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang galak itong nakatingin sa kaniyang titong si Timon Finch.

"Wala naman. It's just that, you have to be careful in the future. Mauna na ko." Sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang makikitang tila nagmamadali ito. Bahagya din gumuhit ang mukha nito nang tingnan nito ang Gene Watch nito na kakaiba ang disenyo kumpara sa kaniya. Kung hindi siya nagkamamali ay isang bagong modelo iyon ng Gene Watch na inilabas nitong nakaraang linggo lamang.

Nang akmang papalabas na sa pinto ang lalaking si Gene Doctor Timon Finch ay mabilis namang nagsalita sa likuran nito ang binatang si Sylvan Darvell.

"Care to explain Tito? Bakit para atang nagmamadali ka?!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang tila di niya alam kung anong nangyayari sa tito niyang si Hak Ye-jun.

"Nagkaroon lang ng problema sa Gene Lab na pinagtatrabahuan ko. Mag-usap nalang tayo next time. Puntahan mo nalang ako dito if you have time." Sambit ng lalaking si Gene Doctor Timon Finch habang mabilis nitong kinuha ang maliit na papel na isa palang Personal Gene Card.

Bigla na lamang naglaho si Gene Doctor Timon Finch matapos nitong mawala na parang bula.

Labis namang nabigla ang binatang si Sylvan Darvell sa kaniyang sariling nakita. Masasabi niyang normal naman ito sa mundong ito lalo na at ang pagfuse ng siyensya at abilidad na meron ang isang Gene Cultivators ay nagsama. Galing pa rin siyang planetang Earth noh at first time makakita ng abilidad na ito. Hindi naman teleportation iyon kundi super speed. Siguro nga ay urgent nga ang problemang tinutukoy nito patungkol sa propesyon nito.

Tahimik namang ni-lock ng binatang si Sylvan Darvell ang nakabukas na pintuan ng gate. Mayroon ding nag-eexist na magnanakaw sa mundong ito no. Talagang 10× ang liksi at galing ng mga ito kaya dapat ay preparado siya. Isa pa ay hindi ligtas ang mundong ito para sa katulad niyang nag-iisa na lamang. Natatawa nga siya sa 20 Geno  points na kasalukuyan niyang na-obtain. Saan kaya aabot  ang 20 Geno points niya?

Agad namang napaisip ang binatang ito sa sinabi ng kaniyang titong si Timon Finch lalo na sa paalala nitong mag-ingat siya. Kinakabahan nga siya lalo pa't  wala rin siyang ideya kung sino ang nagpapatay sa namatay na original owner ng katawang pagmamay-ari niya na ngayon.

Dahil siguro sa pagkamatay nito ay nabura lahat ng alaala nito noong araw ng pagkapaslang sa orihinal na nagmamay-ari ng katawan niya na walang iba kundi ang binatang si Sylvan Darvell ng mundong ito. Kaya rin naging posible iyon upang sabay na magfuse ang katawan nito sa consciousness niya. Yun nga lang ay masuwerte siya dahil nabuhay pa siya pero ang orihinal owner ng katawang ito ay napaslang talaga ng tuluyan.

Talaga ngang kailangan niyang mag-ingat dahil baka nga nasa paligid lamang ang tunay niyang kaaway o di kaya ay maimpluwensiya ito at makapangyarihan.

Agad na pumasok ang binatang si Sylvan Darvell sa loob ng mansyon niya. Dumiretso siya sa study room ng ama nito na naging tambayan niya. He just want to find ways to increase his Geno points without risking his life or waste his time waiting for nothing.

Biglang pumasok muli ang patungkol sa Graduation niya at pasukan na ulit bukas. Kapareho lang din sa earth ang araw dito. There are Seven days  in a week pero ang kaibahan lang ay mayroong 33 days for the whole month.

...

Kasalukuyang narito ang binatang si Sylvan Darvell sa loob ng isang Virtual Gene Mall. Isa itong virtual reality na mall na kung saan ay makikita niya na lamang ang kaniyang sariling naglalakad sa napakaraming stalls.

Namamangha pa rin ang binatang si Sylvan Darvell dahil napaka-advance ng technolohiya rito. Nasa kanya pa rin ang memorya ng dating original owner ng katawang meron siya kaya hindi siya nagmumukhang ignorante sa mga karaniwang bagay sa mundong ito.  Nakakamangha din lalo na't nahahawakan niya ang mga bagay na bibilhin niya at maaari niya itong dalhin sa totoong mundo. Walang nakawan ang mangyayari dito at digital payment din ang nangyayari dito.

GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon