"Gaano kaya kalakas ang atakeng maaari kong mapatikim sa pesteng pinsan kong ito na si Tad Naalala ko pang binugbog ako palagi ng walang awa nito noong nagkakamali ako sa pinapagawa nito hmmp!" Sambit ni Sylvan sa kaniyang sariling isipan lamang na may halong panggigigil. Ramdam niya pa rin ang bawat sakit sa mga pasang natamo noon ng original owner ng katawang ito lalo na kapag mali-mali ang nagagawa niya. Kung hindi siya makakakita o nakakalakad ay hindi siya titigilan nito. Ngayon na siya naman ang may upper hand ay ipapatikim nito sa kaniya na mali siya ng kinalaban. Kahit pa pinsan niya ito ay wala siyang ni katiting na awang nadarama sa pinsan niya daw at tiyahin.
Nakatalikod ang lalaking si Tad matapos na nagmintis ang atake nito. Walang alinlangang pinagsalikop ni Sylvan ang dalawang kamao niya at mabilis na pinatama ito sa likod ni Tad
BANG!
Isang malakas na pagbagsak nito sa tiles na siyang sahig ng pamamahay ni Sylvan ang pinalasap nito sa pinsan nitong si Tad.
Makikitang tila hindi gumalaw si Tad sa pwesto nitong binagsakan.
"Arrgghhh! Peste ka talaga kahit kailan Sylvan! Hindi ko aakalaing may maibubuga ang mahinang katulad mo!" Sambit ni Tad at masasabing may pasa o pinsala itong natamo sa pagkakabagsak niya matigas na sahig.
Masasabing napakatibay ng malaking bahay na ito ng mga magulang ni Sylvan Darvell. Masasabi niyang hindi basta-bastang masisira lamang ang bahay na ito.
Gusto sanang bumangon ni Tad mula sa pagkakabagsak niya ngunit nang subukan niya ay talaga namang hindi niya nagawa sapagkat mabilis na tinapakan ni Sylvan ang ulo nito gamit ang mamahalin nitong sapatos na suot. Kahit na napakaluma na nitong sapatos niya ay isa ito sa paboritong koleksyon ng sapatos ng ama nito. Siyempre sa kaniya ang punta nito sapagkat pinapatapon sana ito ng magaling niyang tiyahin ngunit tinago noya lahat ng mga ito.
Ngayon ay alam niya na ang isa sa mga purpose ng sapatos na ito, ang tapakan ang mga taong hindi karapatdapat na bigyan ng respeto. Hindi niya aakalaing mapapaaga ang paghihigante niya sa tiyahin niya at sa mga mapang-aping anak nito. Kung hindi siya lalaban sa mga ito ay mamemeste lang ito ng mamemeste sa buhay nila.
Nagpupumiglas naman si Tad habang mahigpit pa ring nakatapak sa ulo nito ang paa ni Sylvan na palagi niyang inaapi at sinasaktan ng pisikal. Sa araw na ito ay parang bumaliktad ang sitwasyon nila, siya naman ang wlaang laban sa bagsik ng pinsan nitong si Sylvan.
"Humanda ka sakin Eun kapag makaalis ako dito. Hindi ko palalagpasi--- AHHHHHHHHH!!!!!" galit na galit na sambit ni Priscilla habang nagpupumiglas ito sa pagkakatapak sa kaniya ni Sylvan. Makikita sa nagpupulahang mata nito ang nag-aapoy na galit. Ngunit hindi iyon umubra kay Sylvan dahil hindi pa siya nakontento at tinapakan pa nito ang kanang kamay ni Tad na siyang ikinasigaw ng huli.
Mabilis namang nakarecover ang mag-inang Priscilla at Elton nang makita nilang nahihirapan si Tad at pinahihirapan ito mismo ni Sylvan. Ang kasalukuyang Sylvan ay pakiramdam nila ay ibang-iba sa pagkakakilala nila. Ang nasa harapan nila ay parang isang demonyong umalpas patungo sa bahay na ito.
Kahit nagpapanic na si Priscilla ay mabilis itong nagsalita habang nakaharap sa kay Sylvan.
"Bitawan mo ang anak ko, Sylvan. Walang kasalanan ang anak ko sa'yo. Kung nabubuhay lang ang ina at lalo na ang ama mo ay baka naturuan ka na ng leksyon sa pinanggagawa mo!"pangongonsensyang sambit ni Priscilla habang mataas ang tono ng pananalita nito. Hanggang ngayon ay mas nagagalit siya sa pesteng binatang ito na natitirang buhay sa pamilya Sylvan. Naalala niya ang pesteng kapatid nito lalo na ang ina ni Sylvan Darvell na namatay sa isang aksidente. Wala siyang pakialam sa mga ito. Tanging ang kayamanan lamang ang habol niya sa yumao niyang kapatid.
BINABASA MO ANG
GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4
Science FictionSi Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niy...