Chapter 1

722 50 3
                                    

"Hay naku ano ba naman ang librong paborito kong binabasa sa online, hindi ko matanggap na ganito yung ending nito, Why!!!" Malakas na sambit ni Harrie Hernandez nang matapos nitong basahin ang huling kabanata ng librong binabaasa niya online. Palagi niyang binabasa ang libro ito lalo na at hindi lang ito sikat na libro kundi isa din ito sa pinakamagandang nabasa niyang nobela patungkol sa Cultivation.

Oo na, sabihin na nating isa siya sa mga mambabasa na humahanga sa mga akdang mayroong kinalaman sa mga martial artists na kayang mag-level up o umangat ang ranggo habang nagpapatuloy ang pag-unlad ng kwento. Hindi kasi ito isang pangkaraniwang kwento lamang o yung typical na genre na nababasa ng iba. Konti lang kasi ang may mahihilig dito dahil karamihan ay mga kapwa niya mga kalalakihan ang palaging hinahanap ang genre na ito kung saan ay naging hobby niya na.

Yun lang, talagang nasa isip niya na bakit ganito ang katapusan ng binabasa niyang Cultivation Novel o mas mabuting sabihing Cultivation Novel. with "s" kasi gusto niyang manuntok o suntukin ang sumulat na manunulat nito. Pinatay ba naman yung bida ng kwentong sinulat nito.

Kung tutuusin ay masasabi niyang kung hindi naman namamatay ang bida ay kadalasan ay naki-cripple naman o nagiging imbalido naman ang bida sa huling pahina ng kwento o di kaya ay puro mga masasama ang kinahihinatnan ng kwento. Para sa kagaya niyang mambabasa ay talagang nakakadismaya ang ganito lalo na at napakahaba ng libro at ilang bolyum pa naman ang nababasa niya o nila na halos ilang buwan o taon pa bago nila matapos, minsan nga ay hinihintay pa nila kung kailan mag-update ang nasabing manunulat na halos pagpuyatan nila pero ang katapusan ng libro ganon na lamang? It's really frustrating. Hindi ba pwedeng bigyan ng magandang ending ang librong sinusulat nila? Kahit man lang sa kwento ay pwede bang happy ending lang? Oo na, demanding na kung demanding pero gusto ng binatang si Harrie Hernandez ng magandang ending o di kaya ay PERFECT HAPPY ENDING hindi ang PERFECT DISASTROUS SAD ENDING kagaya ng nabasa niyang ending ng librong paborito niyang basahin at subaybayan.

Ting! Ting! Ting!

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay hindi magkamayaw ang mga nababasa niyang cimments at natatanggap na notifications mula sa librong paborito niyang binabasa.

"Author naman, napaka-bitter mo!"

"Sayang lang ang oras ng pagbasa ng libro mo!"

"Ano ba naman yan, pati sa kwento na 'to puro nalang  sad ending?!"

"Hustisya naman jan author, pinatay mo ang bida ng kwento!"

"Bakit ba talaga ang pangit ng ending nito?! Can someone tell me?!"

Ilan lamang iyan sa nabasang mga negatibong komento ni Harrie Hernandez habang nagba-browse ito ng mga comments ng mga kapwa niya mambabasa ng librong nababasa niya. Ewan niya ba pero kahit siya ay nadismaya din talaga lalo na at pinagpuyatan niyang basahin ng ilang taon ito lalo na at ito talaga ang inaabangan niyang kwento patungkol sa Cultivation Novel. Mala-SCI-FI din kasi ang settings ng kwentong binabasa niya at ang pinakapangit na nabasa niya ay ang ending nito. Why would they do such bad thing especially the ending of his favourite cultivation novel. Napaka-unfair kasi para sa kaniya lalo na at sobrang OP ng bida ng librong paborito niyang basahin tapos namatay lang ito sa mahina at napakapangit na kalaban nito. Kung andun siya sa mismong senaryo ng kwento ay baka binugbog niya na ito at pinagsusuntok pero naisip niyang may malakas palang mga martial arts skills ang mga ito at baka isang atake lamang ng mga ito sa kaniya ay baka mabura ang existence niya.

Nagbrowse pa siya sa komento at talagang hindi talaga maipinta ang mukha niya sa mga nababasa niyang mga komento.

"Yan nga, buti nga sa bida ng kwentong to, napaka-arogante kasi kaya deserve lang na mamatay!"

"This is a perfect ending hahaha buti nga sa bida ng kwentong to!"

"Whahahaha there is no such happy ending, mabuti at ganito ang ending!"

GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon