Chapter 6

237 30 1
                                    

Sa mga nagdaang araw ay nananatili lamang si Sylvan sa malaking mansyon na tinitirhan niya. Sa totoo lang ay napakayaman o napakarangya ng pamuhay ni Sylvan ngunit nabuhay ito sa kakarampot na bigay ng hilaw niyang tiyahing si Priscilla. Masasabi niyang wala naman talagang karapatan sa anumang ari-arian ang pesteng tiyahin niya lalo na ang mga anak nitong mga batugan at maluho. Ngayon na nandito na siya sa mundong ito ay hindi niya hahayaang may makapanakit sa kaniya o kaya ay abusuhin ang kabaitan niya. Ipinapangako niya sa kaniyang sariling magiging matatag siya kahit na anumang mangyari. Siguro ay may layunin talaga siya sa pangalawang buhay niyang ito dito.

Nalaman niyang ang lugar na ito ay tinatawag na Godly Sanctuary. Isa lugar na maihahalintulad sa lugar ng mga diyos. Ewan niya ba at parang naging ganito ang tawag eh wala namang kinikilalang diyos dito.

Nag-eexist na ang mundong ito ng ilang daang taon na ang nakakalipas at kasabay nito ay umuunlad at umuunlad ang pamumuhay ng bawat nilalang na nabubuhay rito. Sa malalim niyang pananaliksik sa malawak na library sa loob ng study room noon ng kaniyang yumaong ama ay nalaman niyang ang mundong ito noon at hanggang ngayon ay magulo. Nagkaroon ng kakaibang pangyayari noon kung saan ay nagkaroon ng Gene Mutations ang bawat mga hayop na nandirito sa mundong ito kung saan ay nagresulta ito ng kakaibang pag-mutate ng mga ito lalo na sa taglay nilang Gene. Naging mababagsik at nakakatakot na halimaw ang mga ito. Kahit nga ang mga insekto sa mundong ito ay nagkaroon ng mutasyon.

Ang mga teknolohiya at maging siyensya noon na gumawa ng imbensyon o naimbento at kahit ang armas na nagawa sa panahong iyon ay nawalan ng silbi at hindi ito tumalab sa mga malalakas na mga halimaw which results to make the human civilization to be powerless. Ang nasa Top food chain na sana'y mga tao ay nalagay na lamang sa pinakahuling bahagi ng food chain. That's is a reality lalo na at walang bakas ng pagkakaroon ng pag-asa ang mga tao.

Ang ordinaryong mga metal na ginawang mga sandata ay talaga namang walang silbi ang mga ito lalo na ang mga copper, silver or even gold ay hindi kayang balatan ng buhay o masugatan man lang ang mga insektong nagkaroon ng mutasyon ano pa kaya ang mga dambuhalang mga halimaw. Tinawag nga iyong Dark Era sa kasaysayan ng mundong iyon. Ang mga tao ay gumawa ng pamamaraan upang maka-survive sila sa mga bagsik at banta ng mga mababangis na mga halimaw. Kaya nga tinawag na ang mga ito bilang mga Geno Beasts. They are no longer a simple kind of animals but a beasts or an aggressive monsters.

Magkagayonman ay natuklasan ng mga tao na ang mga Geno Beasts ay nagbibigay ng kakaibang katangian at abilidad sa sinumang makakapatay sa mga ito o kakain sa mga karne ng mga ito which is tinatawag na Geno Points. Kapag nakamit mo na ang maximum requirements ng Geno points sa katawan mo ay mag-uundergo ang mismong katawan mo sa tinatawag na Evolution o ang pagkaroon ng pagbabago sa pisikal na pangangatawan mo which grants you an ability or even skills.

Yun nga lang ay ang geno points ay limitado lamang at random points ito. Hindi maaaring mangolekta ng Geno points sa mahihinang nilalang sa buong buhay mo. If you want to ascend into higher phase of evolution or gene mutations in your body, you need fight and hunt powerful beast na compatible o kaparehong lebel mo na kayang pumuno ng Geno points requirements mo. In addition, you need to cultivate and practice your body, mind and spirit to solidify your cultivation. Kaya nga ang tinatawag sa mga tao o nilalang na kayang magcultivate ay mga Gene Cultivators.

Later on, they discovers the Beast Soul o Beast Souls coming from rare species of the Geno Beasts. It will bring a special functions or additional part of your body. Halimbawa na lamang dito ay kung makakapatay ka ng isang malakas na ibon na mayroong beast souls, this will grant you one of its body parts. Kung susuwertehin ka ay makakakuha ka ng pakpak nito mismo which grants you flighting ability. Makakalipad ka ng malayo at makakatakas ka sa mga kalaban mo kung wala sa mga ito ang kayang lumipad.

GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon